backup og meta

Ilang Calories Ang Nababawas Ng Halik? Alamin Dito Ang Kasagutan

Ilang Calories Ang Nababawas Ng Halik? Alamin Dito Ang Kasagutan

Ang paghalik ay karaniwang ginagawa upang magpakita ng pagmamahal sa iyong partner. Depende sa uri ng halik, iba’t-ibang emosyon ang posible mong maramdaman. Ngunit alam mo ba na posible rin itong makatulong sa iyong kalusugan? Nakakatulong pa nga itong makabawas ng calories! Alamin dito ang iba’t-ibang uri ng paghalik at kung ilang calories ang nababawas ng halik.

Ilang Calories Ang Nababawas Ng Halik?

Upang malaman kung ilang calories ang nababawas ng halik ay mahalagang alamin ang iba’t-ibang mga factors. Halimbawa, anong halik ang nangyari? Nakatayo ba, nakaupo, o nakahiga? ginamit mo ba ang iyong mga kamay?

Upang mas maunawaan ang paghalik at ang mga benepisyo nito, heto ang ilang kaalaman:

Casual Kissing

Isang halimbawa ng casual kissing ay ang pagbigay ng “peck” o halik sa labi o pisngi ng iyong partner. Isang halimbawa nito ay ang paghalik bago pumunta sa trabaho ang iyong partner.

Ilang calories ang nababawas ng halik na ganito? Ayon sa mga eksperto, dadalawang muscles lang ang gumagana sa casual kissing. Kaya naman nakakabawas lamang ito ng dalawa hanggang tatlong calories kada minuto.

Passionate Kissing

Ang passionate kissing naman ay mas gumagamit ng mga facial muscles (tinatayang 24 hanggang 34). Bukod dito, posible ring gumamit ng hanggang 112 na postural muscles sa ganitong klaseng halik.

Ilang calories ang nababawas ng halik na ganito? Pagdating naman sa dami ng calories, tinatayang ito ay nasa 5 hanggang 26 calories kada minuto.

Pero dapat mong tandaan na kung ano ang ginagawa mo habang nakikipaghalikan ay nakakadagdag rin sa calories na nababawas. Sa isang passionate kiss, posibleng maging “mainit” ang mga bagay bagay. Kaya’t posibleng mas ginagamit mo ang iyong mga kamay at mas ikaw ay gumagalaw.

Ibig sabihin, nakadepende ang dami ng calories na nababawas ng halik sa kung anu-ano pa ang iba mong ginagawahabang nakikipaghalikan.

Making Out

Paano naman kung nakikipag-make out ka sa iyong partner? Ayon sa mga eksperto ay kahalintulad rin nito ang dami ng calories na nababawas sa passionate kissing.

Pero madalasy ay humahantong sa pagtatalik ang pakikipag-make out, kaya’t mas nakakabawas ito ng calories. Anu-ano ba ang posisyon ninyo habang nakikipagtalik? Nakahiga lang ba kayo o may iba pang ginagawa? Heto ang mga bagay na makakaapekto sa dami ng calories na mababawas ng making out.

Iba Pang Benepisyo Ng Paghalik

Siguro ay naisip mo rin na hindi puwedeng ipalit ang paghalik sa isang 30-minute na workout. Pero hindi lang naman pagbabawas ng calories ang benepisyo ng paghalik.

Heto pa ang ilang science-backed na benefits ng paghalik:

Nakakatulong Para Malaman Kung Compatible Kayo Ng Iyong Partner

Isa sa benepisyo ng paghalik ay mas malalaman mo kung compatible ba kayo ng iyong partner.

Ayon sa isang pag-aaral, ang paghalik raw ay nakapagbibigay ng mahalagang impormasyon tungkol sa iyong partner. Ito ay dahil kapag hinalikan mo siya, ay mas mapapalapit ka sa kanya at malalaman mo kung swak ba kayo sa isa’t-isa.

1 kiss burns how many calories

Nakakapagpabuti Ito Ng Pakiramdam

Alam mo ba na ang paghalik ay nakapagbibigay ng “natural high”?

Kapag ikaw ay humalik, gumagawa ng “chemical cocktail” ang iyong katawan gamit ang hormones na oxytocin, serotonin, and dopamine. Ang mga hormones na ito ay nakakapagpabuti ng pakiramdam dahil ina-activate nila ang pleasure centers ng utak.

Ayon sa mga eksperto, ito rin daw ang dahilan kung bakit hinding-hindi mo makakalimutan ang mga masasarap na halik.

Nakakabawas Ito Ng Stress

Bukod sa nakakapagpabuti rin ng pakiramdam ang paghalik, alam mo ba na nakakabawas rin ito ng stress? Kung ikaw ay stressed dahil sa trabaho, isang halik lang ay mapapabuti na agad ang iyong pakiramdam.

Sa isang pag-aaral, hinati ng mga researcher ang 52 adults na may karelasyon, sa dalawang grupo, experimental at control. Ang experimental group ay sinabihan na dalasan ang paghalik sa partner nila, at ang control group naman ay nanatiling sa dali nilang gawain.

Matapos ang 6 na linggo, nalaman ng mga researchers na mas kaunti ang stress ng mga kabilang sa grupo na sinabihan nilang dalasan ang paghalik sa partner.

Nagpapatibay Ng Inyong Samahan

Hindi na kaila na ang paghalik ay nakakatulong upang tumibay ang inyong samahan. Ito ay dahil ang paghalik ay isang paraan upang magpakita ng iyong pagmamahal at affection sa iyong partner.

1 kiss burns how many calories

Nakakabawas Sa Sintomas Ng Allergy

Isa sa pinakanakakagulat na benepisyo ng paghalik ay nakakabawas raw ito sa sintomas ng allergy.

Sa isang pag-aaral, sinabihan ng mga researchers ang kanilang 24 patients nay mayroong mild allergic rhinitis at 24 patients na mayroong mild atopic eczema na halikan ang kanilang mga partner ng 30 minutes habang nakikinig sa music.

Bago magsimula at pagkatapos ng experiment ay sinukat nila ang allergen-specific immunoglobulin at cytokine ng mga patients. Nalaman nila na ang paghalik ay nakakabawas ng allergen-specific IgE, na isa sa mga dahilan kung bakit nagkakaroon ng mga allergy symptoms.

Key Takeaways


Ilang calories ang nababawas ng halik? Ayon sa mga eksperto, ang simpleng halik ay nakakabawas ng 2-3 calories kada minuto. Kung mas passionate naman, posibleng umabot ng 5 hanggang 26 calories kada minuto ang nababawas.

Pero hindi lang naman ito ang benepisyo ng paghalik. Nakakatulong itong magpatibay ng relasyon, nakakabawas ng stress, at nakakapagpabuti rin ng pakiramdam.

Alamin ang tungkol sa Sexual Wellness dito

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

8 health benefits of kissing, https://edition.cnn.com/2014/01/14/health/upwave-kissing/index.html, Accessed September 16, 2020

Philematology: The Science of Kissing. A Message for the Marital Month of June, https://www.amjmed.com/article/S0002-9343(13)00186-1/fulltext, Accessed September 16, 2020

What’s in a Kiss? The Effect of Romantic Kissing on Mate Desirability, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC4487818/, Accessed September 16, 2020

Romantic love: an fMRI study of a neural mechanism for mate choice, https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/16255001/, Accessed September 16, 2020

What’s in a kiss? The science of smooching, https://www.britishcouncil.org/voices-magazine/kiss-science-smooching, Accessed September 16, 2020

Kissing in Marital and Cohabiting Relationships: Effects on Blood Lipids, Stress, and Relationship Satisfaction, https://www.tandfonline.com/doi/abs/10.1080/10570310902856071, Accessed September 16, 2020

Kissing selectively decreases allergen-specific IgE production in atopic patients, https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/16650596/, Accessed September 16, 2020

Kasalukuyang Version

03/25/2024

Isinulat ni Lorraine Bunag, R.N.

Narebyung medikal ni Jobelle Ann Dela Cruz Bigalbal, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Bakit Mahalaga Ang Sex Sa Babae? Alamin Dito Ang Dahilan

UTI Pagkatapos Magsex, Paano Nga Ba Ito Nangyayari?


Narebyung medikal ni

Jobelle Ann Dela Cruz Bigalbal, MD

General Practitioner


Isinulat ni Lorraine Bunag, R.N. · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement