backup og meta

Sex Pagkatapos Ng Menopause: Mga Tips Na Dapat Tandaan

Sex Pagkatapos Ng Menopause: Mga Tips Na Dapat Tandaan

Katulad ng kataga, lahat ng nagtatapos ay may bagong pasimula. Para sa kababaihan, ang magandang halimbawa ay ang konsepto ng menopause. Sa pagkakaunawa, ang menopause ay nagdudulot ng halo-halong emosyon. Ang ibang mga babae ay nakararamdam na hindi na siya makagagawa ng ibang mga bagay, dahil lamang siya ay “masyadong matanda,” na. Ang sex pagkatapos ng menopause ay isang bagay na marami sa mga kababaihan ang inaalala.

Gayunpaman, mapanatag na malaking porsyento ng mga middle-aged at senior na kababaihan ay nae-enjoy pa rin ang malusog na pakikipagtalik sa kanilang karelasyon.

Alamin ang marami pa tungkol sa inaasahan at paano malalampasan ang mga hamon sa sex pagkatapos ng menopause.

sex pagkatapos ng menopause

Ano Ang Nangyayari Sa Katawan Ng Babae Dahil Sa Menopause?

Sa depinisyon, ang menopause ay ang marka na natapos na ang pagregla ng isang babae — magpakailanman. Ang mga taon na hahantong sa menopause ay transition phase na tinatawag na perimenopause, na nagbibigay sa mga babae ng clue na darating na ito.

Kabilang na ang mga senyales at sintomas na:

  • Hindi na regular na regla
  • Laktaw na pagreregla (ang pagkawala ng regla sa isang taon ay ibig sabihin na nasa menopause na)
  • Hot flashes
  • Pagiging dry ng ari
  • Pagbabago bago ng mood
  • Hirap sa pagtulog
  • Pagbaba ng libido
  • Mas nakikita ang mga wrinkles sa balat

Ang mga pagbabago na ito ay dulot ng pagbaba ng lebel ng estrogen sa katawan. Sa paghinto ng ovulation, ang lebel ng sex hormones ng babae ay bababa.

Ang estrogen ay responsable sa pagpapanatili ng malusog at tinatawag na mukhang bata na balat. Samakatuwid matapos ang menopause, marami sa kababaihan ang inaalala ang wrinkles at crow’s feet.

Karagdagan, ang pagbaba ng estrogen ay nakaaapekto sa kalusugan ng buto. Hinihikayat ng doktor ang mga menopausal na babae na uminom ng vitamin D at calcium supplements upang maiwasan ang pagkakaroon ng mahinang mga buto o osteoporosis.

Ang pakikipagtalik matapos ang menopause ay maaaring nakalilito dahil ang estrogen ay may mahalagang tungkulin sa pagpapanatili ng vaginal lubrication.

Ang dryness ay nagpapabawas ng saya sa pakikipagtalik at ito ay maaring maging masakit. Ito ay nakaka-discourage para sa parehong babae at lalaki na makipagtalik sa kanilang karelasyon.

Gayunpaman, hindi ibig sabihin nito na tapos na ang sex life ng isang babae.

Ang Mga Lalaki Rin Ba Ay May Parehong Problema?

Katulad ng nabanggit kanina, ang menopause ay maaaring makaapekto sa parehong mga lalaki at mga babae. Habang ang mga kababaihan ang nakararanasan ng menstruation at kalaunan ay menopause, ang kalalakihan ay mayroon ding tinatawag na male menopause.

Ang male menopause ay hindi opisyal na medikal na kondisyon. Gayunpaman, pagkatapos ng tiyak na edad, maraming mga kalalakihan ang nakararanas ng pagbaba ng lebel ng testosterone.

Matapos ang edad na 30, ang lebel ng testosterone sa mga kalalakihan ay unti-unting bababa. Hindi tulad ng mga kababaihan, ang mga lalaki ay walang obaryo. Sa halip, ang testes ay malaki ang gampanin sa testosterone production.

Sa normal, ang mga kalalakihan ay hindi nawawalan ng abilidad na mag-produce ng sperm at semilya sa kabuoan ng buhay nila. Ngunit sa kabila ng patuloy na fertility ng marami sa mga lalaki, ang mas mababang lebel ng testosterone ay hahantong sa mas mababang libido o sex drive.

Sa ganitong paraan, parehong mga lalaki at mga babae ay maaaring magkaroon ng problema sa pagtatalik kung sila ay tumanda.

Tips Sa Sex Pagkatapos Ng Menopause

Sa kabila ng miskonsepsyon at mga hamon, ang pagtatalik matapos ang menopause ay posible pa rin, Gayunpaman, mahalagang tandaan na ang pagbaba ng sex drive ay normal na parte ng pagtanda.

Ang mga babae (at mga lalaki) ay hindi dapat maramdaman ang pressure para isagawa, lalo na sa mga alalahanin pa na nangyayari partikular sa milestone na ito.

1. Gumamit ng lubricants

Dahil isa sa pinaka nakikita at kapansin-pansin na epekto ng menopause ay vaginal dryness, ang paggamit ng lubricants (lube) ay nararapat. Mabibili ang lubricants sa mga drug store, convenience store, at specialty shops.

Ang substance na ito ay kadalasan ay tulad ng jelly o tulad ng lotion na nagmo-moisturize ng bahagi ng ari ng babae upang mabawasan ang friction habang nakikipagtalik. Ang stick to water-based lubricants ay kadalasan na ginagamit kung plano mong gumamit ng latex condom.

Huwag gumamit ng baby oil o petroleum jelly dahil ang mga ito ay maaaring makairita sa balat at mapataas ang banta ng impeksyon.

2. Subukan ang mga bagong anggulo

Ang tip na ito ay hindi lamang limitado sa mga nais ng bagong posisyon (bagaman makatutulong ito). Sa halip na gawin ang pakikipagtalik tulad noong paraan na ikaw ay nasa 20 o 30 na edad, sumubok ng bagong perspektibo. Gamitin ang oras na mag-reconnect sa iyong karelasyon at muling gumawa ng mga boundaries at inaasahan.

Subukang maging malikhain sa foreplay. Ito ay makapagpapabuti ng haba at kalidad ng pakikipagtalik. Karagdagan, maraming foreplay ang magpapa-stimulate ng lubrication at mas mapadadali ang mga bagay-bagay.

3. Magtanong sa doktor tungkol sa hormone replacement therapy

Panghuli, kung ang iyong sex life at ang ibang mga sintomas ng menopause ay mahirap na harapin, ang iyong doktor ay papayuhan kang mag hormone replacement therapy (HRT).

Ang HRT ay nagbibigay sa katawan ng mas maraming estrogen at mag tatangka na ibalik ng premenopausal hormone balance. Ang pag pataas ng estrogen ay nakatutulong na mapanatili ang vaginal lubrication at ang anyo nito, habang nababawasan din ang ibang epekto tulad ng hot flashes at pagka brittle ng mga buto.

Key Takeaways

Bilang buod, ang sex pagkatapos ng menopause ay talagang posible. Ang menopause ay normal at espesyal na milestone sa bawat buhay ng isang babae.
Makipag-usap sa iyong kapareha tungkol sa pagbabago na nararanasan at paano kayo parehong magiging intimate sa mga oras na ito.

Alamin ang iba pang mga sex tips dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Frequently Asked Questions, https://www.menopause.org/for-women/sexual-health-menopause-online/frequently-asked-questions, Accessed April 27, 2021

Changes in Hormone Levels, https://www.menopause.org/for-women/sexual-health-menopause-online/, Accessed April 27, 2021

Yes, you can have better sex in midlife and in the years beyond, https://www.health.harvard.edu/womens-health/yes-you-can-have-better-sex-in-midlife-and-in-the-years-beyond, Accessed April 27, 2021

How Sex Changes After Menopause, https://www.hopkinsmedicine.org/health/wellness-and-prevention/how-sex-changes-after-menopause, Accessed April 27, 2021

SEXUAL PLEASURE DURING AND AFTER MENOPAUSE, https://www.fpa.org.uk/sexual-pleasure-during-and-after-menopause, Accessed April 27, 2021

Male Menopause, https://www.hormone.org/diseases-and-conditions/male-menopause, Accessed April 27, 2021

Kasalukuyang Version

05/26/2023

Isinulat ni Jerra Mae Dacara

Narebyung medikal ni Regina Victoria Boyles, MD

In-update ni: Regina Victoria Boyles


Mga Kaugnay na Post

Mga Natural na Lube Ingredient, DIY Options, at Mga Panganib

Paano Malalaman Kung Fertile Base Sa Menstrual Cycle?


Narebyung medikal ni

Regina Victoria Boyles, MD

Pediatrics


Isinulat ni Jerra Mae Dacara · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement