Ang mga visually impaired na bata ay kailangan ng suporta dahil hindi nila alam ang mundo kaysa sa mga matatanda. Paano tulungan ang visually impaired na bata?
Paano Matutulungan ang Visually Impaired na Bata? Ano ang Visual Impairment?
Ang visual impairment ay maaaring gamitin upang tumukoy sa pagkabulag o kahit anong uri ng pagkawala ng paningin na hindi na maiaayos. Maaaring ang dahilan nito ay:
- Birth defects
- Injuries sa mga mata
- Hindi pantay na mga mata
- Trauma sa mata
Ang pamumuhay na walang paningin ay maaaring mahirap sa pangkalahatan ngunit hindi kasing hirap ng sa mga bata. Sa tulong ng mga magulang at propesyonal, maraming mga oportunidad na maaaring magbukas ng pagkatuto, paglalaro, at pagtatrabaho kahit na walang paningin.
Paano Matutulungan ang Visually Impaired na Bata: Ano ang mga Sanhi ng Visual Impairment?
Ang pagiging visually impaired ay hindi nangangahulugang kabuuang dilim. Nakakikita ang mga bulag, ngunit hindi tulad ng nagagawa natin. Sila ay nakakikita ng anino, o kaunting liwanag, ngunit hindi nila makita ang mundo nang malinaw.
Ang mga batang visually impaired ay kailangan ng tulong dahil kinokonsidera silang “legally blind” kung ang kanilang paningin ay hindi na medikal na matatama.
Function ng mata o utak
Maaari itong ma-develop bago pa ipanganak ang bata dahil mayroong bahagi ng kanilang mga mata na hindi naporma sa paraan na dapat. Kahit na mukhang normal ang mga mata, ang utak ay minsan may problema sa pagproseso ng impormasyon na sanhi ng visual impairment.
Genetics
Ang pagkabulag ay maaaring namamana o genetic. Ibig sabihin na ang problema ng bata ay maaaring mula sa genes ng mga magulang.
Karamdaman
Mayroong mga karamdaman na maaaring makapinsala sa mata sa paglipas ng oras, tulad ng diabetes. Maaaring maging sanhi ng problema sa paningin ang katarata at pagkabulag, at maaaring maging sobrang sakit. Gayunpaman ang mga karamdaman na ito ay maaaring makita sa mga matatanda kaysa sa mga bata.
Paano Matutulungan ang Visually Impaired na Bata: Magbigay ng Suporta
Ang mga sanggol na bulag ay hindi rin kaiba sa mga mayroong paningin. Ang development at pagkatuto ay pareho lamang, ngunit kailangan ng mga magulang na humingi ng tulong sa mga propesyonal dahil ang mga bulag na tao ay maaaring mahirap i-manage sa mga sanggol.
Programa sa Pagkatuto
Inirerekomenda na tulungan ang mga bata sa pamamagitan ng pag-enrol sa kanila sa special learning programs na tumutulong sa mga bata na hirap sa paningin.
Maaaring mag-develop sila ng kapasidad sa pandinig, pandama, panlasa, at pang-amoy na magpapadali ng buhay nila.
Medikal na tulong
Ang mga sanggol at bata na may seryosong visual impairment ay kinakailangan na magpatingin sa ophthalmologists, o mga doktor na may espesyalisasyon sa problema sa mata.
Ang mga serbisyo sa mga ganitong problema ay karaniwang available dahil hindi ito bihirang kondisyon na maranasan ng mga bata, at ang mas maagang lunas, mas maayos na development sa mga bata upang maging maayos ang buhay.
Unang hakbang ay ang diagnosis at pagtataya, at sunod ang interbensyon. Ang mga visually impaired na bata ay normal kahit na may problema, at ang maayos na pag-aalaga para sa kanila ay ang pinaka mainam na daan upang maramdaman nila ang ginhawa.
Mahalagang Tandaan
Ang visually impairment ay maaaring maranasan dahil sa mga problema sa mata at pag-proseso ng utak, genetics, o karamdaman. Paano matutulungan ang visually impaired na bata? Ang mga visually impaired na bata ay maaaring makatanggap ng suporta sa pamamagitan ng pagkatuto ng programa o sa tulong medikal.
Matuto pa tungkol sa Growth at Development dito.