backup og meta

Cystitis: Lahat ng Dapat Mong Malaman Tungkol Dito

Cystitis: Lahat ng Dapat Mong Malaman Tungkol Dito

Ang cystitis ay mas madalas nangyayari kaysa sa iyong inaakala, ngunit hindi lahat ng tao ay alam kung ano ito. Heto ang dapat mong malaman tungkol sa karamdaman na ito.

Ano ang Cystitis?

Ang cystitis ay isang uri ng inflammation sa bladder — o isang urinary tract infection. Nangyayari ang proseso ng inflammation kapag ang isang bahagi ng katawan ay lumalaban sa mga sakit o mikrobyo, at nagdudulot ito ng pamamaga at pamumula. Sa kaso ng cystitis, ang inflammation ng bladder ay galing sa impeksyon, ngunit puwede rin ito magmula sa hygiene products o sa mga gamot.

Karaniwan ang sakit na ito, at mas madalas magkaroon nito ang mga babae kumpara sa lalake. Ito ay dahil mas maiksi ang kanilang mga urethra, kaya mas madaling makapasok ang bacteria.

what is cystitis and what causes it

Ano ang Sanhi ng Cystitis?

Ang pangkaraniwang sanhi ng sakit niyo ay kapag napapasok ng bacteria ang bladder mula sa urethra. Gayunpaman, hindi palaging malinaw kung bakit ito nangyayari.

Heto ang ilang bagay na magpapataas ng posibilidad na magkaroon ka ng cystitis:

  • Pagpupunas mula sa likod papunta sa harap (ang bacteria mula sa fecal matter ay maaring maka-infect ng urethra)
  • Pakikipagtalik
  • Paggamit ng urinary catheters (manipis na tubo na ipinapasok sa urethra para ma-drain ang bladder)
  • Pagiging edad 1 pababa
  • Pagiging edad 75 pataas
  • Paggamit ng diaphragm
  • Pagiging buntis
  • Pagkakaroon ng mahiang immune system
  • Pagkakaroon ng diabetes

Posible ring maging sanhi nito ay ang imbalance ng bacteria. Kung magkaroon ng imbalance ng bacteria ay maaari itong humantong sa cystitis.

Katulad ng nasabi kanina, ang gamot at hygiene products ay nagdudulot rin ng cystitis. Ang mga chemotherapy drugs ay posibleng maging sanhi, pati na rin ang feminine napkin at feminine wipes.

Anu-ano ang Sintomas ng Cystitis?

Heto ang mga karaniwang sintomas ng sakit na ito:

  • Cramps sa likod o sa tiyan
  • Pagkakaroon ng pressure sa pantog, o kaya pakiramdam na puno ang pantog
  • Masakit na pakikipagtalik
  • Dugo sa ihi
  • Pagkakaroon ng lagnat habang mayroong UTI
  • Mabaho o malabong ihi
  • Kinakaialangang umihi muli kahit kakatapos lang umihi
  • Pagkakaroon ng pakiramdam na gustong umihi na paulit ulit

Kung ang iyong cystitis ay dahil sa isang impeksyon, posible itong umabot sa kidneys. Kapag nangyari ito, kinakailangan itong ng agarang medical attention. Heto ang ilang sintomas ng umabot na ang impeksyon sa kidney:

  • Nilalamig at pangangatal
  • Mataas na lagnat
  • Sakit sa tagiliran o likod
  • Pagsusuka

[embed-health-tool-bmi]

Tandaan na ang dugo sa ihi at lagnat ay hindi palaging sintomas ng cystitis. Ngunit madalas lumalabas ang mga sintomas na ito kasabay ng kidney infections.

Kung sa tingin mo ay mayroon kang kidney infection, magpakonsulta agad sa iyong doktor.

Paano Ginagamot ang Cystitis?

Para sa mild na kaso ng cystitis, posible itong gamutin sa bahay. Ngunit mas mabuti pa rin na magpakonsulta muna sa doktor.

Ang pangkaraniwang paraan ng paggamot dito ay sa pamamagitan ng antibiotics. Ito ay dahil kadalasan, ang sanhi nito ay bacterial infection.

Kung anong antibiotics at kung gaano katagal ito iinumin ay nakadepende na sa lagay ng iyong sakit.

Minsan kakailanganin ng hydration upang mailabas ang impeksyon, pati na rin ang paggamit ng pain medication para sa sakit. Ngunit kadalasan lang itong nirerekomenda ng doktor kung dahil sa hygiene products ang infection.

Kung hindi naman malaman ng doktor ang sanhi, eto ang ilang puwede niyang gawin:

  • Oral medications o kaya medication na ipinapasok sa pantog
  • Nerve stimulation na nakakabawas ng pelvic pain at dalas ng pag-ihi
  • Operasyon sa bladder na nakakatulong upang mabawasan ang mga sintomas

Paano Maiiwasan ang Cystitis?

Puwede mong subukan ang mga sumusunod upang makaiwas sa cystitis:

  • Pag-inom ng tubig
  • Pagpupunas ng front-to-back pagkatapos umihi o dumumi
  • Pag-ihi matapos ang pakikipagtalik
  • Hindi paggamit sa mga feminine hygiene products na nagiging sanhi ng irritation

Ang cystitis ay posibleng maging mild na infection na puwedeng gamutin sa bahay; ngunit kapag lumala na ang mga sintomas ay mahalagang magpatingin na agad sa doktor. Ang pagkakaroon ng kaalaman tungkol sa sakit na ito ay ang unang hakbang sa paggaling dito. Ang pagkakaroon ng ilang lifestyle changes at hygiene practices ay makakatulong rin sa sakit na ito.

Alamin ang tungkol sa urological health here.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Cystitis, https://www.nhs.uk/conditions/cystitis/, Accessed 28 December, 2020

Acute cystitis, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/books/NBK279403/, Accessed 28 December, 2020

Bladder Infection (Cystitis), https://www.health.harvard.edu/a_to_z/bladder-infection-cystitis-a-to-z, 28 December, 2020

Cystitis – Diagnosis and Treatment, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/cystitis/diagnosis-treatment/drc-20371311, 28 December, 2020

Drinking more water reduces bladder infections in women,  https://www.sciencedaily.com/releases/2018/10/181003134447.htm, 28 December, 2020

Kasalukuyang Version

03/25/2024

Isinulat ni Tracey Romero

Narebyung medikal ni Regina Victoria Boyles, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Senyales Ng Cystitis Na Dapat Mong Tandaan

Paano Makakaiwas Sa Pagkakaroon Ng Cystitis?


Narebyung medikal ni

Regina Victoria Boyles, MD

Pediatrics


Isinulat ni Tracey Romero · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement