backup og meta

Paano Mag-Squirt? Lahat Ng Kailangan Mong Malaman Tungkol Sa 'Squirting'

Paano Mag-Squirt? Lahat Ng Kailangan Mong Malaman Tungkol Sa 'Squirting'

Ang squirting ay isang paksang pinagmumulan ng mga pagtutol at hindi pagkakasundo. Maging ang mga pag-aaral na isinasagawa sa squirting, o tinatawag na “female ejaculation”, ay maaaring maging nakalilito. Kaya naman narito kami upang liwanagan ang mga bagay-bagay at sikaping ipaunawa kung ano ang nangyayari kapag ang isang babae ay nagsi-squirt. Pag-uusapan din natin kung paano mag-squirt, upang ito ay iyong masubukan at malaman kung ito ay nakapupukaw sa iyong interes. 

Ano Ang Squirting? Paano Mag-Squirt?

paano mag-squirt

Una, kailangan muna nating alamin kung ano nga ba ang eksaktong kahulugan ng squirting. Ang squirting, na kilala rin sa tawag na “female ejaculation”, ay ang paglalabas ng likido na nangyayari habang ang isang babae ay nagkakaroon ng orgasm.

Kagaya ng kung paanong ang mga kalalakihan ay nage-ejaculate kapag narating na nila ang climax, ang ilang mga kababaihan naman ay nagsi-squirt o naglalabas ng likido mula sa kanilang maselang parte ng katawan. 

Kung ano nga ba talaga ang likidong ito, at ano ang dahilan ng paglabas nito ang karaniwang mga paksa ng pagtatalo sa nakalipas na mahabang panahon. 

May dalawang pangunahing panig na may kinalaman sa squirting: ang unang panig ay naniniwala na ang squirting ay ihi lamang na lumalabas mula sa maselang parte ng katawan ng babae. May mga pag-aaral nang isinagawa sa squirting, at ang resulta ay nagsasabing ang nangyayari ay hindi ejaculation, ngunit mas makatotohanang sabihing ito ay hindi mapigilang pag-ihi.

Ang katawagang medikal para dito ay “coital stress incontinence” at ito ay isang tiyak na bagay na nangyayari sa ilang mga babae. 

Gayunpaman, may mga pag-aaral din na nagsasabing ang female ejaculation ay isang tiyak na penomena. Ang resulta ng mga pag-aaral na ito ay nagsasabing ang likido ay nanggagaling sa paraurethral glands, o kilala rin sa tawag na Skene’s glands. Ang mga glands na ito ay makikita malapit sa urethra ng isang babae at ang counterpart ng prostate gland ng mga lalaki. Gayunpaman, hindi lahat ng mga babae ay sinasabing may ganitong glands. 

Ano Ang Nasa Likido? 

Ang pag-aaral sa mismong likido ay nagbunga rin ng mga nagtutunggaliang paniniwala. Ang ilang mga pag-aaral ay napatunayang ang likido ay hindi makikila kapag isinama sa ihi. May mga ibang mga pag-aaral naman na nakakita ng isang tiyak na pagkakaiba sa pagitan ng likidong ito at ng ihi at ito ay pareho sa likidong nanggagaling sa prostate

Gayunpaman, batay sa pinakahuling mga pag-aaral, may sapat na ebidensya para matunayang ang female ejaculation ay totoo o nangyayari talaga. Yun nga lamang, ang gampanin ng ejaculation at kung bakit hindi lahat ng mga babae ay nakararanas nito ay ang ilang mga tanong na kailangan pang pag-aralan. 

May Ilang Mga Balakid Para Sa Pag-aaral Ng Female Ejaculation

Isa sa mga pinakamalalaking problema sa pag-aaral ng female ejaculation ay dahil ang ilang mga siyentista ay nagmamadaling pabulaanan ang penomenang ito. Maraming mga babae na nakaranas ng squirting ang nagsasabing hindi ito kagaya ng pakiramdam kapag sila ay naiihi. 

Mayroon pa ring mga siyentista at doktor na naniniwalang hindi ito isang aktuwal na penomena. Ito ang dahilan kung bakit ang paksa ng squirting ay nakagugulat na komplikado at naibubuhol sa mga isyu may kinalaman sa sekswalidad ng mga kababaihan. 

Paano Mag-Squirt? Kaya Ba Itong Gawin Ng Kahit Na Sino? 

Ngayon na nakita na nating ang squirting ay nangyayari naman talaga, kaya mo kayang matutong mag-squirt? 

Ayon sa isang pag-aaral na isinagawa noong 2017, natuklasan na tinatayang 70% ng mga kababaihan ay nakaranas na ng ejaculation. Bagaman may mga pag-aaral na nagsasabing ang estadistika ay naglalaro sa bilang na 10-50%. May mga kaso rin kung saan ang likido ay bumalik lamang sa pantog, kaya naman walang naganap na “squirting” kahit pa nag-ejaculate ang isang babae. 

Ang pag-alam sa kung paano mag-squirt ay isang bagay na mahirap malaman kung paano gagawin. Ang namamayaning kaisipan ay basta na lamang itong nangyayari sa ibang babae habang sa iba naman ay hindi. 

Isa pang salik na nakaaapekto kung bakit mahirap mapag-aralan kung paano mag-squirt ay dahil hindi lahat ng babae ay may Skene’s glands. Kung wala ka ng glands na ito, may tyansa na hindi ka makapag-ejaculate. 

Gayunpaman, ang hindi pagkakaroon ng nabanggit na mga glands ay hindi nangangahulugan na ang pakikipagtalik o ang orgasmo ay hindi na kasiya-siya. Maraming mga babae ang mayroong mainam na buhay-pakikipagtalik kahit hindi naman nakakapag-squirt. 

Ang pag-alam kung paano mag-squirt ay isa sa mga bagay na alam lamang ng mga tao sa sarili nila at nangyayari sa kanila nang natural. Kumunsulta sa iyong doktor para sa ibang mga tanong tungkol sa pakikipagtalik, female ejaculation, at iba pang kaugnay na alalahanin. 

Matuto ng iba pang sex tips dito

Isinalin mula sa orihinal na Ingles na sinulat ni Jan Alwyn Batara.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

1 Female ejaculation: An update on anatomy, history, and controversies, https://onlinelibrary.wiley.com/doi/epdf/10.1002/ca.23654, Accessed December 6, 2021

2 The Urethrovaginal Gland, Amrita & Amritasis: Cultural and Medical Background, http://www.jscholaronline.org/articles/JWHG/The-Urethrovaginal.pdf, Accessed December 6, 2021

3 Why Censor Female Ejaculation? Tensions in the Taxonomy of Female Pleasure, https://www.omorashi.org/applications/core/interface/file/attachment.php?id=118701, Accessed December 6, 2021

4 Do women ejaculate? – ISSM, https://www.issm.info/sexual-health-qa/do-women-ejaculate/, Accessed December 6, 2021

5 Can Women Ejaculate? That Depends on Whom You Ask. | Office for Science and Society – McGill University, https://www.mcgill.ca/oss/article/health-history/can-women-ejaculate-depends-who-you-ask, Accessed December 6, 2021

Kasalukuyang Version

01/25/2023

Isinulat ni Kristel Lagorza

Narebyung medikal ni Regina Victoria Boyles, MD

In-update ni: Vincent Sales


Mga Kaugnay na Post

Mga Natural na Lube Ingredient, DIY Options, at Mga Panganib

Adik Sa Sex: Ano Ang Maaaring Gawin Tungkol Dito?


Narebyung medikal ni

Regina Victoria Boyles, MD

Pediatrics


Isinulat ni Kristel Lagorza · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement