backup og meta

Maaari bang sumakit ang ulo dahil sa brain tumor?

Maaari bang sumakit ang ulo dahil sa brain tumor?

Normal para sa mga tao na makaranas ng pananakit ng ulo, lalo na kung sila ay pagod o stress. Ngunit ang uri ng sakit ng ulo na kailangang malaman ng mga tao ay ang pananakit ng ulo dahil sa brain tumor. Ano nga ba ang pinagkaiba nito sa regular na pananakit ng ulo, at paano mo malalaman kung meron ka nito?

Ano ang pananakit ng ulo dahil sa brain tumor? 

Tulad ng tawag dito, ang brain tumor headache ay dulot ng tumor sa utak. Tinatayang humigit-kumulang na 50% ng mga pasyenteng na-diagnose na may brain tumor ang nakaranas ng pananakit ng ulo bilang sintomas.     

Ang ganitong uri ng pananakit ng ulo ay nangyayari bilang resulta ng pagtaas ng intracranial pressure, o pressure sa pagitan ng bungo at brain tissue, na sanhi ng tumor.

Posible rin na ang tumor mismo ang bumabanat sa dura, ang tumatakip sa utak. Ang dura ay may isang bungkos ng mga nerve endings, kaya mas receptive ito sa sakit. Sa kabilang banda, ang utak mismo ay walang anumang pain receptors, kaya wala itong nararamdaman.

Habang lumalaki ang tumor, maaaring  maipit nito ang mga nerves kaya nagkakaroon ng pananakit ng ulo. Karaniwang inilalarawan ito ng mga tao na laging may mabigat na pakiramdam o pinipiga ang ulo at lumalala sa gabi at umaga. Gayunpaman, posibleng maramdaman din ang matalim at tinutusok na sakit.

Pagtagal, ang pananakit ay mas lumalala. Nangyayari ito kung ang tumor ay lalong lumaki, na nagiging sanhi ng pagtaas ng intracranial pressure.

Kailan Ka Dapat Mag-alala?

Mahalagang malaman na kahit na ang pananakit ng ulo ay dahil sa brain tumor, kadalasan ay hindi lamang ito ang sintomas. Ang mga taong na-diagnose na may mga tumor sa utak ay maaaring makaranas ng iba pang mga sintomas tulad ng:

Napakabihira na pananakit lamang ng ulo ang sintomas ng brain tumor.

Gayunpaman, ang mga sumusunod ay ilang katangian ang brain tumor headache: 

  • Kadalasan ito ay malala sa umaga, pagkagising, at sa gabi.
  • Ang pag-ubo o pagyuko ay maaaring magpalala ng sakit.
  • Habang tumatagal, lumalala ang pananakit ng ulo mo, sa halip na gumaling.
  • Ang pakiramdam ay kadalasang pumipintig na sakit sa iyong ulo.

Tandaan na ang mga sintomas na nabanggit sa itaas ay katulad din ng migraine o iba pang uri ng pananakit ng ulo. Hindi ibig sabihin na nararanasan mo ang mga sintomas na pananakit ng ulo ay may brain tumor ka na.

Gayunpaman, kung lumalala ang pananakit ng ulo mo, o kung nakakaabala sa iyong pang-araw-araw na buhay, mabuting humingi ng medikal na atensyon.

Ano ang Magagawa Mo Tungkol dito?

Para sa nakararami, ang pananakit ng ulo ay kadalasang nawawala nang kusa. Ibig sabihin, paglipas ng panahon, posibleng mawala ito.

Gayunpaman, kung nag-aalala ka na maaaring may pananakit ka ng ulo dahil sa brain tumor, pinakamahusay na kumunsulta ka sa iyong doktor.

Tatanungin ka ng doktor tungkol sa iyong kalusugan, gayundin kung mayroon kang anumang mga dati ng health conditions. Susuriin din ang medical history mo para makita kung ang dati mong sakit ay may kaugnayan sa pananakit ng ulo mo.

Kung kinakailangan, maaaring hilingin sa iyo na sumailalim sa iba’t ibang mga pagsusuri tulad ng blood test, lumbar puncture, o imaging tests tulad ng MRI o X-ray. Magbibigay ito sa doktor mo ng ideya kung ano ang sanhi ng pananakit ng ulo mo.

Key Takeaways

Ang pananakit ng ulo ay pangkaraniwan at lahat ay nakakaranas nito paminsan-minsan. At kahit na ito ay posibleng senyales ng brain tumor, kadalasan ay hindi ito dapat ikabahala.
Ang mahalagang bagay na dapat tandaan ay kumunsulta sa iyong doktor tungkol dito kung ang pananakit ng ulo ay nagpapatuloy. Mahusay nila itong masusuri,at magrereseta ng paggamot para sa kondisyon o pinagbabatayang kondisyon ng sakit ng ulo mo.
At tandaan na hindi lamang pananakit ng ulo ang senyales ng brain tumor. Walang dahilan para mataranta, lalo na kung wala kang ibang sintomas. 

[embed-health-tool-bmi]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Headache: Could It Be a Brain Tumor? | Johns Hopkins Medicine, https://www.hopkinsmedicine.org/health/conditions-and-diseases/headache/headache-could-it-be-a-brain-tumor, Accessed January 19, 2021

What Do Brain Tumor Headaches Feel Like? | Roswell Park Comprehensive Cancer Center, https://www.roswellpark.org/cancertalk/202005/what-do-brain-tumor-headaches-feel, Accessed January 19, 2021

Brain Tumour Symptoms: Headaches, https://www.thebraintumourcharity.org/brain-tumour-signs-symptoms/adult-brain-tumour-symptoms/headaches/, Accessed January 19, 2021

Headaches | Cancer.Net, https://www.cancer.net/coping-with-cancer/physical-emotional-and-social-effects-cancer/managing-physical-side-effects/headaches, Accessed January 19, 2021

When Is a Headache a Symptom of a Brain Tumor? | Memorial Sloan Kettering Cancer Center, https://www.mskcc.org/news/when-headache-symptom-brain-tumor, Accessed January 19, 2021

Signs & Symptoms – American Brain Tumor Association, https://www.abta.org/about-brain-tumors/brain-tumor-diagnosis/brain-tumor-signs-symptoms/, Accessed January 19, 2021

Kasalukuyang Version

10/31/2022

Isinulat ni Corazon Marpuri

Narebyung medikal ni Nicole Aliling, MD

In-update ni: Corazon Marpuri

Narebyung medikal ni

Nicole Aliling, MD

Neurology · Centre Médicale Internationale


Isinulat ni Corazon Marpuri · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement