Naranasan mo bang tumalon sa bagong taon para sa paniniwalang tatangkad ka? O kaya maghanap ng mga pagkain na pampatangkad? Marahil nasubukan mo na ang unang katanungan at duda ka sa pangalawang tanong. Hanggang ngayon, maraming magulang ang nag-iisip kung ano ang ipapakain sa mga bata para madagdagan ang kanilang taas. Ngunit ang tanong, mayroon nga bang mga pagkain na makakatulong sa pagpapatangkad ng isang indibidwal?
Pagdating sa taas ng bata, ang mga doktor at mga nutritionists ay isinasaalang-alang ang genetic factors — at hormone levels sa katawan bilang pinakamahalagang contributing factor. Bilang karagdagan sa mga ito, gumaganap ang nutrisyon ng isang mahalagang papel sa pagtulong sa mga bata na tumaas.
Malamang nag-iisip ka rin kung mayroon bang pagkain na pwede mong ibigay sa’yong anak para sa kanyang paglaki.
Basahin at tuklasin natin ang sagot sa artikulong ito.
[embed-health-tool-bmi]
Mga Katangian ng Paglaki sa mga Bata
Karaniwang bumabagal ang paglaki ng mga bata pagkatapos ng unang 5 taon ng buhay — at tumataas sa ilang partikular na panahon. Hanggang sa maabot ng mga bata ang teenage years — mabilis na tumataas ang mga batang babae mula sa edad na 8 hanggang 13 taon. Habang ang mga lalaki ay tumataas nang mabilis sa pagitan ng 10 at 15 taong gulang.
Ayon sa mga eksperto, nakasalalay ang taas ng isang tao sa maraming mga kadahilanan. Kabilang ang nutrisyon, physical training, genetics at iba pang mga isyu — gaya ng sakit, at living environment. Dahil sa maraming kapakinabangan ng pagiging matangkad, maaaring gustuhin ng mga magulang na humanap ng paraan. Upang mapataas ang laki ng kanilang mga anak. Sapagkat, walang magagawa ang sinuman tungkol sa genetika. Ngunit, pwedeng pagsamahin ng mga magulang ang nutrisyon at ang makatwirang ehersisyo para dito.
Para matiyak na nakakamit ng kanilang mga anak ang tamang taas at timbang. Kailangang maunawaan ng mga magulang ang taas ng paglaki ng kanilang mga anak. At turuan sila ng healthy living habits sa bawat stages ng pag-unlad. Karaniwan, lumalaki ang bawat bata sa iba’t ibang bilis — at humihinto sa paglaki pagkatapos ng puberty. Ngunit mayroon bang pagkain na pampatangkad?
Nutrisyon Ng Bata: Pagkain Na Pampatangkad
Malaki ang impluwensya ng nutrisyon sa paglaki ng ng mga bata, kasama riyan ang kanilang mga taas o pagtangkad. Hindi rin maitatanggi na nakasalalay sa pag-aalaga ng mga magulang ang pag-unlad ng anak. Samakatuwid, kung gusto mong maging matangkad at malusog ang iyong anak, pwede mong subukan ang diyeta na may 10 uri ng pagkain na maaaring makatulong sa pagtangkad:
1. Gatas
Isa ang gatas sa pinakamabisang pagkain para tumangkad dahil mayaman ito sa calcium, na nagtataguyod ng paglaki, at tumutulong sa mga buto na maging malakas. Ang vitamin A sa gatas ay tumutulong din sa katawan ng bata na mas mahusay na ma-absorb ang calcium. Bilang karagdagan, ang gatas ay mayaman sa protina na tumutulong sa growth ng cells sa katawan.
Para matiyak na nakukuha ng iyong anak ang tamang dami ng mga sustansyang ito. Dapat mong bigyan ang iyong anak ng 2-3 baso ng gatas bawat araw.
2. Sariwang Prutas at Gulay
Ang pagkain ng maraming sariwang prutas at gulay ay mahalaga din para sa pag-unlad ng bata. Sinasabi na ang prutas tulad ng papaya, carrots, broccoli, spinach ay mga pagkain na mayaman sa fiber, potassium, folate — at lalo na sa vitamin A. Kung saan, makakatulong ang mga ito sa pagdebelop ng mga buto at tissue para sa mga bata. Bilang karagdagan, ang vitamin C sa citrus fruits ay nakakatulong din sa pagtangkad ng mga bata. Kapag nagnanais ka na maghanap ng mga pagkain para tumangkad. Regular na idagdag ang mga prutas at gulay sa sa diyeta ng iyong anak.