backup og meta

Alamin Ano ang 5 Pagkain na Dapat Hindi Ibigay sa Anak Dito

Alamin Ano ang 5 Pagkain na Dapat Hindi Ibigay sa Anak Dito

Para sa mga magulang, laging isang kagalakan na makita na ang mga anak na may masustansiyang gana. Gayunpaman, kailangan din nating tiyakin na hindi sila labis na kumakain ng ilang pagkain. Ito ay dahil, kapag labis na nakonsumo, ang mga pagkaing ito ay maaaring magdulot ng mga problema sa kalusugan sa bandang huli ng buhay. Anong mga pagkain na dapat hindi ibigay sa anak?

Chicken Nuggets at Iba pang Processed Meat

Nangunguna sa listahan ng mga pagkain na dapat hindi ibigay sa anak ang chicken nuggets o mga processed meat, sa pangkalahatan. 

Ayon sa mga pag-aaral, ang labis na pagkonsumo ng mga processed meat, o ang mga cured o smoked na may nitrates upang mapahaba ang kani-kanilang shelf life, ay maaaring tumaas ang panganib ng ilang uri ng cancer.

Sa katunayan, ang isang pananaliksik sa World Health Organization ay nagsiwalat na ang pagkain ng 50 grams ng processed meat araw-araw ay nagpapataas ng panganib ng colorectal cancer ng hanggang 18%. Narito ang hitsura ng 50 grams:

  • 2 1/3 slice ng bacon
  • 1 pirasong hotdog
  • 2 slice ng ham
  • 3 hanggang 4 piraso ng chicken nuggets

Dahil dito, magandang ideya na limitahan ang mga serving ng iyong anak ng mga processed meat; sa halip, piliin ang mga sariwa, walang taba na karne o karne na may mas kaunting taba. Bukod pa rito, huwag kalimutan ang mga sariwang karne mula sa manok at isda.

Matatamis na Pagkain at Inumin

Hindi natin lubos na mapag-uusapan ang mga pagkain na dapat hindi ibigay sa anak nang hindi binabanggit ang mga matatamis na inumin at meryenda.

Gaano man kahilig ng iyong anak sa mga tsokolate, kendi, matatamis na pastry, at soft drink, dapat mong tiyakin na hindi sobra ang kinakain nila na mga ito.

Sinasabi ng mga eksperto na ang sobrang pagkonsumo ng matamis ay nagdaragdag ng panganib ng isang bata na magkaroon ng obesity, type 2 diabetes, at altapresyon — na lahat ay maaaring magpataas ng kanilang panganib na magkaroon ng mga sakit sa puso sa pagtanda.

Bukod pa rito, ang mga matatamis ay nag-iiwan ng mas kaunting puwang para sa mga masusustansyang pagkain at maaaring maging sanhi ng pagkabulok ng ngipin.

Sinasabi ng mga ulat na ang mga bata at kabataan, na may edad 2 hanggang 18, ay dapat magkaroon ng hindi hihigit sa 25 grams ng asukal (6 na kutsarita) bawat araw. Kaya, makatutulong na basahin ang mga label. Bilang gabay, tandaan na ang 4 grams ng asukal ay katumbas na ng isang buong kutsarita.

Higit pa rito, binibigyang-diin din ng mga doktor na ang pinakamasamang asukal ay nagmumula sa mga matamis na katas ng prutas, panghimagas, at mga processed food, dahil ang mga ito ay napakaliit o walang nutritional value.

Salty Chips

Bukod sa matamis, dapat din nating isama ang maalat na chips sa listahan ng mga pagkain na dapat hindi ibigay sa anak.

Sinasabi ng mga ulat na ang mga pagkaing mataas sa sodium ay maaaring magpataas ng panganib ng iyong anak na magkaroon ng malalang kondisyon sa kalusugan tulad ng mataas na presyon ng dugo. Bukod dito, ang mataas na pagkonsumo ng asin ay nauugnay din sa pagtaas ng panganib sa obesity

Syempre, huwag din nating kalimutan na ang sobrang asin ay hindi angkop para sa bato ng iyong anak.

Sa panahon ng pagpaplano at paghahanda ng pagkain, tandaan na maraming pagkain ang natural na naglalaman ng sodium. Kabilang na rito ang plain milk, keso, sarsa, de-latang seafood, at maging mantikilya.

Kung gayon, limitahan ang pagkain ng maalat na chips at naprosesong karne na may maraming idinagdag na asin. Panghuli, isaalang-alang ang paggamit ng mga halamang gamot at pampalasa kapag tinimplahan ang kanilang mga pagkain.

French Fries at Iba pang Fast Food

Ano ang iba pang mga pagkain na dapat hindi ibigay sa anak? Walang pag-aalinlangan, marami sa mga bata ngayon ay mahilig sa mga fast food, tulad ng fries, fried chicken, burger, pizza, at noodles. Ngunit ang fast food ay isa sa mga pagkain na dapat hindi ibigay sa anak.

Ayon sa mga ulat, ang mga bata na kumakain ng fast food ay may mas mataas na pagkonsumo sa saturated fats (masasamang taba), asin, at carbonated na inumin (soft drinks). Ito ay nangangahulugan na ang mga fast food ay kadalasang may mataas na asukal at sodium content.

Bukod dito, ang mga bata na regular na kumakain ng mga fast food ay kadalasang may mas mababang pagkonsumo ng mga masusustansyang pagkain tulad ng mga prutas, gulay, at gatas.

Coffee

Panghuli ay ang kape. Ayon sa mga ulat, ang kape o inumin at mga pagkain na may caffeine ay hindi inirerekomenda para sa mga batang nasa paaralan. Ang pagiging isang stimulant ay nangangahulugan na ito ay magbibigay sa iyong anak ng artipisyal na enerhiya, na hindi nila magagamit.

Bukod dito, nakakasagabal ang kape sa calcium absorption, na kailangan ng mga bata para sa malusog na buto.

Key Takeaway

Ang mga bata ay kailangang magkaroon ng malaks na gana sa mga masusustansyang pagkain. Kung kaya, pinakamahusay na iwasan o limitahan ang kanilang pagkonsumo ng mga processed meat, maaalat at maasukal na pagkain, fast food, at caffeine.

Alamin ang Nutrisyon ng School-Age na Bata dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

IARC Monographs evaluate consumption of red meat and processed meat
https://www.iarc.who.int/wp-content/uploads/2018/07/pr240_E.pdf
Accessed February 3, 2021

How to Reduce Processed Meat In Kids’ Diets
https://blog.cincinnatichildrens.org/healthy-living/how-to-reduce-processed-meat-in-kids-diets
Accessed February 3, 2021

Sugar: How Bad Are Sweets for Your Kids?
https://health.clevelandclinic.org/sugar-how-bad-are-sweets-for-your-kids/
Accessed February 3, 2021

Food Sources of Sodium
https://www.healthlinkbc.ca/healthy-eating/food-sources-of-sodium
Accessed February 3, 2021

Fast Food Consumption in Children: A Review
https://medical-clinical-reviews.imedpub.com/fast-food-consumption-in-children-a-review.php?aid=6994#:~:text=Fast%20food%20consumption%20is%20definitely,%3C001)%20%5B17%5D.
Accessed February 3, 2021

Foods to avoid giving babies and young children
https://www.nhs.uk/conditions/baby/weaning-and-feeding/foods-to-avoid-giving-babies-and-young-children/
Accessed February 3, 2021

Healthy food for school-age children: the five food groups
https://raisingchildren.net.au/school-age/nutrition-fitness/daily-food-guides/school-age-food-groups
Accessed February 3, 2021

Kasalukuyang Version

06/14/2023

Isinulat ni Fiel Tugade

Narebyung medikal ni Jezreel Esguerra, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Kaugnay na Post

Masustansyang Pagkain Para Sa Bata: Heto Ang Dapat Kainin


Narebyung medikal ni

Jezreel Esguerra, MD

General Practitioner


Isinulat ni Fiel Tugade · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement