backup og meta
Matuklasan
Mga Health Tool
Magtanong sa Doktor
I-save

Paano Itaas ang Libido? Narito ang Ilang Paraan na Maaaring Subukan

Narebyung medikal ni Jobelle Ann Dela Cruz Bigalbal, MD · General Practitioner


Isinulat ni Jerra Mae Dacara · a

    Paano Itaas ang Libido? Narito ang Ilang Paraan na Maaaring Subukan

    Ang ibang pamamaraan ng birth control, partikular na ang pills, ay maaaring magkaroon ng maraming side effects. Ang ilan sa mga side effects na ito ay ang biglaang pagkawala ng libido, o sex drive. Paano pataasin ang libido? Alamin dito. 

    Ang biglaang pagkawala ng sex drive ay mahirap na sitwasyon, lalo na sa mga magkarelasyon na pumili ng birth control pills bilang family planning method. Gayunpaman, may mga bagay na kayang gawin ng mga babae upang mapataas ang kanilang sex drive habang nasa birth control pills.

    Paano Pataasin ang Libido Habang nasa Birth Control Pills

    Isa sa mga posibleng rason bakit nakaaapekto ang birth control pills sa libido ng babae ay dahil sa pagbabago ng lebel ng hormone sa katawan. Ang biglaang pagbabago ng hormonal levels ay magiging sanhi ng maraming side effects, kabilang na ang pagbaba ng sex drive.

    Gayunpaman, hindi lahat ng mga babaeng gumagamit ng birth control ay makararanas ng pagkawala ng libido. Ngunit kung ito ay nangyari sa’yo, narito ang mga paraan na maaaring gawin:

    Iwasan ang Stress

    Ang stress, sa kabuuan, ay nakapagpapababa ng sex drive ng isang tao. Kung palagi kang pagod dahil sa trabaho o stressed sa mga ibang bagay, maaaring maramdaman mo na hindi mahalaga ang pakikipagtalik.  Dahil dito, maaari kang mawalan ng pagnanasa na gawin ito.

    Kung pagsasamahin pa nito ang pagkawala ng libido dahil sa birth control pills, magiging seryosong problema ito para sa mga magkarelasyon. Kaya’t mahalaga na subukang iwasan ang stress, o gumawa ng paraan upang mapababa ang iyong lebel ng stress hangga’t maaari. 

    Ilan sa mga paraan upang magawa ito ay humanap ng bagong mapagkakaabahalan, siguraduhin na mayroong sapat na tulog, umidlip, o mag-disconnect mula sa internet o social media.

    Paano pataasin ang libido? Ugaliing i-manage ang stress level.

    Kung ang isang tao ay relaxed, mas gusto nilang makipagtalik, at mas komportable ang pakiramdam sa pakikipagtalik sa kabuuan. Kaya’t kung ikaw ay hindi gumagamit ng birth control pills, laging mainam na pababain ang lebel ng stress upang makatulong sa iyong sex life.

    Kumain ng Masustansya at Manatiling Aktibo

    Isa pang tip kung paano pataasin ang libido ay ang pagkain ng masustansyang pagkain at manatiling aktibo. Ito ay sa dahilan na ang pagpapanatiling fit at malusog ay maaaring itaas ang libido.

    Sa ideal, dapat kang magsagawa ng gawaing pisikal sa loob ng 30 minuto kada araw. At kung pag-uusapan ang iyong diet, siguraduhing unahin ang pagkain ng mga prutas at gulay. Bukod sa makatutulong ang mga tips na ito sa iyong sex life, mapabubuti din ng mga ito ang iyong kabuuang kalusugan.

    Karagdagan

    Ang pagpapanatiling malusog ay nakapagpapabuti ng pakiramdam at nakapagpapababa ng lebel ng stress. Ito rin naman ay makapagbibigay ng mas pleasurable na karanasan sa pakikipagtalik. 

    Pumili ng Ibang Porma ng Birth Control

    Ang side effects ng birth control pills ay iba-iba sa bawat tao. Posible na ang uri ng pill na ginagamit ay hindi akma para sa’yo dahil sa mga side effects na dinudulot nito. 

    Ang simpleng solusyon para mapataas ang sex drive ay pumili ng panibagong porma ng birth control. Liban sa pagpili ng ibang pills, maaari ka ring gumamit ng IUD o contraceptive implant.

    Para sa magkarelasyon na wala plano na magkaroon ng mga anak, ang babae ay maaaring magsagawa ng tubal ligation, o ang lalaki ay pwedeng sumailalim sa vasectomy. Ang mga porma ng birth control na ito ay ligtas, at halos walang side effects, at hindi makaapekto sa iyong sex drive o kung anuman.

    Huwag Matakot na Humingi ng Propesyonal na Tulong

    Posible na ang dahilan ng pagbaba ng iyong sex drive ay psychological. Kung ito ang kaso, ang pinaka mainam na gawin ay humanap ng propesyonal na tulong. Makatutulong na lumapit sa isang sex therapist o counselor. 

    Makatutulong sila na malaman ang dahilan sa likod ng pagbaba ng iyong libido. Makapagbibigay din sila sa iyo ng payo kung paano mapataas ang sex drive. Maaaring hindi kayo maging komportable sa umpisa na pag-usapan ang sex life sa isang tao na hindi mo kilala, ngunit walang dapat na ikahiya tungkol dito,

    Ang mahalaga ay gumagawa kayo ng paraan upang masolusyonan ang problema, sa halip na balewalain ito.

    Alamin ang marami pa tungkol sa Sex Tips dito.

    Disclaimer

    Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

    Narebyung medikal ni

    Jobelle Ann Dela Cruz Bigalbal, MD

    General Practitioner


    Isinulat ni Jerra Mae Dacara · a

    advertisement iconadvertisement

    Nakatulong ba ang artikulong ito?

    advertisement iconadvertisement
    advertisement iconadvertisement