home

What are your concerns?

close
Inaccurate
Hard to understand
Other

Share


Or copy link

New

Pamparegla na Mabilis Umepekto: Anu-Ano Ang Maaaring Gamitin?

Pamparegla na Mabilis Umepekto: Anu-Ano Ang Maaaring Gamitin?

Paano mo mapapabilis ang epekto ng pamparegla?

Maraming kababaihan ang nag-iisip ng paraan upang mapabilis o maging mas epektibo ang pamparegla dahil sa kanilang delayed na menstrual cycle. Karaniwan man itong problema, madali naman itong nasosolusyonan sa paggamit ng mga pamparegla. Kabilang na rito ang mga gamot, o kaya lifestyle changes na dapat gawin ng isang babae.

Sanhi ng Delayed na Regla

Heto ang ilang dahilan kung bakit posibleng ma-delay ang menstrual cycle ng isang babae:

  • Hormonal imbalances
  • Gamot
  • Nasobrahan sa exercise
  • Hindi sapat na calorie intake
  • Masyadong mababa o kaya mabigat na timbang
  • Pagbubuntis
  • Pagpapasuso
  • Polycystic ovary syndrome o PCOS
  • Uterine fibroids
  • Pelvic inflammatory disease
  • Uncontrolled diabetes
  • Stress
  • Premature ovarian failure
  • Hyperprolactinemia
  • Diabetes

Anu-Ano Ang Puwedeng Gamitin na Pamparegla?

Anu-ano nga ba ang safe at epektibong pamparegla na mabilis rin umepekto? Ito ay kadalasang tanong ng mga babae na nakakaranas ng irregular o kaya delayed na menstruation.

Bago ang lahat, tandaan na ang pagkakaroon ng irregular na period sa puberty o kaya menopause ay hindi dapat ikabahala. Ito ay dahil karaniwan na itong nangyayari sa ganitong panahon.

Heto ang ilang tips na puwedeng makatulong na pamparegla, ngunit minsan ay matagal ito bago umepekto. Tandaan, magpakonsulta muna sa iyong doktor bago sumubok ng mga ito upang masiguradong ligtas ang mga ito.

Contraceptive pills

Karaniwang ginagamit ang mga contraceptive pills na pamparegla.

Ito ay dahil ang mga low-dose birth control pills ay nakakatulong upang ma-regulate ang menstrual cycle. Ang ganitong mga pills ay mayroong estrogen at progesterone. Ito ay nakakatulong upang masolusyonan ang irregular na menstruation. Nirerekomenda ng mga doktor na inumin ito ng 10 hanggang 14 na araw kada buwan.

Sa kabilang banda, maaari rin maging sanhi ng irregular na regla ang pag-inom ng mga pills na ito. Kung ikaw ay umiinom ng contraceptives at biglang naging irregular ang iyong period, mabuting magpakonsulta na sa iyong doktor upang humingi ng ibang gamot.

Pagpapababa ng timbang

Para sa mga babae na overweight o kaya ay mayroong PCOS, nakakatulong ang pagpapababa ng timbang upang ma-regulat ang kanilang menstrual cycle.

Mental health

Ang stress ay maaring maging sanhi ng irregular menstruation. Huwag mag-atubiling humingi ng tulong mula sa isang psychiatrist o kaya sa therapist upang masolusyonan ang iyong mga suliranin.

Gamot

Ang isang inirerekomendang pamparegla ay ang metformin. Ito ay isang uri ng diabetes medication na ginagawang mas sensitive ang katawan sa insulin. Ibinababa rin nito ang production ng testosterone sa katawan, na maaaring maging sanhi ng irregular menstruation.

Nakakatulong rin ang medroxyprogesterone upang magkaroon ng regla. Kadalasan itong ibinibigay sa mga babae na dating regular ang menstruation, pero biglang naging irregular.

Supplements

Heto ang iba pang mga bagay na puwedeng maging pamparegla. Ngunit tandaan na kinakailangan pa ng karagdagang pag-aaral tungkol dito upang masigurado ang pagiging epektibo. Magpakonsulta sa iyong doktor upang malaman kung ano ang pinakamabisang pamparegla para sa iyo.

  • Hindi pa hinog na papaya. Nakakadagdag ito sa contractions sa uterus, na maaaring magsimula ng menstruation. Bukod dito, nakakababa rin ito ng stress.
  • Cinnamon. Nakakatulong ito i-regulate ang menstrual cycles, at nakakabawas sa menstrual cramps.
  • Aloe vera. Nakakatulong itong mag-regulate ng mga hormones, na mayroong epekto sa me.
  • Turmeric. Nakakatulong ito sa pag-balanse ng hormones at regulate ng menstruation. Nakakabawas rin ito sa sakit na dulot ng menstrual cramps.
  • Multivitamin and minerals
  • Magnesium
  • Antioxidants
  • B Vitamins

Kailan Dapat Mag-Alala Sa Irregular Periods?

Dapat kang mag-alala kapag nangyari ang mga sumusunod:

  • Tumigil na ang iyong period
  • Higit 3 taon na irregular ang iyong period
  • Lumalagpas sa 45 days bago ka ulit magkaroon ng period
  • Kumakapal ang buhok sa iyong katawan
  • Matinding sakit kapag mayroong menstruation
  • Periods na lagpas 7 araw at mayroong heavy flow

Kung maranasan mo ang mga ito, mabuting magpakonsulta agad sa iyong doktor.

Mahahalagang Kaalaman

Ang pag-inom ng mga pamparegla ay maaring makatulong upang maging mas regular ang iyong menstruation, ngunit hindi palaging mabilis ang mga epekto nito. Kabilang rito ang mga gamot na nakakatulong sa pag-regulate ng hormones, pati na rin ang lifestyle changes upang bumaba ang timbang at ang iyong stress.

Alamin ang tungkol sa Menstruation dito.

Ovulation Calculator

Ovulation Calculator

Tracking your period cycle, determines your most fertile days and increases your chance of conceiving or applying for birth control.

Ovulation Calculator

Tracking your period cycle, determines your most fertile days and increases your chance of conceiving or applying for birth control.

Ovulation Calculator

Cycle Length

(days)

28

Period Duration

(days)

7

Hello Health Group does not provide medical advice, diagnosis or treatment.

Sources

Irregular Periods, https://kidshealth.org/en/teens/irregular-periods.html

Accessed April 13, 2021

Menstrual cycle: What’s normal, what’s not, https://www.mayoclinic.org/healthy-lifestyle/womens-health/in-depth/menstrual-cycle/art-20047186

Accessed April 13, 2021

9 reasons your period is late (if you’re not pregnant), https://vitalrecord.tamhsc.edu/9-reasons-missed-period/
Accessed April 13, 2021

Irregular Periods: Why Is My Period Late?, https://www.pennmedicine.org/updates/blogs/womens-health/2020/november/irregular-periods-why-is-my-period-late

Accessed April 13, 2021

WOMEN’S HEALTH ISSUE:A BRIEF OVERVIEW ON IRREGULARITIES IN MENSTRUATION, http://www.ijnrd.org/papers/IJNRD1705030.pdf

Accessed April 13, 2021

Medroxyprogesterone, https://medlineplus.gov/druginfo/meds/a682470.html

Accessed April 13, 2021

Irregular periods – management & treatment, https://www.jeanhailes.org.au/health-a-z/pcos/irregular-periods-management-treatment

Accessed May 20, 2021

Picture of the authorbadge
Written by Jen Mallari Updated 3 weeks ago
Fact Checked by Jan Alwyn Batara