backup og meta

Paano Magdagdag ng Timbang sa Tamang Paraan? Alamin Dito!

Paano Magdagdag ng Timbang sa Tamang Paraan? Alamin Dito!

Maaaring isipin ng karamihan na ang sikreto kung paano magdagdag ng timbang sa loob ng 1 buwan ay ang hindi pag-eehersisyo at pagkain ng maraming pagkain. Bagama’t maaaring gumana ito, hindi ito malusog at ligtas na paraan.

Tulad ng pagpapapayat, mayroon ding tamang paraan para magdagdag ng timbang ang mga tao. Ang sikreto sa pag-alam kung paano ay nakasalalay sa tamang pamamaraan ng pagtatamo nito. At ang katotohanan ay hindi nirerekomenda ang pagkamit nito sa maikling panahon dahil hindi ito mabuti sa kalusugan.

Ngunit paano ligtas na magdadagdag ng timbang ang isang taong kulang o nangangailangan nito? Anong mga hakbang ang kailangan nilang gawin para masigurado na ginagawa nila ito sa tamang paraan?

Paano Magdagdag ng Timbang

Narito ang ilang mahahalagang bagay na dapat tandaan kung paano magdagdag sa mas maiksing panahon, at sa wastong paraan:

Makipag-usap Muna sa Iyong Doktor

Bago magpalit ng anuman sa iyong diet, makabubuting kumonsulta muna sa iyong doktor upang malaman kung ano ang naging sanhi ng kakulangan sa timbang.

Posibleng walang mali sa iyong diet o lifestyle, at ang isang pinagbabatayan na kondisyon ay maaaring ang sanhi nito.

Narito ang ilang posibleng kondisyon sa kalusugan na maaaring sanhi ng kakulangan o kabawasan sa timbang

  • Hyperthyroidism
  • Type 1 o type 2 diabetes
  • Celiac disease
  • Mga eating disorders
  • Body dysmorphic disorder

Ang pagkonsulta muna sa iyong doktor ay maaaring makatulong na matukoy ang anomang batayan ng iyong kondisyon. Makatutulong din na talakayin ang iyong mga alalahanin sa iyong doktor upang mai-refer ka nila sa isang rehistradong nutritionist-dietitian, o mabigyan ka n g ilang magandang payo kung paano tumaba ng mabilis, at sa wastong paraan.

Quality, hindi Quantity

Ang pagkakaroon ng timbang ay hindi lang tungkol sa pagkain ng marami. Ito ay tungkol din sa pagkain ng tamang uri ng pagkain para hindi tumaba nang sobra o maging masama sa iyong kalusugan.

Maaari mong isipin na dahil sinusubukan mong tumaba ay kakain ka na lang ng mga junk foodo fatty food. Gayunpaman, ang pagkakaroon ng timbang sa ganitong paraan ay hindi lamang unhealthy ngunit maaari ding maging mapanganib, dahil maaari kang magkaroon ng:

  • Mga problema sa puso
  • Mataas na kolesterol
  • Mataas na presyon ng dugo
  • Diabetes

Masustansyang pagkain

Unahin ang mga masustansyang pagkain tulad ng prutas at gulay, at kumain ng mga pagkaing mayaman sa protina tulad ng isda o karne. Ang mga protina ay partikular na mahalaga dahil nakatutulong ito sa pagbuo ng muscle mass.

Carbs. Ang mga carbohydrates ay maganda rin para sa mga nagnanais madagdagan ang kanilang timbang. Iwasan ang mga low-carb diet dahil maaaring hindi ito kasing epektibo pagdating sa pagtaas ng timbang.

Healthy Oils. Ang olive at canola oil ay magandang gamitin kung nais tumaba. Ang pagkain ng mga nuts, avocado, at mga uri ng nut butter ay maaaring makatulong madagdagan ang timbang.

Gatas. Ang isa pang magandang karagdagan sa iyong diet ay ang gatas. Ang gatas ay naglalaman ng fats, calcium, vitamin D, at protina na kailangan ng iyong katawan, at maaaring makatulong sa pagtaas ng timbang. Sa katunayan, karaniwang inirerekomenda ng mga eksperto sa kalusugan ang pag-inom ng gatas para sa mga taong gustong tumaba.

Kung hindi ka mahilig sa gatas, maaari kang pumili ng mga dairy products gaya ng yogurt, mantikilya, o keso.

Maaari kang kumain ng mga matatamis o junk food, ngunit siguraduhing kumain lamang ng mga pagkaing ito nang katamtaman. Ang susi dito ay magsimula ng isang malusog na diet na makatutulong sa pagpapanatili ang iyong tamang timbang at manatiling malusog.

Mahalaga ang Pag-Ehersisyo

Taliwas sa maaaring isipin ng karamihan, ang pagtaas ng timbang ay higit pa sa pagtaba. Ang isa pang susi sa pagtaas ng timbang ay ang pagbuo ng kalamnan.

Ang kalamnan ay mas siksik kaysa sa taba, kaya’t kailangang bigyan ng tuon ang pagkakaroon ng kalamnan, maaari kang manatiling slim at fit, ngunit maaari mong mapanatili ang isang malusog na timbang.

Magandang ideya na magsagawa ng ehersisyo ng hindi bababa sa 30 minutong bawat araw, o 150 minutong linggo-linggo.

Huwag Madaliin ang mga Bagay

Isang magandang tip kung paano tumaba ng mabilis at sa wastong paraan ay ang pagiging “steady” ng pagtaas ng iyong timbang. Hindi mo gustong tumaba ng biglaan sa loob ng maikling panahon dahil baka hindi agad makapag-adjust ang katawan mo sa biglaang pagtaas ng timbang mo.

Tandaan na subaybayan ang iyong timbang, at huwag madaliin ang proseso. Ang layunin ng pagtaas ng timbang ay upang maging fit at malusog. Ito ay hindi lamang tungkol sa bilang na nakikita mo sa timbangan.

Dapat ang Pagbabago sa Lifestyle

Bilang panghuli, dapat ang pagbabago sa iyong lifestyle at hindi lamang isang beses na mangyayari ito.

Ibig sabihin, kahit anong ginagawa mo para tumaba ay dapat mapanatili, at hindi lang kung paano tumaba ng mabilis, na hindi inaalala ang kalusugan.

Pangunahing Konklusyon

Ang iyong pangmatagalang layunin ay dapat na maabot ang iyong target na timbang at BMI, at mapanatili ito. Nangangahulugan ito ng pagkakaroon ng malusog na diet, pag-eehersisyo, at sa pangkalahatan ay pagsunod sa mga tip sa itaas. Kung hindi mo ito gagawin bilang pagbabago sa iyong lifestyle, magiging mahirap para sa iyo na mapanatili ang iyong timbang.

Subukang magpokus sa pagkakaroon ng isang malusog na pamumuhay at gawin itong unang layunin. Makatutulong sa iyo na ituon ang iyong enerhiya sa pagpapanatili ng pagiging malusog sa halip na subukan lamang na maabot ang isang target na timbang.

Matuto ng Iba Pang Mga Tip sa Malusog na Pagkain dito.

[embed-health-tool-bmr]

[embed-health-tool-bmi]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Heart-Healthy Eating if You Are Underweight, https://www.lipid.org/sites/default/files/heart-healthy_eating_if_you_are_underweight_final.pdf, Accessed July 23 2020

Underweight? See how to add pounds healthfully – Mayo Clinic, https://www.mayoclinic.org/healthy-lifestyle/nutrition-and-healthy-eating/expert-answers/underweight/faq-20058429, Accessed July 23 2020

How can I gain weight safely? – NHS, https://www.nhs.uk/common-health-questions/food-and-diet/how-can-i-gain-weight-safely/, Accessed July 23 2020

Weight and muscle gain – Better Health Channel, https://www.betterhealth.vic.gov.au/health/healthyliving/weight-and-muscle-gain, Accessed July 23 2020

Healthy Weight | The Nutrition Source | Harvard T.H. Chan School of Public Health, https://www.hsph.harvard.edu/nutritionsource/healthy-weight/, Accessed July 23 2020

Kasalukuyang Version

01/01/2023

Isinulat ni Jan Alwyn Batara

Narebyung medikal ni Jaiem Maranan, RN MD

In-update ni: Jaiem Maranan


Mga Kaugnay na Post

Ano ang Mushroom Coffee? Heto ang 7 na Dapat Mong Malaman

Mindful Eating: Pagiging In-The-Moment Habang Kumakain


Narebyung medikal ni

Jaiem Maranan, RN MD

General Practitioner


Isinulat ni Jan Alwyn Batara · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement