backup og meta

Benepisyo ng Kimchi sa Kalusugan: Anu-Ano Ang Mga Ito?

Benepisyo ng Kimchi sa Kalusugan: Anu-Ano Ang Mga Ito?

Sa nakalipas na mga taon, naging sikat ang kultura ng South Korea sa buong mundo dahil sa pagsikat ng mga Korean drama at K-pop. Dahil dito, naging popular sa mga tao ang mga pagkaing Koreano— pinakapopular dito ang kimchi. Ang binurong side dish na ito ay sikat sa antioxidant properties, na nagbibigay sa mga taga-South Korea ng malusog at makinis na balat. Dahil sa pagdami ng mga Pilipinong kumakain ng mga pagkaing Koreano nang palagian, narito ang ilan sa mga benepisyo ng kimchi na dapat mong malaman. 

health benefits of kimchi

Ano ang Kimchi? 

Ang kimchi ay isang nakasanayang side dish sa bawat tahanang Koreano. Tradisyunal ang pagkakagawa nito gamit ang mga binurong gulay na sinamahan ng Asian chives, carrots, sibuyas, gochugaru (chili powder o flakes), luya, bawang, siling pula, asin, asukal, dinikdik na dilis o salted shrimp, at patis. Bilang paghahanda para sa taglamig, ang kimchi ay iniimbak sa isang tradisyunal na brown ceramic pot. Ito ay tinatawag na onggi at iniimbak sa ilalim ng lupa sa loob ng dalawang linggo hanggang isang taon. 

May tinatayang 100 baryasyon ng kimchi gaya ng kkakdugi (cubed radish), chonggak (ponytail radish), oi sobagi (pipino), at baek kimchi (white kimchi). Ang pinakapopular na baryasyon ng kimchi ay ang baechu-kimchi o binurong repolyong napa. 

Ano-ano ang mga benepisyo ng kimchi? 

Bukod sa pagkakaroon ng maasim at maanghang na lasa na babagay sa anumang pagkain, ang benepisyo ng kimchi ay nakakatulong rin sa kalusugan. 

Nakapagpapalakas ito ng iyong Immune System

Ang kimchi ay may lactobacillus, na nakatutulong para sa pagpapalakas ng immune system sa pamamagitan ng paglaban sa mga impeksyon. Gayun din, ang isa sa mga benepisyo ng kimchi ay natural na anti-inflammatory at mayaman sa antioxidants, na nakapagtatanggal ng mga free radicals at napapanatiling malakas ang immune system. 

Nakapagpapaunlad ng Digestive Health 

Isa sa mga hindi maiikakailang benepisyo ng kimchi ay ang epekto nito sa digestive system. Ang mga binurong pagkain gaya ng kimchi ay nakapagpapaunlad ng intestinal health sa pamamagitan ng pagre-regulate ng antas ng good bacteria sa gut. Ito rin ay pwedeng makatulong sa pag-iwas sa pagkakaroon ng diarrhea at constipation. Ang probiotics sa kimchi ay makatutulong din sa digestive system na ma-absorb ang mga sustansya mula sa mga pagkain na iyong kinain. 

Kinokontrol nito ang Kolesterol 

Ang mga mananaliksik mula sa Pusan National University sa Korea ay nagsagawa ng pag-aaral kasama ang 100 mga boluntaryo. Ang mga kalahok ay hinati sa dalawang grupo at binigyan ng magkakaparehong pagkain na may iba’t ibang dami ng kimchi. Matapos ang isang linggo, ang parehong grupo ay nagpakita ng pagbaba ng antas ng kolesterol kahit na ang isa ay kumakain ng mas maraming kimchi kaysa sa isang grupo. 

Bilang kongklusyon, natuklasan ng pag-aaral na ang kimchi ay nakapagpapababa ng antas ng kolesterol, kahit na kakaunti lamang. Ang tamang antas ng kolesterol ay makabababa ng tyansa ng pagkakaroon ng sakit sa puso at stroke. 

Nababawasan nito ang Posibilidad ng Pagiging Obese at Nakatutulong sa Pagpapapayat 

Ang lactic acid na mayroon ang kimchi ay nakatutulong para mabawasan ang mga body fats. Ito, kapag sinamahan ng ehersisyo at tamang pagkain, ay makababawas sa masasamang dulot ng obesity. Sa kabilang banda, ang ilang mga sangkap sa kimchi (gaya ng paminta) ay mayroong capsaicin, na nakapagpapabilis ng metabolismo sa pamamagitan ng pagpapataas ng ng energy expenditure at pagtutunaw ng taba at calories. Gayundin, natural na nakapagpapawala ng gana ang capsaicin. 

Nakapagbibigay ito ng Makinis na Kutis at Makintab na Buhok 

Isa sa mga kakayahan ng kimchi ay gawing makinis ang kutis. Ang bawang na isang sangkap ng kimchi ay may mineral na tinatawag na selenium. Ito ay nakatutulong na mabawasan ang mga sira sa balat at pamamaga dulot ng mga ultraviolet rays. Sa parehong paraan, ang selenium ay nakapagpapabuti ng kalusugan ng buhok. Ito ay sa pamamagitan ng pagpatay sa mga fungus na nagdudulot ng balakubak. 

Nakapagpapabagal ng Pagtanda

Ang kimchi ay isang mainam na pinagmumulan ng antioxidants na nakapagpoprotekta sa mga cell mula sa mga free radicals. Ang mga free radicals ay siyang nagpapabilis ng pagtanda dahil sa pagsira nito sa DNA ng balat. 

Pinoprotektahan nito ang Katawan mula sa Peptic Ulcer 

Isa sa mga hindi gaanong kilalang benepisyo ng kimchi ay ang kakayahan nitong maiwasan ang peptic ulcers. Ito ay dahil sa Leuconostoc mesenteroides na makikita sa kimchi na nakapipigil sa pagdami ng Helicobacter pylori, isang bacterium na sanhi ng peptic ulcer. 

Nilalabanan nito ang Yeast Infections 

Ayon sa mga paunang pag-aaral, ang antimicrobial property ng kimchi ay kayang sumira ng katawan ng Candida fungus, na siyang nagdudulot ng yeast infections. Nga lamang, karagdagang pananaliksik pa ang kailangan upang mapatunayan ito.  

Tandaan 

Ang kulturang popular ng Korea ay tunay na nagkaroon ng matinding epekto sa Pilipinas. Isa sa mga pinaka-kapaki-pakinabang na mga bagay na nakuha ng mga Pilipino sa kulturang Koreano ay ang pagkagusto sa kimchi. Hindi lamang ito isang masarap na side dish, mayroon din itong mga benepisyong pangkalusugan. 

Isinalin sa Filipino ni Marie Kristel Corpin

[embed-health-tool-bmr]

Disclaimer

Hello Health Group does not provide medical advice, diagnosis or treatment.

Kimchi, a Fermented Vegetable, Improves Serum Lipid Profiles in Healthy young Adults: Randomized Clinical Trial https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC3598433/ Accessed October 1, 2020

Functional Properties of Lactobacillus Strains Isolated from Kimchi https://www.sciencedirect.com/science/article/abs/pii/S0168160510006938 Accessed October 1, 2020

Health Benefits of Kimchi (Korean Fermented Vegetables) as a Probiotic Food https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/24456350/ Accessed October 1, 2020

Chapter 20 – Kimchi and its Health Benefits https://www.sciencedirect.com/science/article/pii/B9780128023099000200 Accessed October 1, 2020

5 Reasons to Add More Fermented Food To Your Diet https://health.clevelandclinic.org/5-reasons-you-should-add-more-fermented-foods-to-your-diet-infographic/

Accessed December 9, 2021

Current Version

01/24/2022

Written by Mayvilyn Cabigao

Expertly reviewed by Chris Icamen

Updated by: Jan Alwyn Batara


People Are Also Reading This

Postpartum Diet: What To Eat for Faster Recovery

Diet na Walang Asin at Asukal: Anu-ano Ang Puwedeng Pampalasa?


Expertly reviewed by

Chris Icamen

Dietetics and Nutrition


Written by Mayvilyn Cabigao · Updated Jan 24, 2022

ad iconadvertisement

Was this article helpful?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement