home

What are your concerns?

close
Inaccurate
Hard to understand
Other

Share


Or copy link

New

Benepisyo ng Dalandan sa Katawan: Anu-Ano nga ba Ito?

Benepisyo ng Dalandan sa Katawan: Anu-Ano nga ba Ito?
Sikat ang dalandan sa Pilipinas hindi lang dahil sa lasa nito, kundi dahil na rin ito ay masustansiyang prutas. Ngunit anu ano ang benepisyo ng dalandan sa katawan?Ang dalandan ay isang citrus fruit, at pinaniniwalaang hybrid ito ng pomelo o suha, at ng mandarin orange. Ang balat ng dalandan ay kadalasang green, ngunit minsan ay orange o red orange ito, at ang laman nito ay orange.Bagama’t may tamis ang dalandan, kilala talaga ang prutas na ito sa taglay nitong asim. Ito rin ang dahilan kung bakit minsan kinakain ito na may halong asin.

At dahil madaling tumubo ang dalandan sa klima ng Pilipinas, maraming nagtatanim nito, at hindi rin mahirap makahanap ng dalandan sa mga tindahan.

Marami Itong Carbohydrates at Vitamin C

Sa bawat 100 grams ng dalandan, ay makakakuha ka ng 37 hanggang 66 calories. Mayroon rin itong 9.7 hanggang 15.2 grams ng carbohydrates, na kasama na ang natural fiber at sugar na fructose.

Fat-free ito, at mayroon ring 1 gram ng protein. Ang isang serving naman ay nagbibigay ng 45 hanggang 90 mg ng vitamin C, na nakakapagpalakas ng resistensya, at nakakatulong rin upang magkaroon ng magandang balat.

Mayroon ring vitamin A at calcium ang dalandan, na nakakatulong sa mata at nagpapatibay ng buto.

Nakakatulong Ito sa Paggaling ng mga Sugat

Wala pang pag-aaral na nagawa sa epekto ng dalandan sa sugat, ngunit dahil sa taglay nitong vitamin C, maaaring sabihin na nakakatulong ito sa paggaling ng mga sugat. Ito ay dahil malaki ang naitutulong ng vitamin C sa wound healing.

Kabilang sa Benepisyo ng Dalandan sa Katawan ang Flavonoids

Ang flavonoids ay mga compounds na mayroong anti-inflammatory at anti-oxidant properties. Alam niyo ba na ang chronic inflammation ay konektado sa mga sakit tulad ng cancer, metabolic disorders, at sakit sa puso?

Dahil sa flavonoids ng dalandan, posibleng makabawas ito sa inflammation sa katawan. Bukod dito, nakakatulong rin ang antioxidant na ito upang makabawas sa free radicals na nagiging toxic sa katawan.

Posible Itong Makabawas ng Timbang

Bagama’t wala pa ring matibay na patunay na nagsasabing nakakabawas sa timbang ang dalandan, may mga pag-aaral na natagpuang nakakatulong raw ito sa thermogenesis, na nakakapagpabawas ng timbang. Natagpuan rin ng ibang pag-aaral na nakakatulong raw itong pataasin ang heart rate.

Isang Benepisyo ng Dalandan ang Skin Health

Dahil sa antioxidant properties, vitamin C content at antibacterial properties ang dalandan ay mainam itong gamitin sa balat. Nagagamit rin nga ito upang magamot ang athlete’s foot.

Mga Dapat Tandaan Bago Gumamit ng Dalandan

Marami man ang benepisyo ng dalandan sa katawan, mahalaga pa rin na mag-ingat sa paggamit nito bilang gamot.

Heto ang ilang dapat tandaan:

Ano ang Dapat Malaman sa Paggamit ng Dalandan?

Ang paggamit ng dalandan essential oil sa balat ay maaring magdulot ng photosensitivity. Iwasan ring pagsabayin ang dalandan at kape, dahil maaari nitong itaas ang iyong blood pressure.

Ligtas Ba Ang Dalandan?

Ligtas naman ang dalandan, basta’t hindi sosobra sa pagkain nito. Ngunit kung marami kang kainin nito, o kaya gamitin mo bilang gamot, posibleng makasama ito. Ligtas rin ang essential oil nito basta’t siguraduhin mong sundin ang instructions sa paggamit nito.

Mga Precaution at Warning

Kung mayroon kang allergy, hindi mainam na kumain o kaya gumamit ng dalandan. Kung ikaw ay buntis o kaya mayroong pre-existing health conditions, siguraduhing magpakonsulta muna sa doktor upang malaman kung ligtas ba ito sa’yo.

Mga Side Effects

Kung ikaw rin ay mayroong diabetes, mag-ingat sa pagkain ng dalandan dahil baka makaapekto ito sa iyong blood pressure. Kung isabay rin ito sa pag-inom ng caffeine, posible itong makataas ng blood pressure. Kapag mayroon kang special diet o kaya umiinom ng gamot, magpakonsulta muna sa iyong doktor bago subukan ang dalandan.

Karagdagang Kaalaman

Madaling mahanap ang dalandan sa Pilipinas, kaya’t isa itong prutas na karaniwang kinakain sa bansa. Dahil rin sa benepisyo ng dalandan sa katawan, mainam itong source ng vitamin C, at nakakatulong sa kalusugan.

Kung masyado naman itong maasim, puwede mo itong gawing shake o ihalo sa ibang mga prutas. Maaari ka ring gumamit ng mga essential oils na puwedeng ipahid sa balat, o kaya ay gamitin para sa aromatherapy.

Alamin ang tungkol sa iba pang halamang gamot, dito.

Hello Health Group does not provide medical advice, diagnosis or treatment.

Sources

Is bitter orange safe and effective for weight loss? https://www.mayoclinic.org/healthy-lifestyle/weight-loss/expert-answers/bitter-orange/faq-20058283, Accessed August 31, 2020

Dalandan / Citrus aurantium / Sweet orange: Philippine medicinal herbs / Philippine alternative medicine. (n.d.). StuartXchange Front Page – SX – Godofredo Umali Stuart’s Cyber-Warehouse, https://stuartxchange.com/Dalandan, Accessed August 31, 2020

Bitter Orange,  https://www.nccih.nih.gov/health/bitter-orange#:~:text=Native%20to%20eastern%20Africa%2C%20the,indigestion%2C%20nausea%2C%20and%20constipation, Accessed August 31, 2020

Fruit Juice Interactions, https://www.pharmacytimes.com/publications/issue/2005/2005-12/2005-12-5042, Accessed August 31, 2020

An Overview on Citrus aurantium L.: Its Functions as Food Ingredient and Therapeutic Agent, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC5954905/, Accessed September 14, 2021

Citrus Aurantium, https://www.sciencedirect.com/topics/agricultural-and-biological-sciences/citrus-aurantium, Accessed September 14, 2021

An overview of Citrus aurantium used in treatment of various diseases, https://academicjournals.org/article/article1380019714_Suryawanshi.pdf, Accessed September 14, 2021

Picture of the authorbadge
Written by Lorraine Bunag, R.N. Updated a week ago
Fact Checked by Cesar Beltran