Sa wakas, maglaan ng oras na malaman ang tungkol sa mga karaniwang isyu ng sanggol, tulad ng mga pantal, kabag, sipon, pag-ubo, at pagtatae.
4. Alamin Kung Ano ang Epektibong Schedule ng Pagtulog
Madalas sinasabi sa mga magulang na matulog din kapag natutulog si baby. Pero kung minsan, ito ay hindi epektibo.
Kaya naman, pagdating sa oras ng pagtulog, tingnan kung ano ang epektibo para sa iyo ng baby mo. Hindi nito kailangang kapareho sa mga pamantayan ng iba. Kung kailangan mong matulog habang gising ang sanggol, maaaring humanap ng isang tao na mag-aalaga sandali. Mahalaga ito sa unang 100 days ni baby.
Tandaan kailangan ng mga magulang ng sapat na tulog para alagaan ang kanilang sanggol, lalo na ang mga ina na nagpapagaling pa mula sa stress ng labor at panganganak.
5. Humanap ng Oras Para sa Bonding mo sa Iyong Baby
Importante ba ang bonding sa unang 100 days ni baby? Oo! Ang pakikipag-bonding sa iyong baby ay hindi lamang mahalaga sa pagbuo ng isang relasyon ng magulang. Maaari mo ring gamitin ang bonding time para i-check ang paglaki ng iyong sanggol.
Mga komento
Ibahagi ang iyong mga iniisip
Maging una sa pagpapaalam sa Hello Doctor ng iyong iniisip!
Sumali sa amin o Mag-log in para makasali sa pag-uusap