backup og meta

Bakit Mahalaga Ang Tummy Time Sa Mga Bata? Alamin Dito!

Bakit Mahalaga Ang Tummy Time Sa Mga Bata? Alamin Dito!

Ang tummy time ay kapag idinapa mo ang baby habang gising at binabantayan mo. Tinutulungan nito ang sanggol na magkaroon ng malakas na muscles sa leeg at balikat. Nagpo-promote din ito ng motor skills. Ang pagkakaroon ng tummy time ay maaaring makapigil na magkaroon ng flat spot sa likod ng ulo (plagiocephaly). Kung ang ulo ng sanggol ay nasa isang pwesto lang ng matagal, ang bone plate ng bungo ay magiging flat. Alamin pa kung bakit mahalaga ang tummy time.

Bakit Mahalaga ang Tummy Time?

Halos 15 taon na ang nakalilipas, unang inirekomenda ng American Academy of Pediatrics (AAP) na ihiga ng mga magulang ang kanilang mga sanggol. Ang simpleng payo na ito ay nagpababa ng dami ng namamatay mula sa SIDS (Sudden Infant Death Syndrome) ng higit sa kalahati. Nagresulta ito sa isang bagong problema: mga sanggol na flat ang ulo.

[embed-health-tool-vaccination-tool]

Ang pag-flat ng ulo ay nangyayari kapag ang sanggol ay masyadong matagal na nakahiga sa isang pwesto. Madalas nangyayari ito sa likod ng ulo ng sanggol at pinaka-kapansin-pansin sa isang tabi. Maaaring maging mukhang malapad ang ulo at mukha. Sa mas malubhang kaso, ang pagka flat ng ulo ay pwedeng magtulak sa isang bahagi ng mukha pasulong, na ginagawang hindi pantay ang hitsura ng sanggol. Walang nakakaalam kung gaano ka-common ang mga flat head. Gayunpaman, humigit-kumulang kalahati ng mga sanggol ay medyo na-flatten sa edad na dalawang buwan. Ayon sa isang artikulo noong 2013 sa journal Pediatrics, isa lamang sa limang tao ang nakakakita ng malubhang pagbabago.

Tinutulungan din ng tummy time ang iyong sanggol na umupo, gumulong, gumapang, at maglakad.

Angkop ba ang Tummy Time Para sa Aking Baby? 

Ang tummy time ay angkop para sa mga sumusunod:

  • Mga bagong silang at mga sanggol na 1-3 buwang gulang na katatapos lang magkaroon ng kontrol sa leeg. Ang tummy time ay nakakatulong sa pagbuo ng mga muscle na kailangan para gumulong, umupo, gumapang, at makalakad. Laging bantayan ang iyong sanggol habang ginagawa ang tummy time.
  • Older babies, 4-7 buwan. Kahit na maaari silang gumulong at umupo nang may tulong, kailangan pa rin silang bantayan habang nakadapa. Ang tummy time ay nakakatulong na iangat ang ulo at dibdib nang mataas sa pamamagitan ng pag-unat ng mga braso. Pinapalakas ang muscles ng mga braso, dibdib at likod.
  • Mga bagong silang na sanggol na may torticollis. Ang torticollis ay isang kondisyon sa leeg kapag ang muscles ng leeg ay nagiging masikip at ang sanggol ay hindi maaaring iikot ang kanyang ulo. Bakit mahalaga ang tummy time? Ito ay naghihikayat sa sanggol na tumingin sa paligid at tumutulong na i-relax ang neck muscles. Kasama nito ang mga ehersisyo na inirerekomenda ng isang doktor. 
  • Mga sanggol na may flathead syndrome (plagiocephaly). Nangyayari ito kapag ang sanggol ay madalas na nasa posisyong nakahiga sa kanyang mga unang buwan. Maaari itong magresulta sa mga flat spot sa gilid o likod ng ulo.

Paano Ko Gagawin ang Tummy Time Sa Aking Baby?

Newborns

Para sa mga bagong silang na sanggol, ang sanggol ay dapat ilagay sa dibdib o lap 2-3 beses sa isang araw. Habang nakadapa, maaaring iangat ng sanggol ang kanyang ulo at i-ehersisyo ang mga kalamnan ng leeg at balikat. Kapag nasanay na ang iyong sanggol, maaari mong hayaan silang magpatuloy nang ilan pang sandali.

Older Baby

Maglagay ng kumot sa malinis na sahig. Para simulan, ihiga ang iyong sanggol sa loob ng 3-5 minuto. Maaari mong gawin ito 2-3 beses sa isang araw. Sa ganitong posisyon, ang sanggol ay maaaring makaramdam ng pagkabalisa at pagkainis. Pwedeng gawing maikli ang unang session at unti-unting pahabain ang tummy time sa mga susunod na session. Kung ang baby ay nakakain na, bagong palit ng diaper, at masigla, magandang ideya na mag-tummy time. Habang nasasanay ang sanggol, maaari mong idapa si baby nang mas madalas o mas matagal. Inirerekomenda ng mga eksperto ang paggawa ng tummy time nang halos isang oras sa isang araw kapag ang iyong sanggol ay tatlong buwang gulang na.  

Maaari kang gumawa ng mga ingay gamit ang rattles o mga susi para ang iyong anak ay tumingala at bumangon. Ilagay ang mga paboritong laruan sa harap ng iyong sanggol para gumalaw siya pa-forward.     

Sanggol na may Torticollis o Flat Spot

Ang ehersisyong ito ay angkop para sa mga sanggol na may torticollis at flat spot. 

Nakakatulong ito sa paggamot sa ganitong mga problema. Ilagay ang iyong sanggol sa iyong kandungan para siya ay nakapatong sa iyong tiyan. Ang ulo ng iyong sanggol ay dapat hindi nakaharap sa iyo. Pagkatapos ay kausapin at kantahan ang iyong sanggol. Hikayatin ang iyong anak na lumingon at tumingin sa iyo. Gawin ang ehersisyo na ito sa loob ng 10 hanggang 15 minuto. Ano ang mga dapat tandaan kung bakit mahalaga ang tummy time? 

Key Takeaways

  • Mahalaga na laging kang kasama ng iyong sanggol kapag ginagawa ng tummy time.
  • Maaari mo lamang gawin ang tummy time kapag ang sanggol ay gising at may nagbabantay.
  • Upang maiwasan ang Sudden Infant Death Syndrome (SIDS), palaging ihiga ang iyong sanggol sa kanyang likod habang natutulog. 
  • Gawin ang tummy time sa isang mababa at ligtas na lugar. 
  • Huwag ilagay ang iyong sanggol sa sofa o kama, kung saan maaari siyang gumulong. Ang mga unan at malambot na ibabaw ay maaari ring maka-suffocate sa kanya.
  • Kung hindi gusto ni baby ng tummy time, dagdagan ng kaunting variety. Samahan siya, kantahan, maglagay ng makukulay na laruan, o tingnan siya sa kanyang mata. Hilingin sa iyong pamilya na sumali. 
  • Ang paggawa ng tummy time kasama ang iyong sanggol ay mahalaga. Ito ay kahit na kailangan niya ng kaunting oras para masanay dito. Kaya magandang alamin kung bakit mahalaga ang tummy time.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Babies Need “Tummy Time”, https://www.stanfordchildrens.org/en/topic/default?id=babies-need-tummy-time-1-2812

Tummy Time, https://kidshealth.org/en/parents/tummy-time.html, Accessed October 5, 2021

Bonding with Baby, https://familydoctor.org/bonding-with-baby/, Accessed October 5, 2021

SIDS, https://www.aafp.org/afp/2009/0515/p870-s1.html, Accessed October 5, 2021

Infant and toddler health, https://www.mayoclinic.org/healthy-lifestyle/infant-and-toddler-health/expert-answers/tummy-time/faq-20057755, Accessed October 5, 2021

Kasalukuyang Version

04/13/2023

Isinulat ni Corazon Marpuri

Narebyung medikal ni Rubilyn Saldana-Santiago, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Ano ang Milia, At Bakit Ito Nangyayari sa mga Newborn Baby?

Maaari bang mawala ang acid reflux sa sanggol? Alamin dito


Narebyung medikal ni

Rubilyn Saldana-Santiago, MD

Pediatrics


Isinulat ni Corazon Marpuri · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement