backup og meta
Matuklasan
Mga Health Tool
Magtanong sa Doktor
I-save

Paano Alagaan ang Prostate? Heto ang mga Payo na Dapat Tandaan

Narebyung medikal ni John Paul Abrina, MD · Oncology · Davao Doctors Hospital


Isinulat ni Daniel de Guzman · a

    Paano Alagaan ang Prostate? Heto ang mga Payo na Dapat Tandaan

    Ang prostate ay isang gland sa katawan ng lalaki na may malaking ginagampanan sa pagkayabong. Lumilikha ito ng fluid sa semilya na nagdadala ng tamod. Sa pagtanda ng mga lalaki, ang maliit na gland na ito ay maaaring magdala ng panganib ng cancer. Dahil dito, alam dapat ng mga lalaki kung paano panatilihing malusog ang prostate gland. Paano alagaan ang prostate?

    Ano ang prostate gland?

    Ang prostate ay isang gland na kasinlaki ng wolnat na matatagpuan sa ilalim ng pantog. Ang pangunahing trabaho nito ay maglabas ng prostatic fluid na nagpapalusog at pumoprotekta sa tamod at pinapabuti ang paggalaw nito.

    Laman din ng prostate ng isang bahagi ng urethra – isang tubo na responsable sa pagdaan ng ihi mula sa pantog palabas ng katawan. Kapag lumaki ang prostate ng lalaki o tinatawag na benign hyperplasia (BPH), naiipit ng prostate ang urethra, na maaaring makaharang sa pagdaloy ng ihi. Mas karaniwan ang BPH sa matatandang lalaki, lalo na sa mga nasa edad 51 pataas.

    Bukod sa BPH, isa sa pinakakaraniwang sakit sa reproductive system ng mga lalaki ang kanser sa prostate. Ayon sa 2018 data na nailathala ng WHO, ang mortalidad ng prostate cancer sa Pilipinas ay umabot na sa 3,319 o 0.54% ng kabuuang namatay. Noong 2014, naging ikaapat sa nangungunang kanser na nararanasan ng mga lalaki ang kanser sa prostate.

    Hindi mo maiiwasan ang ilan sa mga salik na nagdudulot ng mga sakit sa prostate. Gayunpaman, malaki ang magagawa ng masustansyang pagkain at malusog na pamumuhay upang mapanatiling malusog ang prostate.

    paano alagaan ang prostate

    Kapag sinabing malusog na prostate, ibig sabihin ay wala kang nararanasang anumang problema o karamdaman sa reproductive at urinary system. Upang malaman kung paano alagaan ang prostate, narito ang ilang payo:

    Paano Alagaan ang Prostate: Masustansyang pagkain

    Kumain ng isda at limitahan ang pagkonsumo ng pulang karne

    Ang mga isdang mayaman sa Omega 3 fatty acids tulad ng salmon at sardinas ay makakatulong na makaiwas sa pamamaga ng prostate. Ang pamamaga ng prostate ay madaling magresulta sa iba’t ibang sakit sa prostate gaya ng prostatitis at kanser.

    Maglagay ng prutas at gulay sa araw-araw mong pagkain

    Ang araw-araw na pagkain ng gulay at prutas ay makakatulong na mapanatiling malusog ng prostate. Nagtataglay ng phytochemicals ang mga cruciferous vegetables tulad ng broccoli at cauliflower na maiuugnay sa pagpapababa ng panganib ng kanser sa prostate.

    Makatutulong din sa pagpapanatiling malusog ng prostate ang mga prutas tulad ng berries at ubas dahil mayaman ito sa antioxidants. Inaalis ng antioxidants ang free radicals sa katawan na nagdudulot ng mga sakit at nagpapabilis ng pagtanda. Pinipigilan din nito ang paglaki at pagdami ng selula ng kanser.

    Piliin ang masusustansyang taba

    Bukod sa pagbibigay ng enerhiya na kailangan ng katawan upang gumana nang mabuti, nakakatulong din sa pagpapanatiling malusog ng prostate ang mga pagkaing may masusustansyang taba tulad ng avocado, mga mani, at olives. Tinutulungan ng masustansyang taba ang katawang labanan ang mga nakapipinsalang epekto ng kanser.

    Magandang ideya ang pagpili sa mga masusustansyang taba kaysa sa saturated fats at trans fat. Makukuha ang saturated fat sa dairy at animal products tulad ng gatas, itlog, etc; habang nasa fast food at processed packaged food naman ang trans fat.

    Bawasan ang pagkonsumo ng asukal

    Ayon sa pag-aaral (Concentrated Sugars and Incidence of Prostate Cancer in a Prospective Cohort, F.L. Miles et. al.), ang mga asukal mula sa mga inumin tulad ng softdrinks, energy drink, at juice ay nakapagpapataas ng panganib ng kanser sa prostate ng 21%. Bagaman kailangan pa ng dagdag na mga pag-aaral, binibigyang diin ng pag-aaral ang potensiyal na kaugnayan ng pagkonsumo ng inuming maasukal sa prostate cancer.

    Maaari ka pa ring kumain ng matatamis paminsan-minsan sa pamamagitan ng pagpili sa mas masustansyang pagkain tulad ng smoothies, iced teas, at juices na homemade at gawa sa bahay.

    Bawasan ang pagkonsumo ng asin

    Kung hindi mo talaga maiwasan ang asin, subukang limitahan ang dami ng asing inilalagay mo sa pagkain. Maaaring mauwi sa urinary tract symptoms na kaugnay ng paglaki ng prostate ang paglalagay ng sobrang asin sa pagkain. Parehong inirerekomenda ng CDC at ng American Heart Association ang pagkonsumo ng hindi lalagpas sa 2,300mg ng sodium (asin) araw-araw.

    Maraming pagkaing mababa sa asin ang mabibili sa pamilihan na magandang pamalit sa mga pagkaing maraming asin na madalas mong kinakain. Bukod dyan, iwasan ang processed food tulad ng bacon at hotdog, frozen food tulad ng pizza, snack food tulad ng chips, at canned meat, dahil mataas ito sa asin.

    Kontrolin ang lahat ng kinakain

    Isang dahilan ang labis na katabaan sa maraming sakit. Kabilang dito ang posibilidad ng pagtaas ng panganib ng kanser sa prostate. Sa isang pag-aaral ng American Cancer Society, napag-alamang ang labis na katabaan ay nagpapataas ng panganib ng prostate cancer ng 20%. At tumataas ang panganib ng 34% para sa mga higit na labis ang timbang. Sa paglilimita ng pagkain at pagpapanatili ng malusog na timbang, mapapababa mo ang panganib hindi lamang ng prostate cancer kundi maging ng iba pang kanser at sakit sa puso.

    Paano Alagaan ang Prostate: Mas malusog na pamumuhay

    Regular na pag-eehersisyo

    Mahalaga ang pagsasagawa ng iba’t ibang gawain hindi lamang upang mapanatili ang malusog na timbang kundi matiyak na napapababa ang panganib ng pagkakaroon ng kritikal na mga sakit. Ang 30 minutong pag-eehersisyo sa mas maraming araw sa isang linggo ay makatutulong upang gumanda at mapanatili ang magandang pangangatawan.

    Madalas na ejaculation

    Dahil bahagi ng reproductive system ang prostate at responsable sa produksiyon ng tamod at semilya, ang madalas na paggamit nito ay nakapagpapabuti ng kalusugan ng prostate.

    Sa isang pag-aaral, ang mga lalaking nagbubulalas ng 21 beses o higit pa sa loob ng isang buwan sa buong buhay nila ay 31% na mas ligtas na magkaroon ng prostate cancer kumpara sa mga lalaking nag-ejaculate lang ng 4 – 7 beses bawat buwan.

    Itigil ang paninigarilyo

    Ang carcinogens mula sa paninigarilyo ay nagpapataas ng panganib ng prostate cancer. Nangangailangan pa ng dagdag pa mga pag-aaral upang suportahan ang paniniwalang ito. Gayunpaman, napatunayan nang nakapipinsala ang paninigarilyo at nakapagpapahina ng resistensya. Kaya naman hindi na ito (resistensya) gaano kaepektibong lumaban sa mga sakit.

    Regular na magpatingin sa doktor

    Isang paraan upang mapanatiling malusog ang prostate gland ay sa pamamagitan ng regular na pagpapatingin sa doktor. Ito ang pinakaimportante para sa mga lalaking mas malapit sa panganib ng mga sakit sa prostate tulad ng prostate cancer.

    Tutukuyin ng doktor kung kailangan mo bang masuri para sa cancer. Ginagawa ito sa pamamagitan ng digital rectal exam at/o prostate-specific antigen (PSA) blood test. Sa pangkalahatan, ikinukonsidera ang mga lalaking 50 taong gulang pataas na at risk. Kaya’t pinakamainam na kumonsulta sa doktor kung kasama ka na sa age group na ito.

    Key Takeaways

    Maaaring maliit lamang na organ sa reproductive system ng lalaki ang prostate gland, ngunit mahalaga pa rin ito sa reproduksiyon. Makatutulong ang pagsasaayos ng lifestyle at madalas na ginagawa upang matiyak na hindi nanganganib na magkaroon ng anumang sakit ang iyong prostate. Upang mapanatag ka, mas mainam na kumonsulta sa doktor at magpatingin hangga’t maaga.

    Matuto pa tungkol sa Kalusugan ng Kalalakuhan at Kalusugan ng Prostate dito.

    Disclaimer

    Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

    Narebyung medikal ni

    John Paul Abrina, MD

    Oncology · Davao Doctors Hospital


    Isinulat ni Daniel de Guzman · a

    advertisement iconadvertisement

    Nakatulong ba ang artikulong ito?

    advertisement iconadvertisement
    advertisement iconadvertisement