backup og meta
Matuklasan
Mga Health Tool
Magtanong sa Doktor
I-save

Ano Ang Erogenous Zone? Heto Ang Lahat Ng Dapat Mong Malaman Dito

Narebyung medikal ni Regina Victoria Boyles, MD · Pediatrics


Isinulat ni Jerra Mae Dacara · a

    Ano Ang Erogenous Zone? Heto Ang Lahat Ng Dapat Mong Malaman Dito

    Ang pag-alam at pag-unawa ng erogenous zone ng isang babae ay magbubukas sa lihim ng mas mainam na intimacy at mas mahusay na skills sa kama. Ano ang erogenous zone? Narito ang lahat ng dapat mong malaman.

    Ilan sa mga rason bakit ang mga babae ay minsan hindi nagpapatuloy sa gawaing sekswal ay wala sa mood, dahil ang kanilang kapareha ay hindi alam kung paano mag-stimulate nang maayos, na humahantong sa hindi magandang sitwasyon sa kama. 

    Gusto mo bang manabik siya na makipagtalik? Ano ang erogenous zone at paano ito makatutulong? Alamin ang tungkol sa kanyang erogenous zone at ang pinaka sensitibong bahagi ng katawan ng babae.

    1.Mukha

    Ang mukha ang isa sa pinaka sensitibong bahagi o hot erogenous zones. Kaya’t ipakita ang iyong pagmamahal sa pamamagitan ng pagtingin nang marahan habang kinakausap. Kailangan mong hawakan ang kanyang mga kamay, hagurin ang kanyang mga kilay, at halikan nang marahan sa noo. Magkakaroon siya ng pakiramdam ng euphoria kung siya ay talagang komportable at relaxed sa iyong mga bisig.

    2. Tenga

    Ayon sa mga eksperto sa sex, ang pakiramdam ng euphoria ay may dalawang uri, mental at pisikal. Ang mga tenga ay ang “pinto” upang dalhin ang minamahal mong babae roon.

    I-take advantage ang erogenous zone na ito sa pamamagitan ng paglalagay ng iyong kamay sa likod ng kanyang tenga, at gamitin ang iyong hinlalaki at hintuturo upang hawakan ang kanyang earlobe. Kung nag-react siya, maaari mong dampian ng tip ng iyong ilong sa kanyang tenga o marahan na kagatin upang mag-stimulate ng sensitibong bahagi. Maaari ka ring bumulong ng matatamis na salita sa kanyang tenga o magbigay ng simpleng papuri sa kung gaano siya kabango.

    3. Leeg

    Sunod, padaanin ang iyong mga labi pababa sa sensitibong bahagi/erogenous zone na leeg. Ito ay isa sa pinaka sensitibong bahagi sa katawan ng babae. Ang balat dito ay mas manipis, kaya’t ang blood vessels ay mas malapit sa surface ng balat, na nagbibigay sa kanya ng kakayahan maramdaman ang bawat paggalaw. Hawakan ang kanyang leeg at makinig sa tunog na ginagawa niya. Malalaman mo kung gaano siya kasabik!

    4. Labi

    Ang passionate na halik ay hindi dapat minamadali, huminto saglit upang mapahaba ang inyong pagtatalik. Paminsan-minsan igalaw mo ang iyong mga dila nang marahan.

    Gustong subukan ang french kissing? Buksan ang iyong mga labi nang marahan at idikit ang iyong mga labi sa kanyang labi, ilabas mo ang iyong dila, ipaikot mo ito sa kanyang dila, at ipasok mo ang ito sa loob. Ito ay seductive na halik na mahihirapan siya na i-resist ang attraction niya sa iyo.

    5. Daliri

    Gusto mo bang malaman sa paanong paraan pinaka nais ng mga babae na hawakan sila? Huwag mong kalimutan na hawakan ang kanyang mga daliri habang hinahalikan siya.

    Gumalaw mula sa tuktok ng kamay pababa sa mga daliri, marahan na ipaikot ang mga ito sa kanyang mga daliri. Ang closeness na ito ay magmumukhang hindi niya papansinin. Ngunit sa katunayan, ito ay may epekto ng paggising ng ibang parte ng katawan.

    6. Braso

    Ang loob ng wrist ay sobrang sensitibo sa temperatura. Ito rin ay isa sa pinaka sensitibong erogenous zone sa katawan ng babae na hindi alam ng karamihan.

    Subukan na dilaan ang kanyang wrist o hipan nang marahan para sa cooling sensation na magpapanginig sa kanya. Maaari mo siyang halikan mula sa braso hanggang balikat, papuntang mga leeg, at pababa sa bahagi ng kanyang dibdib.

    7. Dibdib

    Gusto ng mga babae na mahalikan sa bahagi ng dibdib, isang major part ng erogenous zone. Bago halikan ang kanyang mga nipple, magsimula sa bahagi sa itaas ng kanyang dibdib. Laruin ang kanyang nipples tulad ng penis, kung saan nasasarapan ang lalaki.

    8. Hita

    Habang nilalaro ang kanyang nipple gamit ang mga halik, ibaba ang mga kamay papuntang bewang, bottom, at hita. Ang mga hita ay isa sa sensitibong bahagi ng katawan ng babae. Ngunit huwag magmadali, paliyabin ang apoy gamit ang pagmamahal sa pamamagitan ng pagpapatagal ng romantic foreplay.

    9. Clitoris

    Ang clitoris ang huli sa pinaka sensitibong bahagi/erogenous zone ng babae. Subukan ang iba’t ibang pamamaraan, mag-explore kung anong magpapasarap sa kanya, at laging makipag-communicate. Maging bukas at maalalahanin sa paraan kung paano niya gustong mahawakan. Pahintulot ang susi!

    Key Takeaways

    Kadalasan ang babae ay madalas na nahihiya na sabihin kung paano sila dapat mahalin. Kaya’t ang mga kapareha ay kailangan na maging bukas, maunawain, at magbigay ng dagdag na hakbang upang unawain partikular ang erogenous zone ng babae.
    Karagdagan sa pagbibigay ng tuon sa kaligayahan ng babae, huwag kalimutan ang pahintulot at magbigay ng atensyon sa kanyang pangangailangang emosyonal.

    Matuto pa tungkol sa Sex Tips dito.

    Disclaimer

    Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

    Narebyung medikal ni

    Regina Victoria Boyles, MD

    Pediatrics


    Isinulat ni Jerra Mae Dacara · a

    advertisement iconadvertisement

    Nakatulong ba ang artikulong ito?

    advertisement iconadvertisement
    advertisement iconadvertisement