backup og meta

Ano ang foreplay, at bakit ito mahalaga? Alamin dito!

Ano ang foreplay, at bakit ito mahalaga? Alamin dito!

Ano ang foreplay? Lahat ng bagay sa ating buhay ay dapat magsimula sa isang bagay – kasama na dito ang pakikipagtalik. Depende sa kung sino ang tatanungin mo, ang sex ay tinutukoy sa iba’t ibang paraan. Maaari itong maging isang proseso para sa pagiging magulang, isang intimate at romantikong aktibidad, o isang act of pleasure. Gayunpaman, anuman ang kahulugan, ang sex ay dapat palaging magsimula sa dalawang mahahalagang aksyon: pagsang-ayon at foreplay. Alamin dito kung ano ang foreplay at bakit ito mahalaga.

Ano ang Foreplay at Consent

Ang paghingi ng pahintulot ay dapat na madaling maunawaan at magawa sa puntong ito. Ang foreplay, ay isang nakakalitong proseso na ang gusto ay pukawin ang isa’t isa para sa aktwal na pakikipagtalik. Maaaring maging mahirap, hindi komportable, at masakit para sa magkabilang panig ang pakikipagtalik nang walang foreplay.

Dahil dito, magandang itanong, ano ang foreplay, at bakit ito isang mahalagang sekswal na aktibidad?

Foreplay, Ang Paliwanag

Ang mga taong may sexual activity ay dapat gumagawa ng foreplay. Ito ay mga bagay na ginagawa na nagdudulot ng kasiyahan at arousal sa magka-partner. Paghahanda ito sa pakikipagtalik. Karamihan sa mga ito ay nangangailangan ng physical contact, tulad ng paghalik, pagyakap, paghawak o paghaplos sa mga sensitibong bahagi. At maging ang mouth-to-genital playing. Maaari ding magtrigger ng arousal ang mga verbal fantasies.

Ang gustong mangyari sa foreplay ay maging handa ang mag-partner para sa pakikipagtalik. Madalas nating tinitingnan ito bilang isang pakiramdam o emosyon habang inaasahan ang kasiyahan. Gayunpaman, ang arousal ay maaari ring magpakita ng pisikal.  

Halimbawa, ang mga lalaki ay maaaring makaranas ng erection. Nangyayari ito kapag dumadaloy ang dugo sa corpora canervosa ng male genitalia, na nagreresulta sa tumigas na ari. Sa kabilang banda, ang mga babae naman ay maaaring maging “basa” ang kanilang mga ari. Ito ay  kapag may natural na lubrication sa ari mula sa isang “excited” na vulva at klitoris pagkatapos ng pagtaas ng daloy ng dugo sa area. Ang anus ay maaari ding ma-arouse sa parehong kasarian sa pamamagitan ng mga nakakarelaks na sphincter. Ngunit inirerekomenda ang dagdag na lubrication sa oras ng anal play at pakikipagtalik.

Gayunpaman, kung ano ang foreplay ay hindi palaging penetration. Ito ay sa mga partikular na pagkakataon kung saan nangyayari ang arousal at orgasm, kahit na walang pagpasok ng ari. Maaari mong ma-arouse ang isang tao sa pamamagitan lamang ng pagpapasigla sa maselang bahagi ng katawan. Gayundin ng iba pang erogenous zone gaya ng iyong likod, suso at utong, anus. Kahit na ang mga saloobin at verbal arousal ay maaaring humantong sa orgasm.

Turning Someone On

Ang foreplay ay ginagawa para  maturn-on ang partner, ngunit bakit ito ay isang malaking bagay sa sex?

Ang pinaka-maliwanag na dahilan ng arousal sa sex ay upang ang mga taong involved ay makaramdam ng kasiyahan at kaginhawahan. Ipinaliwanag na natin kung paano maaaring ihanda ng arousal ang mga emosyon at damdamin ng tao at ang mga pisikal na pagpapakita nito.

Ang paghahanda sa isang tao bago makipagtalik ay makakatulong din na matiyak na ang magkabilang panig, lalo na ang mga babae, ay nakakaramdam na komportable habang nakikipagtalik. Nangyayari ang mahirap at masakit na sex dahil sa ilang mga kadahilanan, kabilang ang kakulangan ng arousal.

Kaya lang, sa kabila ng paggawa ng foreplay, ang isa o pareho ay maaaring magkaroon ng mas kaunting arousal sa oras ng sex. At hindi ito palaging nangangahulugan na kulang ang pagnanais. Mula sa pananaw ng mga kababaihan, tulad ng itinuro ng American Sexual Health Association, ang arousal ay isang bagay ng pagpapalagayang-loob kaysa sa contact.

Gayunpaman, dapat malaman ng magkabilang panig kung handa ang isa na makipagtalik bago ito gawin, kahit na bago ang foreplay. Dito pumapasok ang pahintulot.

Pangunahing Zones sa Foreplay

Ang foreplay, sa teorya, ay madali. Romantikong yakapin ang iyong kapareha, halikan at ilan pang intimate gestures sa loob ng ilang minuto, at pareho ninyong mararamdaman ang sensasyon. Ano ang foreplay?

Gayunpaman, kasama din sa foreplay ang stimulation at pagpapasigla sa iba’t ibang bahagi ng katawan. Narito ang ilang bahagi ng ating mga katawan na kilala na nagpapasigla sa pagkilos:

  • Genitalia. Kabilang dito ang mga bahagi ng ari ng lalaki at babae – ari ng lalaki, prepuce (foreskin), vagina, klitoris, at iba pa.
  • Perianal o perineal region. Napansin ng mga eksperto ang mataas na nerve level sa perianal na bahagi, na kung saan ay ang lugar sa gitna ng genital at anal area.
  • Bibig. Ang mga bahagi ng bibig, kabilang ang mga labi at dila, ay mga kilalang bahagi na ginagamit sa paglalaro, partikular para sa paghalik at oral stimulation.
  • Breasts. Ang isa pang kilalang erogenous zone ay ang mga suso, kabilang ang nipple at areola, dahil sa maraming nerve endings nito na madaling maging reactive sa stimulation. Maaari din itong maging sensitibo sa oras ng arousal dahil sa pagtaas ng daloy ng dugo sa lugar.
  • Anus. Para sa mga nasa anal sex, ang anus ay isa ring kritikal na bahagi ng katawan para sa sexual stimulation.

Bukod sa mga nabanggit na bahagi ng katawan, may iba pang bahagi ng katawan na maaaring ma-stimulate. Katulad ng mga tenga, leeg, balikat, hita, likod, binti ankles, at mga paa.

Key Takeaways

Ano ang foreplay at bakit ito mahalaga? Ang foreplay ay binubuo ng mga kilos na maaaring magdulot ng arousal sa mga taong kasama sa pakikipagtalik. Ito ay maaaring maging kapaki-pakinabang na makaramdam ng kasiyahan, at pagiging komportable habang nakikipagtalik. Ang pagpapasaya sa iyong kapareha sa pamamagitan ng malawak na hanay ng mga aktibidad sa foreplay ay maaaring maging isang kasiya-siyang pakiramdam sa panahon ng pakikipagtalik.

Gayunpaman, ang pakikipagtalik ay nangangailangan din ng pahintulot. Ito ang dahilan kung bakit mahalagang malaman kung gusto ng partner mo ito o hindi. Ito ay upang maiwasan ang mga epekto sa relasyon. 

Ngayong natutunan mo na ang tungkol sa foreplay, maging responsable sa pakikipag-sex.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

What is foreplay? https://www.plannedparenthood.org/learn/teens/ask-experts/i-see-on-movies-and-here-people-talking-about-4play-i-wanted-to-know-what-this-meant, Accessed October 22, 2021

What is foreplay? http://www.iwannaknow.org/faqconc/what-is-foreplay/, Accessed October 22, 2021

Which Way to the G-spot? https://www.aarp.org/home-family/sex-intimacy/info-06-2013/sex-erogenous-zones-foreplay-schwartz.html, Accessed October 22, 2021

HOW TO HAVE VAGINAL SEX, https://www.avert.org/sex-stis/how-to-have-sex/vaginal-sexAccessed October 22, 2021

Orgasms, https://www.plannedparenthood.org/learn/sex-pleasure-and-sexual-dysfunction/sex-and-pleasure/orgasms, Accessed October 22, 2021

Erogenous Zone, https://dictionary.apa.org/erogenous-zones, Accessed October 22, 2021

Why does sex hurt? https://www.nhs.uk/common-health-questions/sexual-health/why-does-sex-hurt/Accessed October 22, 2021

Do You Have to Be Turned on to Have Sex? https://www.ashasexualhealth.org/turned-sex/, Accessed October 22, 2021

THE EROGENOUS ZONES: THEIR NERVE SUPPLY AND SIGNIFICANCE, http://www.cirp.org/library/anatomy/winkelmann/Accessed October 22, 2021

Breast Anatomy, https://my.clevelandclinic.org/health/articles/8330-breast-anatomyAccessed October 22, 2021

Kasalukuyang Version

08/11/2022

Isinulat ni Corazon Marpuri

Narebyung medikal ni Regina Victoria Boyles, MD

In-update ni: Corazon Marpuri


Mga Kaugnay na Post

Ano ang Tinatawag na Multiple Orgasm?

Alamin: Para Saan Ang Lube?


Narebyung medikal ni

Regina Victoria Boyles, MD

Pediatrics


Isinulat ni Corazon Marpuri · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement