backup og meta
Matuklasan
Mga Health Tool
Magtanong sa Doktor
I-save

Maaari bang mawala ang acid reflux sa sanggol? Alamin dito

Narebyung medikal ni Regina Victoria Boyles, MD · Pediatrics


Isinulat ni Corazon Marpuri · a

    Maaari bang mawala ang acid reflux sa sanggol? Alamin dito

    Kapag pinapakain mo ang iyong sanggol, napapansin mo na palagi niyang isinusuka ang kanyang pagkain. Sa pagtatanong, nalaman mo mula sa ibang mga magulang na normal sa mga sanggol na magkaroon ng acid reflux, lalo na sa unang tatlong buwan ng kanyang buhay. Kaya, naghintay ka. Ang problema, isinusuka pa rin ng iyong sanggol ang pagkain kahit na lumampas na sya sa ika-3 buwan. Ngayon, nagtataka ka: nawawala ba ang acid reflux sa sanggol? Paano ginagamot ang acid reflux sa mga sanggol? Alamin dito.

    Ang Reflux ay Karaniwan sa mga Sanggol

    Nangyayari ang gastroesophageal reflux o simpleng reflux kapag ang mga nilalaman ng tiyan ay bumabalik sa tubo ng pagkain o esophagus.

    Sinasabi ng mga eksperto na karaniwan para sa mga sanggol na isinusuka ang kanilang pagkain sa unang tatlong buwan ng kanilang buhay. Sinabi rin nila na ang reflux ay karaniwan para sa mga sanggol na wala pang 2 taong gulang. Ngunit karamihan sa mga kaso ay malulutas ng kusa kapag umabot sila sa 12 hanggang 14 na buwan.   

    Panghuli, ayon sa mga report na ang reflux ay karaniwan sa mga bata at kabataan.

    Bakit Nangyayari ang Reflux sa mga Sanggol

    Nawawala ba ng acid reflux sa sanggol? Tulad ng nasabi kanina, karamihan sa mga kaso ay naaayos ng kusa nang walang paggamot. Ito ay kapag umabot na sila sa 12 hanggang 14 na buwan. Pero, bakit nangyayari ang reflux sa mga sanggol?

    Ang gastroesophageal reflux (GER) ay karaniwang nangyayari dahil sa isyu sa lower esophageal sphincter o LES. Ito ay muscle sa ibaba ng pipe ng pagkain na nagrerelaks upang makapasok ang mga pagkain sa tiyan. At sumasara rin upang panatilihin ang mga pagkain doon, na pumipigil sa mga laman ng tiyan sa pagtulak paitaas.

    Kadalasang may mahinang LES ang mga sanggol. Kaya naman karaniwan na sa kanila ang pagduwal ng kanilang pagkain. Unti-unti, ang kanilang LES ay ganap na made-develop at kusa na mawawala ang acid reflux sa sanggol.

    Kailan Dapat Humingi ng Medikal na Tulong ang mga Magulang

    Bagamat karamihan sa mga sanggol ay maaaring malampasan ang acid reflux nang walang issue, mahalaga pa rin na malaman ng mga magulang kung kailangan nila ng tulong medikal.

    Sinasabi ng mga ulat na dapat dalhin ng mga magulang ang kanilang sanggol sa doktor kung sila ay:

    • Hindi tumataba
    • Patuloy na pagsuka ng pagkain nang malakas (projectile vomiting)
    • Ang pagduwal ng dugo o substance na mukhang butil ng kape
    • Pagduwal ng dilaw o berdeng likido
    • Hindi karaniwang magagalitin pagkatapos kumain
    • Ayaw kumain

    Mahalaga rin na dalhin sila sa doktor kapag nahihirapan silang huminga, malalang ubo, at dugo sa dumi. Kailangan din ang tulong medikal kung magsisimula silang sumuka ng pagkain sa anim na buwan o mas matanda pa.

    Nawawala ba ang acid reflux sa sanggol? Paano ito ginagamot?

    Bagamat karamihan sa mga sanggol ay maaaring gumaling mula sa acid reflux, ang mga magulang ay maaari pa ring gumawa ng mga bagay upang mapagaan ang kanilang mga sintomas. Isaalang-alang ang mga sumusunod:

    • Tanungin ang iyong doktor tungkol sa pagdaragdag ng ilang rice cereal sa gatas ng iyong sanggol upang gawin itong mas malapot. Gayunpaman, tandaan na ang mga sanggol ay hindi dapat magkaroon ng iba maliban sa gatas ng ina sa unang anim na buwan ng kanilang buhay.
    • Ipa-burp ang iyong sanggol sa pagitan o pagkatapos ng bawat pagpapakain. Gayundin, makakatulong na panatilihing patayo siya ng hindi bababa sa 30 minuto pagkatapos ng oras ng pagkain
    • Iwasang bigyan siya ng masyadong maraming gatas o pagkain nang minsanan.

    Kung ginawa mo ang ilan sa mga remedyong ito at napansin mong hindi bumubuti ang kondisyon ng iyong anak, dalhin siya sa doktor. Kapag ang pagsuka ng pagkain ay nakakasagabal na sa pagpapakain at pagtulog, ang iyong sanggol ay maaaring nakakaranas ng gastroesophageal reflux disease o GERD, ang mas malala at mas matagal na anyo ng reflux.

    Key Takeaways

    Nawawala ba ang acid reflux sa sanggol? Ayon sa mga eksperto, karaniwan sa mga sanggol na isinusuka ang kanilang pagkain sa unang tatlong buwan ng kanilang buhay. Gayunpaman, karamihan sa mga kaso ay malulutas kapag umabot sila sa 12 hanggang 14 na buwan.
    Subukan na manatiling patayo siya nang hindi bababa sa 30 minuto pagkatapos ng pagkain. At dumighay sa pagitan at pagkatapos ng pagpapakain. Makakatulong ang hindi labis na pagpapakain sa kanya.
    Kung ang acid reflux ay nakakasagabal sa pagpapakain at pagtulog ng iyong sanggol, at kung mayroon silang iba pang mga sintomas, tulad ng hindi pagtaba, pinakamahusay na dalhin sila sa doktor upang masuri.
     

    Matuto pa tungkol sa Unang Taon ng Sanggol dito. 

    Disclaimer

    Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

    Narebyung medikal ni

    Regina Victoria Boyles, MD

    Pediatrics


    Isinulat ni Corazon Marpuri · a

    advertisement iconadvertisement

    Nakatulong ba ang artikulong ito?

    advertisement iconadvertisement
    advertisement iconadvertisement