backup og meta

Masustansya Ba Ang Kanin Para Sa Toddler?

Masustansya Ba Ang Kanin Para Sa Toddler?

Kanin ang karaniwan sa pangunahing pagkain ng mga Pilipino. Marami sa atin ang kumakain ng isang tasang kanin tatlong beses sa isang araw, para sa almusal, tanghalian, at hapunan. Ngunit masustansya nga ba ang kanin para sa mga bata, partikular na sa mga toddler? Maaari ba silang kumain nito araw-araw? Alamin dito.

Ano Ang Taglay Ng Isang Tasang Kanin?

Bago natin sagutin ang katanungan na masustansya ba ang kanin para sa toddler, talakayin muna natin ang mga nutritional content nito. Ayon sa mga ulat, naglalaman ng mga sumusunod ang 1 tasa ng kanin:

  • 5 grams ng protein
  • 38 grams ng carbohydrates
  • 5 grams ng fat
  • 2 grams ng dietary fiber
  • 200 kcal ng energy

Depende pa dito kung enriched o fortified, maaaring maglaman ang isang tasa ng kanin ng iba pang nutrients tulad ng calcium, iron, sodium, vitamin A at vitamin C, potassium, at folate.

Mahalaga:

Maaaring iba ang mga nutritional value ng bawat brand. Dagdag pa rito, hindi ipinapayo ang pagbibigay ng isang cup ng kanin para sa mga toddler. Katumbas lamang ng ¼ hanggang ⅓ na cup ng kanin ang 1 serving para sa mga toddler.

masustansya ba ang kanin para sa toddler

Saan Nabibilang Ang Kanin Sa Nutrisyon Ng Toddler?

Upang makuha ng toddler ang mga kinakailangang sustansya upang manatiling malusog, kailangan nilang kumain ng iba’t ibang pagkain mula sa mga sumusunod na food group:

  • Prutas at gulay
  • Grains
  • Dairy
  • Mga pagkaing may protein
  • Healthy fats

Kabilang sa grupo ng grains ang kanin. At ayon sa mga eksperto, nangangailangan ang mga toddler ng humigit-kumulang 5 hanggang 6 na serving ng grains araw-araw.

Masustansya Ba Ang Kanin Para Sa Toddler?

Nakalilitong sagutin ang tanong na ito. Ayon sa nutritional content nito, madali nating makikita na mabuting pagkukunan ng carbohydrates at energy ang kanin. Ngunit hindi lamang iyon ang dapat nating isaalang-alang.

Makikita na habang kabilang ang kanin sa grains na food group, hindi naman magkakapareho ang lahat ng grains. Halimbawa, itinuturing ng mga eksperto ang kanin bilang “refined” grain, nangangahulugang naproseso na ito upang magtagal ito bago masira. Ngunit natatanggal din ng prosesong ito ang ilan sa mga sustansya tulad ng iron, fiber, at B vitamins.

Higit pa rito, itinuturing din ang kanin bilang simple sugar. Madaling matunaw ng ating katawan ang carbohydrate content nito at mataas ang posibilidad na magdulot ito ng mataas na blood sugar level. May ilan ding pag-aaral na nag-uugnay sa pagkain ng kanin sa type 2 diabetes.

Sa kadahilanang ito, mas gusto ng mga eksperto ang “whole” grains. Hindi tulad ng refined grains, naiiwan sa whole grains ang karamihan ng nutritional value nito at mas maliit ang posibilidad na mapataas ang blood sugar level.

Ano Ang Mga Alternatibo Para Sa Kanin?

Habang mahalaga ang pag-alam natin kung masustansya ba ang kanin para sa toddler, nais ng mga eksperto na ituon ng mga magulang ang kanilang atensyon sa pagbibigay ng healthy at balanseng diet para sa kanilang mga anak. 

Pinapaalala rin na napakahalaga para sa mga toddler na makakuha ng sustansya sa iba’t ibang pagkain mula sa nabanggit na mga food group.

Sa madaling salita, kahit na masustansya ang piniling brand ng kanin, hindi ito nangangahulugang dapat itong ipakain sa anak araw-araw. Bukod pa rito, hindi magandang ideya ang pagpapakain nito sa bata araw-araw dahil sa epekto nito sa blood glucose level.

Bakit hindi subukan ang ilang whole grain variety ng mga sumusunod na produkto?

  • Tinapay
  • Pasta
  • Cereals
  • Oats

Kung nais magpakain ng kanin sa toddler, maaari ding subukan ang brown rice.

Arsenic Sa Bigas — Dapat Bang Mag-Alala?

Habang inaalam mo kung masustansya ba ang kanin para sa toddler, maaari kang makakita ng ilang article na nagsasabing mayroong arsenic ang bigas. Isa itong uri ng lason.

Totoong karamihan sa mga brand ng bigas mula sa ibang bansa tulad ng United States ang may bakas ng arsenic. Ngunit ayon sa Philippine Rice Institute, arsenic-free variants ang mga ginawa dito sa ating bansa.

Kung sakaling mayroong imported na bigas sa bahay, sinasabi ng mga eksperto na ligtas itong kainin basta kumain lamang ng sapat na dami. Gayundin, maaaring mabawasan ang arsenic sa pamamagitan ng pagdaragdag ng mas maraming tubig sa kaldero kapag nagluluto ng bigas.

Key Takeaways

Maaaring hindi magandang ideya na magpakain ng ilang servings ng kanin araw-araw sa iyong anak. Isaalang-alang ang pagpili ng mga alternatibong whole grain at tandaang mahalaga ang variety para magkaroon ng healthy at balanced diet. Gaya ng nakasanayan, pinakamabuti na kumonsulta sa pediatrician ng iyong anak kung mayroong anumang pag-aalala tungkol sa kanilang nutrisyon.

Key-takeaways

Matuto pa tungkol sa Toddler Nutrition dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

RICE, https://fdc.nal.usda.gov/fdc-app.html#/food-details/356554/nutrients, Accessed January 26, 2021

Rice, white, long-grain, parboiled, enriched, cooked, 1 cup, https://www.urmc.rochester.edu/encyclopedia/content.aspx?contenttypeid=76&contentid=20047-1, Accessed January 26, 2021

Feeding Your Toddler – Ages 1 to 3 Years, https://my.clevelandclinic.org/health/articles/13400-feeding-your-toddler—ages-1-to-3-years, Accessed January 26, 2021

Whole Grains, https://www.hsph.harvard.edu/nutritionsource/what-should-you-eat/whole-grains/, Accessed January 26, 2021

Whole grains: Hearty options for a healthy diet, https://www.mayoclinic.org/healthy-lifestyle/nutrition-and-healthy-eating/in-depth/whole-grains/art-20047826, Accessed January 26, 2021

Phl rice safe from arsenic, https://www.philrice.gov.ph/phl-rice-safe-from-arsenic/, Accessed January 26, 2021

Kasalukuyang Version

07/26/2024

Isinulat ni Daniel de Guzman

Narebyung medikal ni Mae Charisse Antalan, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Wastong pagkain ng preschooler na dapat tandaan ng mga magulang!

Alamin: Vitamins para sa Brain Development Ng Iyong Anak!


Narebyung medikal ni

Mae Charisse Antalan, MD

General Practitioner


Isinulat ni Daniel de Guzman · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement