Maraming nakakaalam na ang paggamit ng lubricant sa pakikipagtalik ay nakakatulong upang maging mas kumportable at pleasurable ito. Pero hindi naman lahat ay may access sa lubricant, kaya maaaring may mga nagtataka: ano pa ang puede gamiting maliban sa lube? Maaari bang gumamit ng baby oil as lubricant? Mayroon bang mga ibang safe at epektibo na lubricant alternatives?
Basahin ang article na ito upang malaman kung ano pa ang maaaring gamitin maliban sa lube, at ano ang mga dapat iwasan.
Lubricant Alternatives: Ano Ang Maaaring Gamitin Maliban Sa Lube?
Ang lubrication ay importanteng parte ng pakikipagtalik. Kapag hindi sapat ang lubrication, maaaring maging masakit ang sex. At kung condom ang gamit na proteksiyon, maaari itong mapunit o mabutas.
Ngunit, may mga sitwasyon talaga kung kailan maaaring walang sex lubricant na available pero gusto niyo pa rin ng partner mo na makipag-talik.
Aloe Vera (Sabila)
Hindi lamang gamot sa sunburn o pang-moisturize ng skin ang aloe vera. Maaari rin itong gamiting natural na sex lubricant gel!
Maganda ang texture at consistency ng aloe vera kaya mainam na gamitin itong lubricant. Madali rin makakuha nito. Baka nga mayroon ka na sa bahay nito ngayon.
Safe rin ito gamitin, at isa itong uri ng water-based lubricant, kaya walang risk na ma-damage nito ang condom. Nakakatulong rin itong mag-hydrate ng balat na makakatulong na mas maging pleasurable ang pakikipagtalik.
Pero siguraduhin rin na walang harmful substances sa klase ng aloe vera na inyong gagamitin. Ang ibang brands ay maaaring may alcohol atbp na maaaring safe sa balat pero puedeng magdulot ng pain o irritation sa sensitibong genital area.
Yogurt
Lingid sa kaalam ng iba, ang yogurt ay isa sa mga epektibong lubricant alteratives. Maaaring weird itong isipin, pero ang yogurt ay tunay na epektibong lube. Ito’y dahil water-based ito, safe sa katawan, at may mga anti-bacterial properties pa ito.
Affordable at madaling mabili ang yogurt sa mga regular na tindahan o supermarket, kaya hindi ito mahirap hanapin.
Olive Oil
Ang olive oil ay isa sa mga safe lubricant alternatives. Dahil ito’y uri ng vegetable oil, all-natural ito at hindi magdudulot ng pinsala o harm sa iyong balat.
Sa katunayan, maaari pa itong makatulong na palambutin at i-moisturize ang balat, na makakapag-reduce ng irritation at inflammation. Dahil ito’y uri ng oil, maganda rin itong lubricant na makakatulong na gawing kumportable at kaaya-aya ang sex.
Ngunit, importante ring tandaan na hindi dapat gamitin ang olive oil kasabay ng latex-based condoms.
Ito’y dahil maaari nitong mag-weaken ng latex condoms at mabutas o mapunit ito. Isa pa, ang oil-based lubricant ay mas mataas ang risk ng infection. Dahil dito, mas nirerekumenda ng mga doktor ang water-based lubricants.
Virgin Coconut Oil
Tulad ng olive oil, ang virgin coconut oil ay isa pang alternative sa regular na lubricant. Ang VCO ay may taglay na moisturizing properties kaya nakakatulong itong ibsan ang irritation habang nakikipagtalik.
Pero tulad rin ng olive oil at iba pang oil-based na lubricant, ang virgin coconut oil ay may similar na risks pagdating sa condom breakage at risk ng impeksiyon.
Gamitin ang water-based lubricant kung gumagamit ka ng latex condoms.
Kung oil-based lubricant ang meron ka, gumamit ng polyurethane condoms instead, dahil hindi ito na-dedegrade o nasisira ng oil.
Kahit na nagbibigay ng lubrication ang mga sumusunod, maaari rin sila maging sanhi ng pinsala at irritation sa iyong genitals. Kaya’t mabuti nang huwag gamitin ang mga produktong ito bilang lubricant alternatives.
Baby Oil
Kahit na tila magandang substitute ang baby oil para sa lube, sa katunaya’y hindi ito ang best choice. Posibleng maka-irritate sa balat at maaari ring magdulot ito ng pagkasira o butas ng latex na condom.
Vaseline
Kahit na epektibong lubricant ito, mataas ang risk ng impeksiyon. May mga pagsusuri na nagsasaad na ang paggamit ng vaseline bilang sex lubricant ay nagpapataas ng risk ng bacterial vaginosis o impeksiyon sa puwerta dahil sa bacteria.
Maliban dito, ang vaseline ay isang oil-based lubricant, bawal gamitin kasama ng latex condoms.
Saliva (o Laway)
Ang laway ay marahil naging substitute para sa iba, dahil gamit ito sa oral sex pero hindi ito magandang makasanayan. Ito’y dahil sa ang saliva ng tao ay may taglay na bacteria kaya napapataas nito ang risk ng mga STDs.
Kaya’t mainam na iwasan ito bilang lubricant sa abot ng makakaya.
Matuto pa tungkol sa Mga Tips sa Sex dito.