backup og meta

Safe Ba Ang Oral Sex Sa Kalusugan? Alamin Dito

Safe Ba Ang Oral Sex Sa Kalusugan? Alamin Dito

Ang sekswal na pagpapahayag ay magkakaiba at ang kagandahan, ito ay masayang galugarin! Ang tanong ay safe ba ang oral sex ba sa kalusugan —o hindi? Bukod sa isa itong uri ng pakikipagtalik na nagpoprotekta sa unwanted pregnancy, tingnan ang 7 benepisyo ng oral sex (sa mga lalaki).

7 Benepisyo Ng Oral Sex

1. Pinipigilan ng oral sex ang pagtanda

Kung gusto mong panatilihing walang kulubot ang iyong mukha nang hindi gumagamit ng mga pampaganda, ang oral sex ang sagot. Ang semilya ay naglalaman ng spermidine na may kakayahang pabagalin ang proseso ng pagtanda. Ang exposure sa semen sa oral sex ay makakatulong sa iyo na labanan ang pagtanda nang natural. Ngunit hinihikayat namin ang pagkonsulta sa isang dermatologist bago isama ito bilang bahagi ng iyong skincare routine.

2. Pinipigilan ng oral sex ang kanser sa suso 

Ang kanser sa suso ay karaniwan sa mga kababaihan sa kanilang 40s. Gayunpaman, ipinakita ng isang pag-aaral na ang pagsasagawa ng oral sex dalawang beses sa isang linggo ay maaaring makabuluhang bawasan ang potensyal na panganib ng kanser sa suso

3. Ang oral sex ay nakakatanggal ng stress 

Safe ba ang oral sex sa kalusugan o hindi? May mga resulta ng pananaliksik na nagsasabi na ang mga kababaihan na regular na nakalantad sa semilya ay hindi gaanong stress. Ang semen ay naglalaman ng mga natural na antidepressant tulad ng cortisol, estrogen, at oxytocin. Kaya, ang oral sex ay isang paraan para matulungan kang mamuhay ng mas masaya. Bilang karagdagan, ang pagkamit ng orgasm ay may sariling mga pakinabang.

4. Kinokontrol ng oral sex ang presyon ng dugo 

Tinutulungan ng semilya ang kababaihan na kontrolin ang presyon ng dugo at maging ang maiwasan ang pre-eclampsia. Kung kailangan mong mag-relax at panatilihing kontrolado ang iyong presyon ng dugo, subukan ang oral sex.

5. Nagpapabuti sa memorya ang oral sex 

Ang mga kabataan ngayon ay kadalasang may mga gawi na nakakaapekto sa memorya tulad pagpupuyat, paggamit ng mga mobile phone, atbp. Ang isang madaling paraan upang makatulong na mapanatiling malusog ang kanilang utak ay subukan ang oral sex dahil ang semilya ay naglalaman ng maraming nutrients na mabuti para sa utak.

6. Nakakatulong ang oral sex para makatulog ng maayos 

Kung nahihirapan kang matulog ngunit ayaw mong uminom ng sleeping pills, subukan ang oral sex. Ang semilya ay naglalaman ng melatonin upang matulungan kang matulog.

7. Ang oral sex ay nakakatulong na mapawi ang kirot

Ang oxytocin, endorphins, at isang digital nutrient sa semen ay may analgesic properties. Hindi mo na kailangan ng gamot para sa pananakit ng likod o tiyan.

Ano Ang Mga maaaring Kahihinatnan Ng Oral sex? 

Bukod sa mga benepisyo, ang oral sex sa mga lalaki ay nagdadala rin ng maraming panganib sa kalusugan. Maaari mong isipin na ang oral sex ay nakakapinsala sa kalusugan. Kaya safe ba ang oral sex? 

1. Ang oral sex ay maaaring magdulot ng kanser sa lalamunan

Sinabi ni Otis Brawley mula sa American Cancer Society na maaari kang magkaroon ng kanser sa lalamunan kung ikaw ay nakikipag oral sex. Gayunpaman, ang panganib ng kanser sa lalamunan ay tumataas lamang kapag nakikipag oral sex nang hindi nag-iingat.

Kapag hindi ligtas ang oral sex, may panganib kang magkaroon ng HPV virus, isang virus na nagdudulot ng kanser sa lalamunan at tonsil. Ang HPV ay maaaring makahawa sa parehong lalaki at babae sa panahon ng oral sex. Ang mga heterosexual na lalaki sa kanilang 40s ay pinaka-apektado. 

2. Ang oral sex ay maaaring makaapekto sa relasyon

Sa maraming kaso, ito ay nagpapataas ng ugnayan sa pagitan ng couples. Ngunit sa ibang mga kaso, ang oral sex ay maaaring maging stress. Ang anxiety na ito ay maaaring dahil sa pagkamahiyain, takot, o reaksyon ng iyong kapareha. 

Ang posisyon ng isang tao kapag nakikipag oral sex ay nagha-highlight din ng dominant at submissive dynamic na maaaring hindi komportable sa ilan. Isa itong isyu na maaaring makaapekto nang malaki sa relasyon kung hindi muna mag-uusap ang dalawang panig. Pinakamabuting makipag-usap at magkasundo sa boundaries.

3. Ang oral sex ay nagdaragdag ng panganib ng STD transmission

Ano ang panganib ng oral sex? Malalagay ka sa panganib na magkaroon ng mga sexually transmitted disease (STD) tulad ng HIV, herpes, syphilis, gonorrhea, HPV, o hepatitis … kung hindi ka gagamit ng proteksyon. 

Safe ba ang oral sex sa kalusugan o hindi? Ito ay masaya at kapana-panabik, ngunit mayroon ding maraming potensyal na panganib. Kapag ginawa nang naaayon at ligtas, maaari itong maging isang kamangha-manghang karanasan para sa mag-partner.

Matuto pa tungkol sa Sekswal na Kalusugan dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Oral Sex, http://shcc.ufl.edu/services/primary-care/sexual-health/oral-sex/, Accessed December 5, 2021

Oral Sex and STIs, https://www.ashasexualhealth.org/oral-sex-stis/, Accessed December 5, 2021

What is oral sex?, https://www.nhs.uk/common-health-questions/sexual-health/what-is-oral-sex/, Accessed December 5, 2021

Oral Sex, https://www.avert.org/sex-stis/how-to-have-sex/oral-sex, Accessed December 5, 2021

All About Sex, http://plannedparenthood.org/learn/teens/sex/all-about-sex, Accessed December 5, 2021

Kasalukuyang Version

05/27/2023

Isinulat ni Corazon Marpuri

Narebyung medikal ni Mae Charisse Antalan, MD

In-update ni: Mae Antalan, MD


Mga Kaugnay na Post

Alamin: Iba't-ibang Uri Ng Contraception

Sex vs. Gender: Ano Ang Pagkakaiba Ng Dalawang Ito?


Narebyung medikal ni

Mae Charisse Antalan, MD

General Practitioner


Isinulat ni Corazon Marpuri · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement