backup og meta

Malunggay Recipe for Breastfeeding Moms na Maaaring Magpadami ng Milk Supply

Malunggay Recipe for Breastfeeding Moms na Maaaring Magpadami ng Milk Supply

Kung mababa ang iyong breast milk supply, may mga natural na pamamaraan upang ma-boost ang production nito tulad ng pag-adjust sa iyong diet at pagdagdag ng mas masustansyang herbs at gulay. Sa Pilipinas, ang malunggay ay tinuturing na superfood na makakatulong pataasin ang milk supply, at maraming iba’t ibang klase ng malunggay recipe for breastfeeding moms ang maaari mong subukan.

Inirerekumenda ng mga doctor na ang mga nanay ay mag-breastfeed lamang sa unang 6 na buwan ng buhay ni baby para masigurong maibigay ang kabuuang benepisyo nito. Ang breast milk ay nagbibigay ng tamang nutrisyong na kinakailangan para sa growth at development ni baby. 

Habang bini-breastfeed mo ang iyong baby, nagbabago ang kemikal komposisyon dahil sa pag-responde nito sa mga kinakailangan ng iyong baby, ang iyong feeding schedule, ang estado ng iyong kalusugan, at ang iyong diet. 

Maliban sa pagbibigay ng sapat na nutrisyon sa mga lumalaking babies, ang breastfeeding ay nirerekumenda dahil ito ay isa sa mga epektibong paraaan upang makapag-bond o mapalapit ang isang ina sa kaniyang baby. 

Basahin ang article na ito upang malaman ang mga malunggay recipe for breastfeeding moms. 

Mga Hamon o Challenges ng Pagpapasuso

breastfeeding benefits for preterm babies

Kahit na ang mga mommies ay hinihikayat na mag-breastfeed, hindi lahat ay kaya itong gawin dahil sa iba’t ibang rason. Ang iba sa mga pangkaraniwang hamon na hinaharap nila ay:

  • Mababang milk supply
  • Pamamaga o engorgement ng suso, na labis na masakit
  • Plugged ducts o baradong milk ducts. Ang namamaga na bukol sa suso na dulot ng milk duct na hindi maayos na-drain
  • Masakit na nipples
  • Cluster feeding o growth spurt ni baby. Ito ay ang pagpapasuso ay napapadalas. Maaari itong magdulot ng pananakit. 
  • Nursing strike. Nangyayari ito kapag ang baby ay biglaan na lamang umaayaw sa pagbbreastfeed matapos ang ilang buwan na tuloy-tuloy itong dumedede.
  • Pagod o pagkahapo
  • Kapag hindi nasasamahan ang baby sa buong araw (working moms)
  • Postpartum depression
  • Panghuhusga ng ibang tao

Paano mapapalakas ang produksiyon ng gatas ng ina

Taasan ang calorie intake

Pagdating sa mababang milk supply, maaaring maging frustrating ito sa isang ina. Para makatulong na padamihin ito, isang rekumendasyon ay ang pag-increase ng calorie intake ng 450 hanggang 500 kilocalories (kcal) kada araw. 

Siguraduhing kumain ng sapat na healthy fats, carbs, at protina para sa good quality na gatas ng ina 

Maliban sa pagdagdag sa calorie consumption, narito ang listahan ng nirerekumendang pagkain na maaaring kaining ng breastfeeding moms para ma-improve ang pag-produce ng breast milk:

  • Pagkain na hitik sa calcium tulad ng gatas, salmon, broccoli, almonds o tokwa
  • Prutas at gulay na sari-sari
  • Mga mataas sa fiber tulad ng whole grains at oats
  • Mga may unsaturated fats tulad ng avocado, peanut butter, cashew, at iba pang mani

Ang Malunggay ay isang Superfood Para Sa Lactation

Isang superfood na parating inirerekumenda ay ang moringa o malunggay para ma-boost ang milk production. May taglay itong mga importanteng bitamina at mineral pati na rin ang mga essential amino acids at glycosides na nakabubuti sa ating kalusugan.

Sa Pilipinas, kadalasang ginagamit ang malunggay na natural na medisina at madalas itong ginagawang sangkap sa mga iba’t ibang gulay dahil ang halaman nito’y namumukadkad sa maraming lugar. Magaan rin ito sa bulsa. Popular na sangkap ang malunggay sa mga sabaw, merienda, at panghimagas. Maraming malunggay recipe for breastfeeding moms na naibahagi at naipamana na sa bawat henerasiyon.

Sabi nila ang malunggay ay may kakayanang doblehin ang breast milk supply ng isang ina. Dahil ang moringa leaves ay natural na galactogogue (na nagpalakas ng daloy ng gatas ng ina), ang pag-inom o kain nito habang nagbi-breastfeeding ay nagdodoble ng milk supply. 

Ito’y inilathala sa isang pagsusuri ng Philippine Journal of Pediatrics na nagsasaad ng findings ng lumang scientific studies na nagsuri ng moringa at ang epekto nito sa breast milk supply. 

Maaari mong subukang i-boost ang iyong milk supply sa natural na pamamaraan. Narito ang mga malunggay recipe ideas.

4 na Malunggay Recipe for Breastfeeding Moms

malunggay recipe for breastfeeding moms

Malunggay recipe for breastfeeding moms: Malunggay and Corn Soup

Ang masarap at nakabubusog na sabaw na ito ay bagay-bagay sa tag-ulan at kapag nagre-relax lang sa bahay. Isa rin itong malunggay recipe for breastfeeding moms. 

Mga Sangkap 

  • 5 tasa ng chicken broth
  • 3 piraso ng mais, grated
  • 2 bungkos ng dahon ng malunggay (moringa)
  • 1 medium na sibuyas, tinadtad
  • asin, to taste

Mga Instruksyon:

  • Magpakulo ng tubig kasama ang chicken stock. 
  • Idagdag ang sibuyas, mais, at pakuluang muli ng 10 minuto o hanggang maluto na ang mais. 
  • Lagyan ng asin at paminta.
  • Magdagdag ng dahon ng malunggay at patayin ang apoy. 

Malunggay recipe for breastfeeding moms: Chicken and Malunggay Soup with Coconut Milk

Ang ulam na ito ay hindi lamang masarap, masustansiya pa.

Ingredients

  • 2 tablespoons of vegetable cooking oil
  • 2 malaking chicken breasts, manipis na hiwa
  • 3 to 4 tasang dahon ng malunggay
  • 1 sibuyas, hiniwang manipis
  • 6 cloves ng bawang, minced
  • 1 thumb-sized knob ng luya o ginger, binalatan at hiniwang manipis
  • 2 stalks lemongrass, hiniwang manipis
  • 2 to 4 bird’s eye chilies, tinadtad sa maliliit na piraso
  • 4 tasa ng chicken bone broth
  • 2 kaffir lime leaves, torn
  • 2 tasa ng coconut cream
  • Patis, to taste

Mga Instruksyon: 

  • Initin ang cooking oil sa isang palayok. Gisahin ang bawang, luya, sibuyas, chilis, at tanglad hanggang humalimuyak.
  • Idagdag ang chicken strips at lutuin hanggang hindi na ito pink.
  • Idagdag ang kaffier lime leaves. Haluin at lutuin ng ilang mga minuto. 
  • Ibuhos ang borth. Lagyan ng patis, Pakuluin, at hinaan ang apoy, takpan at pakuluin pa ng 15 pang minuto o hanggang maluto na ang manok. 
  • Idagdag ang coconut cream.
  • Tapos, ilagay ang dahon ng malunggay, siguraduing ilubog ito sa sabaw. Kapag kumulo na ang sabaw, bumilang ng 2 minuto tapos patayin ang apoy. Huwag i-overcook ang mga dahon ng malunggay kasi maaari itong pumait.
  • Timplahin ang seasonings at ihain agad pagkaluto. 

Malunggay recipe for breastfeeding moms: Malunggay Smoothie

Ito ay isa sa mga masarap na malunggay recipe for breastfeeding moms na maaaring ma-prepare sa loob ng 5 minuto! 

Mga sangkap 

  • 1/4 tasa sariwang dahon ngmalunggay (substitute with 1 tablespoon of malunggay powder, if needed)
  • 1 pirasong saging
  • Katas ng 2 oranges
  • Juice ng 1 lime
  • 1/2 tasang crushed ice

Instruksyon:

  • Ihalo lamang ang lahat ng ingredients gamit ang isang blender. I-set ito sa mabilis o high speed ng 30 segundo.

Malunggay Pandesal

Siyempre pa, narito ang isa pang malunggay recipe for breastfeeding moms na masarap kapares ng malunggay smoothie araw-araw. 

Mga Sangkap

Para ma-activate ang yeast: 

  • 1 sachet ng instant yeast 7g
  • 350 ml ng maligamgam na tubig
  • 1 tsp asukal

Dough:

  • 500 grams harina
  • 1/2 tasa ng asukal
  • 1 tbsp ng asin
  • 90 grams shortening
  • Isang dakot ng dried malunggay leaves
  • 1 tbsp oil para sa pag-grease ng mangkok
  • 1 tasang breadcrumbs para sa coating

Instruksyon: 

  • Sa maliit na mangkok, ihalo ang yeast sa maligamgam na tubig. Pagkatapos, idagdag ang asukal at hayaan itong manatili ng 10 minuto. 
  • Sa hiwalay na mangkok, ihalo ang harina, asukal, maligamgam na tubig, asin, dahon ng malunggay, at shortening hanggang mahalo. Idagdag ang yeast mixture at ihalong muli. Idagdag ang harina kung kinakailangan. Iwasan ang basang dough mixture. 
  • Pagkatpos, masahin ang dough. Maaaring gumamit ng electric mixer ang iyong kamay. Para malaman kung ready na ang dough, kumurit ng isang piraso at i-stretch sa hugis na square. Ready na ito kung kaya na siyang ma-stretch sa isang buong sheet. Kung napunit ito, hindi pa siya ready. Patuloy na masahin. 
  • Pag-rise ng dough: I-grease ang isang malaking mangkok ng oil. Ilagay ang dough sa bowl kasama ang cling fil, Hayaan itong tumaas, hanggang sa doble ng laki nito.
  • Pagkatapos nito mag-rise, masahin pababa gamit ang iyong kamao upang ma-release ang hangin na na-trap sa loob. Masahin uli para ma-redistribute ang yeast. 
  • Bilugin ang bawat piece ng dough sa isang rectangular sheet, tapos i-roll ang sheet sa hugis ng troso o log, mga 20 inches ang haba at 2 inches ang diameter. Hayaang mag-rest ang dough ng mga isang oras. 
  • Gamit ang isang dough cutter o matalim na kutsilyo, hiwain ang dough sa pira-pirasong may 1 inch ang kapal. Pagkatapos nito, i-roll silang isa isa sa breadcrumbs. Ilagay sa isang baking tray ng mga 2 inches apart. Hayaan for one hour. I-preheat ang oven sa 180C. 
  • I-bake ang rolls ng 20 minuto o hanggang maging medyo tostado na sila. 
  • Ilagay ang rolls sa isang cooling rack 10 to 20 minuto. 
  • I-serve at i-enjoy! 

Ang breastfeeding ay maaari maging challenging para sa ibang mga moms, lalo na kapag sila’y may low milk supply. But sa mga malunggay recipes na ito, maaari mong ma-increase ang iyong milk supply sa lalong madaling panahon. 

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Breast-feeding nutrition: Tips for moms https://www.mayoclinic.org/healthy-lifestyle/infant-and-toddler-health/in-depth/breastfeeding-nutrition/art-20046912, Accessed May 07, 2020

Exclusive breastfeeding for six months best for babies everywhere, https://www.who.int/mediacentre/news/statements/2011/breastfeeding_20110115/en/, Accessed May 07, 2020

Common breastfeeding challenges, https://wicbreastfeeding.fns.usda.gov/common-breastfeeding-challenges, Accessed May 07, 2020

Maternal Diet https://www.cdc.gov/breastfeeding/breastfeeding-special-circumstances/diet-and-micronutrients/maternal-diet.html, Accessed May 07, 2020

Moringa, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/books/NBK501899/, Accessed May 07, 2020

Increasing your breast milk supply, https://www.pregnancybirthbaby.org.au/increasing-your-breast-milk-supply, Accessed May 07, 2020

Moringa oleifera as a Galactagogue https://www.researchgate.net/publication/262917155_Moringa_oleifera_as_a_Galactagogue, Accessed May 07, 2020

Kasalukuyang Version

11/11/2022

Written by Mary Rani Cadiz, MD

In-update ni: Lornalyn Austria


Mga Kaugnay na Post

Safe Ba Ang Glutathione Sa Mga Inang Nagpapasuso?

Malunggay Recipe for Breastfeeding Moms na Maaaring Magpadami ng Milk Supply


Written by

Mary Rani Cadiz, MD

Obstetrics and Gynecology


a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement