Kamakailan lang ay kinumpirma ng LGU ng Mandaluyong ang kaso ng mpox sa siyudad na nagbunsod ng malawakang contact tracing at surveillance para makontrol ang pagkalat ng sakit na ito.
Kamakailan lang ay kinumpirma ng LGU ng Mandaluyong ang kaso ng mpox sa siyudad na nagbunsod ng malawakang contact tracing at surveillance para makontrol ang pagkalat ng sakit na ito.

Ayon sa City Epidemiology and Surveillance Unit (Cesu), kasalukuyan nilang binabantayan ang kaso ng mpox kasama ang City Health Office, Department of Health Regional Epidemiology and Health Statistics Section, at iba pang mga ahensya.
Matapos makumpirma ang kaso ng mpox sa mandaluyong, agarang nagsagawa ng case investigation, contact tracing, risk assessment, at pagbabantay ng mga kumpirmadong close contact sa pasyente. Dagdag pa nila na sana ay respetuhin ang privacy ng pasyente at huwag basta-basta magpakalat ng unverified information na maaari lang maging sanhi ng pagkalito.
Ayon sa Centers for Disease Control and Prevention (CDC), ang monkeypox ay isang viral infection na dulot ng monkeypox virus. Ang naturang virus ay nagmula sa parehas na pamilya ng mga virus gaya ng virus na nagdudulot ng smallpox. Kung kaya, mapapansin mong halos magkatulad ang mga sintomas ng dalawang sakit. Bagaman itinuturing ang monkeypox bilang isang bihirang kondisyon, mas banayad ito at hindi nakamamatay kumpara sa smallpox. Bukod sa smallpox, marami ring nag-aakala na may kaugnayan ito sa chickenpox o bulutong. Ito ay marahil magkatunog sa pangalan at parehas din nagkakaroon ng mga butlig, subalit hindi ito tumutukoy sa iisang bagay lamang.
Sinuman ay maaring mahawaan ng monkeypox, mapa bata o matanda. Ilan sa mga maagang sintomas ng monkeypox ay kinabibilangan ng mga sintomas para sa trangkaso tulad ng mga sumusunod:
Matapos ng ilang araw, nagsisimula na umusbong ang mga rashes bilang flat at mapupulang mga bukol na maaaring maging masakit. Kalaunan, ang mga ito ay nagiging paltos at puno ng nana na namumuo at naglalagas. Bukod sa mga bukol, maaari ka ring magkaroon ng mga sugat sa iyong bibig. Kung minsan, mayroon din sa vagina o anus kapag nakuha ang sakit mula sa sexual contact. Dahil dito, marami ang naghahanap na ng posibleng gamot sa monkeypox.
Dahil ito ay itinuturing na self-limiting disease, karamihan sa mga nahahawaan nito ay gumagaling at hindi na nangangailangan ng iba pang gamot. Ngunit, ang ilang mga taong malubha ang karamdaman ay maaaring mangailan ng paggamot.
Sa kasalukuyan, wala pang partikular na gamot sa monkeypox. Kadalasan, ito ay ginagamot sa pamamagitan ng antiviral agents dahil ito ay kinokonsidera naman bilang hindi nalalayong kamag-anak ng smallpox. Gumagamit ng mga antiviral treatment tulad ng tecovirimat upang maiwasan at magamot ang naturang kondisyon. Ang ibinibigay na bakuna rin para sa smallpox ay nakatutulong bilang karagdagang proteksyon mula sa monkeypox.
Disclaimer
Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.
Mpox case confirmed in Mandaluyong; contact tracing launched, https://newsinfo.inquirer.net/2254730/contact-tracing-launched-as-mpox-case-confirmed-in-mandaluyong-city, Accessed July 1, 2026
Kasalukuyang Version
07/01/2026
Isinulat ni Jan Alwyn Batara
Sinuri ang mga impormasyon ni Jan Alwyn Batara
In-update ni: Jan Alwyn Batara
Sinuri ang mga impormasyon ni
Jan Alwyn Batara