backup og meta

STD sa Pilipinas: 4 Facts na Dapat Mong Malaman

STD sa Pilipinas: 4 Facts na Dapat Mong Malaman

Malayo na ang narating natin. Mula sa pagtrato sa sexually transmitted diseases o STD sa Pilipinas bilang taboo na topics, nagbabago na  ang mga ugali at mga gawi sa healthcare.

Natutunan na natin na ang open discussion at sexual education ay maaaring humantong sa prevention. Nagsimula nang magkaroon ng effort ang mga Pilipino na ipalaganap ang awareness sa pamamagitan ng mga seminars at counselling.

Kaya lang, mahaba pa ang diskusyon pagdating sa kaalaman sa STD. Lalo na sa paggamot, at  healthcare inclusions. Narito ang apat na Fast Facts tungkol sa STD sa Pilipinas upang bigyan ka ng mas magandang ideya kung nasaan tayo ngayon.

4 Facts Tungkol sa STD sa Pilipinas

Fast Fact #1: Ang mga rate ng HIV ay patuloy na tumataas

Ang HIV, isang STD na walang lunas na humahantong sa AIDS, ay tumataas sa Pilipinas. Isa ito sa pinaka karaniwang sexually transmitted diseases (STD) sa Pilipinas. 44,000 kaso ang naiulat mula 1984 hanggang 2017, at ito ay kumakalat pa rin sa isang nakababahalang rate. 

Noong 2008, ang average na bilang ng mga bagong diagnosed na kaso ng HIV bawat araw ay isang pasyente lamang. Pagkalipas ng walong taon, noong Hunyo 2016, ang average na bilang ng mga bagong diagnosed na kaso ng HIV bawat araw ay tumaas sa 26 na mga pasyente.

STD sa Pilipinas

Fast Fact #2: Ang 4 na Laganap na STD sa Pilipinas ay Nalulunasan

Sabi ng WHO, apat na sexually transmitted infections ang nagkaroon ng steady growth rate. Ang mga ito ay chlamydia, gonorrhea, trichomoniasis, at syphilis. Maaaring nakakatakot na masuri sa alinman sa mga STD sa Pilipinas na ito, ngunit malulunasan ang mga ito. Posible ito sa sapat na oras, tamang gamot, malusog na diyeta, at pag-iwas. Ngunit kung hindi gagamutin, ang mga STD sa Pilipinas na ito ay maaaring humantong sa maraming problema sa kalusugan. Kabilang sa mga naturang problema ang mga neurological at cardiovascular disease, ectopic pregnancy, infertility, stillbirth, o mas malaking panganib ng HIV.

Fast Fact #3: Ang mga STD ay Mas Mahirap Subaybayan sa Babae kaysa sa Mga Lalaki

Bagama’t ang mga STD ay nakakaapekto sa mga tao sa lahat ng edad at parehong kasarian, mas mahirap silang masuri sa mga kababaihan dahil hindi sila nagpapakita ng mga sintomas tulad ng sa mga lalaki.

Ang mga lalaki ay maaaring magkaroon ng kumpirmasyon ng kanilang health status sa isang test lamang. Ngunit ang mga babae ay kailangang sumailalim sa series of tests upang matukoy kung sila ay may STD dahil ang mga ari ng babae ay internal.

Fast Fact #4: Ang Test ay Libre (Kahit Ikaw ay Menor de edad)

Habang bumababa ang stigma ng mga STD sa Pilipinas at nagiging mas compassionate at open tayo, nagsimulang mag-alok ng libreng HIV testing ang mga organisasyon, klinika, at ospital.

Magandang balita ito dahil ang early detection ay humahantong sa mas magandang pagkakataong gumaling mula sa  STD. Bilang resulta ng isang bagong batas na nagpapahintulot ng testing para sa mga menor de edad na hindi kailangan ng pahintulot ng magulang, libre ang mga HIV testing kit.

Maaari kang bumisita sa alinmang Love Yourself Center (Quezon City, Mandaluyong City, Pasay City, Manila City, at Paranaque City) para sa libreng HIV Testing. Maaari ka ring makinabang mula sa kanilang mga STD seminar at programa.

Nag-aalok din ang Philippine General Hospital at San Lazaro Hospital ng libreng HIV testing.

Sa pamamagitan ng wastong sex education at pag-access sa healthcare para sa lahat, may pag-asa na mabawasan ang mga STD sa Pilipinas sa susunod na dekada.

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o treatment.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Stat of the month, https://www.doh.gov.ph/stat_of_the_month, accessed July 23, 2020

Here’s a List of Clinics in the Philippines that Offer Free Testing, https://www.wheninmanila.com/list-of-clinics-in-philippines-that-offer-free-hiv-testing/, accessed July 23, 2020

Kasalukuyang Version

03/07/2022

Isinulat ni Corazon Marpuri

Narebyung medikal ni Jobelle Ann Dela Cruz Bigalbal, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Sintomas ng Genital Herpes: Mga Dapat mong Tandaan

Sintomas Ng Hepatitis B, Anu-Ano Nga Ba?


Narebyung medikal ni

Jobelle Ann Dela Cruz Bigalbal, MD

General Practitioner


Isinulat ni Corazon Marpuri · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement