backup og meta

Sex Araw-Araw: Mayroong Bang Disadvantages? Alamin Dito!

Sex Araw-Araw: Mayroong Bang Disadvantages? Alamin Dito!

Sex is a form of love – kaya hindi nakapagtataka kung may sex araw-araw sa pagitan ng mag-asawa, dahil isa itong paraan ng pagpapakita ng pagmamahal at interes sa kanilang kapareha. Kaya naman hindi natin maitatanggi na ang sex ay isang form ng intimacy para sa mag-asawa.

Dagdag pa rito, kilala rin ang sex bilang masaya at exciting na exercise. At pwede nating gawin dahil nakabubuti ito sa ating kalusugan, ayon sa mga sexiologist at eksperto.  Subalit sa kabila ng mga benepisyong ito, madalas nagiging tanong pa rin ng mga tao kung ang sex araw-araw ay maaari bang maging recommendable?

Alamin sa artikulong ito ang kasagutan.

Sex Araw-Araw: Mabuti o Masama Sa Kalusugan?

Ayon sa mga eksperto sa sex ang pakikipagtalik araw-araw ay hindi naman panget para sa’yo, pero dapat mo ring tandaan at malaman na ang madalas na pakikipag-sex ay pwedeng mag-lead sa ilang bodily problems.

Sex Araw-Araw: Ano Ang Maaaring Maging Problema Sa Katawan?

Bagama’t na-plessurable ang sex sa buhay ng mga tao, may mga ilang bodily problems na maaaring kaharapin ang isang tao dahil sa araw-araw na pakikipag-sex. Kaya naman mahalaga na malaman natin ito. Para hindi mapasobra ang ating pakikipagtalik dahil ang anumang sobra ay pwedeng makasama sa’yo.

why can't i climax

Narito ang mga sumusunod:

Risk sa pagkakaroon ng Urinary Tract Infections (UTI)

Ang pagtaas ng risk sa pagkakaroon ng impeksyon sa pantog at vaginal ay isa sa mga hindi magandang epekto ng sex araw-araw. Sapagkat maaaring baguhin ng bodily fluids ang natural na antas ng pH ng iyong ari na nagiging dahilan para mas madali kang kapitan ng impeksyon.

Sex Araw-Araw: Adiksyon

Ang pagkakaroon ng daily sex ay maaaring maging sanhi ng adiksyon, dahil nagiging pre-occupied ka sa sex o nagkakaroon ka ng “abnormal na powerful sex drive“, at tandaan mo na ang sexual addiction ay maaaring makasira sa relasyon.

Sex Araw-Araw: Mga Pasa O Rug Burns

Ang vaginal dryness ang isa sa mga epekto ng sex araw-araw na maaaring magresulta ng vaginal tears lalo na kung mayroon kang underlying disorders, tulad ng vaginal dryness (sanhi ng low-dose birth control tablets). 

Tandaan: Ang maraming pakikipag-sex sa loob ng maikling panahon ay maaaring mag-lead sa less natural moisture ng iyong katawan.

Pagkawala Ng Interes Sa Gitna Ng Pakikipag-Sex

Sabi nga nila “sex makes you adventurous”. Gagawin ka rin nitong energetic. Pero ang sobrang sex ay maaaring mag-lead sa pagkawala ng interes “in the middle of the act”. Ito ay dahil maaaring ang iyong katawan ay napagod sa araw-araw na sexual activity at nangangailangan ka nang ibang form ng relaxation, bukod sa sex.

Lower Back Pain

Ang pagkakaroon ng lower back pain ay sign na sobra ka na sa pakikipag-sex. Ang pagkakaroon ng madalas ang rapid movements ay nagiging dahilan para ma-stress ang iyong lower back. Kung saan kapag ang abrupt movements mo ay naging sobra maaaring magresulta ito sa chronic lower back pain.

Labis Na Pagkapagod

Lumalabas sa mga pag-aaral na ang katawan ay nagre-release ng adrenaline, cortisol, at norepinephrine sa sirkulasyon kapag sobra ang iyong pakikipag-sex. Nagiging dahilan ito ng pagtaas sa heart rate, glucose, metabolism at blood pressure mo.

Huwag mo ring kakalimutan na ang araw-araw na sex ay isang body exercise na siguradong mapapagod ka. At kapag sobra ka sa sex ang pagkapagod mo ay maaring magtagal sa maghapon.

Pagkakamot Sa Vulva Skin

Maaaring mangyari ang vaginal excoriation (pagkakamot ng vulva skin) sa panahon ng penetration. At sa mga babaeng nakikipag-sex nang sobra, ang kondisyong ito ay maaaring mabuo sa araw-araw na sex. Kung saan ito ang nagiging dahilan para magdulot ito ng pinsala sa vaginal walls ng babae. Maaaring mag-lead ito sa mainit na sensation sa pag-ihi. At maging sa pagiging hirap sa paglalakad dahil inflamed at namamaga ang ari ng isang babae.

Key Takeaways

Ang sex ay mahalaga sa pagsasama at maraming benepisyo ito sa kalusugan ng bawat magkapareha. Hindi maitatanggi na malaki ang nagiging ambag nito sa pagpapatibay ng relasyon ng mag-asawa. Pero dapat mo pa rin tandaan na ang anumang sobra ay maaaring makasama sa’yo. Kaya dapat ang sex ay pinag-uusapan ng mag-asawa upang maiwasan ang pagkasira ng relasyon at mapangalagaan ang kalusugan ng bawat isa.

Matuto pa tungkol sa Sekswal na Kaayusan dito.

[embed-health-tool-bmi]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Is it Normal to Have Sex Every Day? https://www.medicinenet.com/is_it_normal_to_have_sex_every_day/article.htm, Accessed March 3, 2022

Short-term Positive and Negative Consequences of Sex Based on Daily Reports among College Students, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC3394901/, Accessed March 3, 2022

Is Sex Good for Your Health? National Study on Partnered Sexuality and Cardiovascular Risk Among Older Men and Women, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC5052677/, Accessed March 3, 2022

Impact of frequency of Intercourse on erectile dysfunction: a cross-sectional study in Wuhan, China, https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/22684564/, Accessed March 3, 2022

Is it normal to have sex every day? https://www.plannedparenthood.org/learn/teens/ask-experts/is-it-normal-to-have-sex-every-day, Accessed March 3, 2022

Kasalukuyang Version

05/25/2023

Isinulat ni Lornalyn Austria

Narebyung medikal ni Jezreel Esguerra, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Alamin: Iba't-ibang Uri Ng Contraception

Sex vs. Gender: Ano Ang Pagkakaiba Ng Dalawang Ito?


Narebyung medikal ni

Jezreel Esguerra, MD

General Practitioner


Isinulat ni Lornalyn Austria · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement