Physical examination
Batay sa mga sintomas na ipinaliwanag mo, susuriin ka nang husto ng doktor. Kung sakaling mas tumagal ang ilang signs at lumala pa sa paglipas ng panahon, pag-aaralan pa ng doktor ang mga sintomas nang mas masusi.
Maaaring tanungin ka ng doktor mo sa dalas ng mga sintomas na ito. At kung umulit ba o mahaba ang panahon ng pagtitiis mo mula sa mga ito, atbp.
Pagsisiyasat ng personal at family medical history
Malamang na tanungin ka ng doktor mo tungkol sa iyong personal at family medical history. Makakatulong ito sa kanya na suriin kung ang mga kasalukuyang sintomas ay maaaring may pinagbabatayang iba pang mga personal o genetic disorders. Siguraduhing dala mo ang iyong mga medikal na dokumento ng mga reseta ng mga doktor. At mga medical test para masuri nang mabuti ang mga ito.
Gamot at Medication History
Asahan na magtatanong ang doktor tungkol sa mga gamot na maaaring iniinom sa kasalukuyan o sa nakalipas. Maaring maa-access ng doktor ang history ng mga iniresetang gamot mula sa prescriptions mo. Pero kailangan mong ipaalam sa kanya ang tungkol sa iba pang mga gamot na maaaring iniinom mo ngayon o ininom kamakailan. Kasama sa mga gamot na ito ang non-prescription o OTC (over-the-counter) na mga gamot, herbal, bitamina, at supplement.
May ilang mga gamot na maaaring magkaroon ng masamang epekto. At humantong sa pagbuo ng mga sintomas na nararanasan mo ngayon. Ibig sabihin, mahalaga para sa doktor na siyasatin ang mga gamot mo. Ito ay upang pag-aralan kung ang mga ito ay maaaring mag-interact sa mga kasalukuyang sintomas mo. Batay sa kanyang medikal na pagsusuri, magmumungkahi siya ng ilang diagnostic test.
Mga Test
CT scan
Ang computer tomography o CAT scan ay isang imaging test na gumagawa ng mas maraming larawan ng internal organs kaysa sa isang ordinaryong X-ray. Madalas na mas mabisa ito sa pagtuklas ng kanser.
MRI scan
Ang magnetic resonance imaging ay isa ring non-invasive procedure tulad ng CT scan. Ginagawa nito ang paggamit ng mga radio wave at malalakas na magnet para lumikha ng two-dimensional images ng mga organ. Ang mga imaging test na ito ay mahalaga para sa paghahanap ng eksaktong lokasyon ng tumor (kung mayroon man) at makita ang lawak ng metastasis. May kakayahan din itong tukuyin ang stage ng kanser at kung ang tumor ay maaaring alisin sa pamamagitan ng operasyon.
Kung may abnormalidad na nakita sa imaging test, maaaring magrekomenda ang doktor ng biopsy ng lalamunan. Ito ay isang minimally invasive na procedure na kinabibilangan ng pagkuha ng isang maliit na bahagi ng tissue mula sa apektadong lugar. Ito ay para sa karagdagang pagsusuri. Kadalasang epektibo ito sa pagkumpirma ng pagkalat ng kanser.
Treatment
Ang paggamot ay tinutukoy ng iba’t ibang mga kadahilanan tulad ng edad ng pasyente, personal medical history, lawak ng kanser, atbp.
Ang mga opsyon sa paggamot ay:
Radiation therapy: Ito ay epektibo sa pagsira sa mga cancer cell at pagpapakalma ng sakit kapag ang kanser ay nasa early stage.
Surgery: Isa pa itong linya ng paggamot na maaaring imungkahi ng doktor sa early stage ng medical condition. Ang surgical intervention ay maaaring partial o kumpletong pagtanggal ng organ o tissue kung saan nagmula ang kanser. Pinipigilan nito ang kanser sa pag-metastasis sa ibang mga organ.
Ang operasyon, kung ipinapayo sa mga huling stage, ay kinabibilangan ng kumpletong pag-alis ng larynx o pharynx. Nasa ibaba ang mga uri ng operasyon para sa kanser sa lalamunan, na naiiba sa batayan ng pinagmulan ng mga abnormal na cell:
Mga komento
Ibahagi ang iyong mga iniisip
Maging una sa pagpapaalam sa Hello Doctor ng iyong iniisip!
Sumali sa amin o Mag-log in para makasali sa pag-uusap