backup og meta

Totoo Ba Ang Mga Benepisyo Ng Sex Sa Puso?

Totoo Ba Ang Mga Benepisyo Ng Sex Sa Puso?

Kinikilala ang sex bilang isang pisikal na gawain. Ayon pa sa mga ulat, maaari din itong ituring na isang moderate exercise. Ngunit may kakayahan ba ang sex na mapabuti ang kalusugan ng ating mga puso? Totoo ba ang mga sinasabing benepisyo ng sex sa puso?

Benepisyo Ng Sex Sa Puso: Isang Uri Ng Pag-Eehersisyo?

Nilinaw na natin na ang sex ay isang uri ng ehersisyo, ngunit upang maunawaan ang koneksyon sa pagitan ng sex at ng heart health, kailangan nating sagutin ang tanong na ito: Gaano karaming physical activity ang nakukuha natin sa sex?

Ang sex bilang isang pisikal na gawain ay hindi awtomatikong nangangahulugang mabuti ito sa puso. Kung tutuusin, kailangan mong ikonsidera ang maraming salik gaya ng intensity, frequency (dalas), at duration (haba) ng workout.

Iniulat ng John Hopkins Medicine ang tatlong uri ng ehersisyo na nagdudulot ng benepisyo ng sex sa puso. Ito ang aerobic exercises, resistance training, at ehersisyong nakatuon sa stretching, flexibility, at balance.

Ang Sex Ay Isang Aerobic Exercise

Tila lumalabas na ang sex ay gaya rin ng iba pang porma ng aerobic exercise.

Sinabi pa ng Harvard University na tulad ng aerobic exercises, pinatataas ng sex ang blood pressure, heart rate, at syempre, pinatataas din nito ang pangangailangan ng puso sa oxygen.

Upang malaman ang level of activity na nakukuha natin sa sex, may ilang mga mananaliksik ang nagsagawa ng pag-aaral upang makita kung gaano pinatataas ng sex ang blood pressure at heart rate ng mga tao.

Sa pag-aaral, sinubaybayan ng mga mananaliksik ang mga kalahok (participants) habang sila ay gumagamit ng treadmill. Pagkatapos, sinubaybayan din sila habang nakikipagtalik (penetrative sex na may male orgasm).

Tiningnan nila ang heart rate at blood pressure ng mga kalahok. Matapos nito, tinanong nila ang mga kalahok hinggil sa level ng exertion na kanilang naranasan.

Lumabas sa resulta ng pag-aaral na tumaas ang blood pressure at heart rate ng mga lalaki habang nakikipagtalik. Gayunpaman, hindi ito kasintaas ng naabot habang sila ay naglalakad sa treadmill.

Dagdag pa, nang kinapanayam ng mga mananaliksik ang mga kalahok hinggil sa kanilang level of exertion, sinabi ng mga kalahok na mas nakapapagod ang treadmill kaysa sa pakikipagtalik. Sa bilang na 1-5 (5 bilang pinakamataas), sinabi ng mga kalahok na ang paglalakad sa treadmill ay nasa 4.6 habang 2.7 lang sa pakikipagtalik.

Hindi Sapat Ang Sex

Batay sa pag-aaral na nabanggit sa itaas tungkol sa benepisyo ng sex sa puso, mas nakapapagod ang paglalakad sa treadmill kaysa sa sex. Gayunpaman, pinataas pa rin nito ang heart rate at blood pressure ng mga kalahok. Maaaring kulang ito sa intensity, ngunit gaya ng maaaring sabihin ng iba, nagawa pa rin nito ang kanyang trabaho.

Ngunit lumalabas na hindi lang pala intensity ang kulang sa sex. Kulang din ito sa frequency at duration.

Isipin mo ito, ayon sa mga eksperto, kailangan mo ng hindi bababa sa 150 minutong moderate activity sa loob ng isang linggo upang makuha ang buong benepisyo ng aerobic workouts. Ibig sabihin, kailangan mo ng hindi bababa sa 30 minutong pag-eehersisyo araw-araw sa loob ng limang araw kada isang linggo.

Ang average na sexual encounter ay tumatagal lamang ng 5 hanggang 15 minuto. At syempre, hindi lahat ng couple ay nagtatalik araw-araw.

Dahil sa lahat ng “disadvantages” na ito ng sex bilang isang anyo ng ehersisyo, ibig bang sabihin na hindi na ito maganda sa puso? Mayroon ba talagang koneksyon ang sex at heart health?

Nakatutulong Ba Ang Sex Upang Maiwasan Ang Mga Sakit Sa Puso?

Hindi man mapapalitan ng sex ang tipikal na aerobic exercise, hindi naman ito nangangahulugang walang benepisyo ng sex sa puso.

Sa katunayan, natuklasan ng mga mananaliksik na ang mga lalaking nakikipagtalik lamang ng isang beses sa isang buwan ay mas malapit sa panganib ng pagkakaroon ng mga sakit sa puso kumpara sa mga lalaking dalawang beses makipagtalik sa isang linggo.

Bukod pa dyan, ang mga babaeng nagsasabing masaya sila sa kanilang sex lives ay mas mababa ang tsansang magkaroon ng atake sa puso.

Habang wala pang mga pag-aaral na tumutukoy sa eksaktong paliwanag kung papaano nangyayari ang benepisyo ng sex sa puso, naniniwala ang mga mananaliksik na dahil ito sa iba pang benepisyo ng sex.

Benepisyo Ng Sex Sa Puso At Kalusugan

Nakababawas Ng Stress

Binigyang diin ng mga doktor na ang long-term stress ay maaaring mauwi sa pagtaas ng blood cholesterol, blood glucose, at blood pressure. Lahat ng ito ay mga risk factor sa pagkakaroon ng cardiovascular illnesses. Dagdag pa, nakapagdudulot din ng ilang pagbabago sa katawan ang stress. At ito’y nagiging sanhi ng plaque build up sa mga ugat.

Ang magandang balita, nakababawas ng stress ang sex. Ito ay dahil nakapagpapalabas ng endorphins ang sex na isang kemikal na ginagamit ng katawan upang makayanan ang stress at sakit (pain). Naglalabas din ang sex ng iba pang hormones na nagpapaganda ng mood.

Nakapagpapatibay Ng Ugnayan

Nakapagdudulot ng intimacy ang sex sa mga mag-partner. Ayon sa mga doktor, mahalaga ang pagkakaroon ng matibay na ugnayan sa isa’t isa sapagkat napabubuti nito ang nararanasang anxiety, depression at pakiramdam na nag-iisa. Ang mga nararamdamang ito ay naiiugnay sa mataas na panganib ng cardiovascular disease gaya ng atake sa puso at stroke.

Nakapagpapaganda Ng Tulog

Iba’t ibang mga ulat at pag-aaral ang nagsasabing nakapagpapataas ng panganib ng pagkakaroon ng mga sakit sa puso ang sleep deprivation.

Mabuti na lang at isa sa mga benepisyo ng sex ay nakapagpapaganda ng tulog. Nagbubunsod ang sex ng paglalabas ng relaxing hormones gaya ng oxytocin at prolactin. Ang mga hormones na ito ay parehong nakatutulong upang makatulog ka nang mas mabilis.

Dagdag pa, ang pagkakaroon ng kasiya-siyang pakikipagtalik bago matulog ay nakapagpapaganda ng kalidad ng pagtulog dahil sa endorphins.

Key Takeaways

Totoo ba ang mga benepisyo ng sex sa puso? Tunay ngang isang pisikal na gawain ang sex. Upang maging tiyak, isa itong uri ng aerobic exercise. Gayunpaman, hindi pa rin mapapalitan ng sex ang routine workout.
Ayon sa pag-aaral na tinalakay natin kanina, less intense ang sex kaysa sa paglalakad sa treadmill. Dagdag pa, ayon sa mga eksperto, hindi sapat ang itinatagal ng tao sa isang tipikal na sex upang makuha ang heart-boosting benefits na nakukuha naman sa aerobic exercises.
Gayunpaman, may naidudulot pa ring mga benepisyo ng sex sa puso. Nakababawas ito ng stress, nakatutulong upang magkaroon ng magandang tulog, at mas matibay na ugnayan (intimacy) sa partner.
Sa huli, huwag kalimutan na ang pangangalaga sa puso ay nangangailangan ng holistic approach. Kumain ng masusustansya, regular na mag-ehersisyo, at patuloy na makipag-ugnayan sa iyong doktor.

Matuto pa tungkol sa Sekswal na Kalusugan dito.

[embed-health-tool-bmi]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Exercise helps your heart, https://wa.kaiserpermanente.org/healthAndWellness?item=%2Fcommon%2FhealthAndWellness%2Fconditions%2FheartDisease%2FexerciseBenefit.html, Accessed September 11, 2020

Is sex exercise? And is it hard on the heart? https://www.health.harvard.edu/mens-health/is-sex-exercise-and-is-it-hard-on-the-heart, Accessed September 11, 2020

3 Kinds of Exercise That Boost Heart Health, https://www.hopkinsmedicine.org/health/wellness-and-prevention/3-kinds-of-exercise-that-boost-heart-health, Accessed September 11, 2020

Is Sex Good For Your Heart? https://www.aurorahealthcare.org/patients-visitors/blog/is-sex-good-for-your-heart, Accessed September 11, 2020

Is Sex Dangerous If You Have Heart Disease? https://www.hopkinsmedicine.org/health/wellness-and-prevention/is-sex-dangerous-if-you-have-heart-disease#:~:text=Studies%20suggest%20that%20men%20who,reduce%20stress%20and%20improve%20sleep., Accessed September 11, 2020

Is Sex a Good Workout? https://www.berkeleywellness.com/self-care/sexual-health/article/sex-good-workout, Accessed September 11, 2020

Why Sex Is Good for Your Health, Especially Your Heart, https://health.clevelandclinic.org/why-sex-is-good-for-your-health-especially-your-heart/, Accessed September 11, 2020

Does loneliness increase your risk of heart attack or stroke? https://www.bhf.org.uk/informationsupport/heart-matters-magazine/news/behind-the-headlines/loneliness-and-stroke-or-heart-attack#:~:text=Your%20risk%20of%20stroke%20and,risk%20of%20having%20a%20stroke., Accessed September 11, 2020

Kasalukuyang Version

05/25/2023

Isinulat ni Daniel de Guzman

Narebyung medikal ni Jobelle Ann Dela Cruz Bigalbal, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Dyeta o Ehersisyo: Ang 80 Diet 20 Exercise Theory ng Pagpayat

Posisyon sa Sex: Ang Helicopter Position!


Narebyung medikal ni

Jobelle Ann Dela Cruz Bigalbal, MD

General Practitioner


Isinulat ni Daniel de Guzman · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement