Ang yellow baby, na kilala rin bilang infant jaundice, ay isang dilaw na discoloration ng balat ng sanggol. Ito ay dahil sa labis na bilirubin, isang dilaw na pigment, sa dugo ng sanggol. Ang infant jaundice ay isang pangkaraniwang kondisyon sa mga sanggol na ipinanganak na buhay bago makumpleto ang 37 linggo ng pagbubuntis (preterm) at kahit pagkatapos ng 37 linggo sa mga full-term na sanggol. Alamin pa dito kung ano ang yellow baby at mga dapat gawin tungkol dito.
Kapag ang atay ng sanggol ay hindi sapat na mature upang paalisin ang bilirubin mula sa daluyan ng dugo, nagiging sanhi ito na maging dilaw o orange shade ang balat.
Ang mga bagong silang ay karaniwang may mas mataas na antas ng bilirubin kumpara sa mga matatanda. Ito ang dahilan kung bakit ang isang dilaw na sanggol ay karaniwang hindi nangangailangan ng paggamot.
Gayunpaman, mayroon pa ring mga kaso kapag ang antas ng bilirubin ay masyadong mataas o ang sanhi ng paninilaw ng balat ay isang underlying health condition. Sa kasong ito, ang yellow baby ay kailangang sumailalim sa paggamot. Pinakamainam na dalhin ang sanggol para sa isang check-up kung ang balat ay nagsisimulang maging dilaw.
Alamin dito kung ano ang yellow baby.
Sintomas ng Jaundice o Yellow Baby
- Paninilaw ng balat
- Ang sclera o puting bahagi ng mata ay lumilitaw na madilaw
- Dilaw sa mga pink na bahagi ng balat tulad ng loob ng bibig
Ang infant jaundice o yellow baby ay karaniwang unang lumalabas sa mukha. Maaaring suriin kung ang sanggol ay may jaundice sa marahang pagpindot sa ilong o sa noo ng sanggol. Kung ang lugar ay nagiging dilaw, ito ay malamang na may mild jaundice.
Suriin ang iyong sanggol sa ilalim ng maganda, natural na kondisyon ng liwanag at hindi artipisyal na liwanag. Gayundin, tingnang mabuti ang sclera at loob ng bibig ng sanggol lalo na sa mga sanggol na maitim ang balat dahil mahirap makita ang paninilaw ng kanilang balat.
Kung lumalala ang jaundice, ang ano ang yellow baby ay maaaring magpakita ng mga sintomas na ito at ang mga magulang ay dapat humingi kaagad ng tulong sa doktor:
- Natutulog nang mas mahaba at mas madalas kaysa karaniwan
- Hindi dumedede sa ina o umiinom ng formula
- Ang tiyan, braso, at binti ng sanggol ay naninilaw
- Pagbaba ng timbang
- Mataas na tunog na pag-iyak
- Hindi sapat ang pagtae
- Pagsusuka
- Puting dumi (napakaimportante!)
- Seizures
- Hindi maganda kumain
Mga sanhi ng Yellow Baby
Ngayong alam na natin kung ano ang yellow baby, ating alamin ang mga sanhi nito.
Kung ang jaundice ay physiological, ang sanhi ng yellow discoloration ng balat ay isang build-up ng labis na bilirubin sa katawan. Ang mga sanggol, sa kanilang mga unang araw ng buhay, ay mas mabilis na nasisira ang mga red blood cell. Ngunit dahil ang kanilang atay ay hindi pa sapat na nabuo upang paghiwalayin ang bilirubin, dinadala ito sa bloodstream na nagiging sanhi ng kung ano ang yellow baby.
Ang iba pang mga sanhi kung ano ang yellow baby o infant jaundice ay kinabibilangan ng:
Ang breastfeeding jaundice ay nangyayari kapag ang sanggol ay hindi sapat na nakakasuso, na humahantong sa dehydration. Ito ay maaaring mangyari kung ang sanggol ay may problema sa pagsuso o ang gatas ng ina ay hindi “pumasok.”
Kapag hindi pa “pumasok” ang gatas ng ina, nangangahulugan ito na may mga bakas pa rin ng colostrum. Ito ay tumatagal ng humigit-kumulang 2-5 araw pagkatapos ng kapanganakan ng bata bago mature ang gatas ng ina. Sa kasong ito, ang sanggol ay kailangang pakainin nang higit pa.
Gatas ng ina
Ang ilang mga enzyme sa gatas ng ina ay pumipigil sa atay sa paglabas ng bilirubin nang mabilis. Ito ang nagiging sanhi sa mga bituka ng baby mag absorb ng bilirubin pabalik sa katawan ng mas marami kaysa sa normalna dami ng milk jaundice. Hindi ito nakakapinsala at maaaring tumagal ng hanggang 10 linggo.
Hemolytic Anemia
Ang ilang mga sanggol ay ipinanganak na may mutation sa kanilang mga gene. Ito ay nagdudulot ng autoimmune disease kung saan inaatake ng immune system ng sanggol ang mga red blood cell o ang mga red blood cell ng sanggol ay nasira o hindi nabubuhay kung ano dapat.
Ang Blood Type Mismatch
Rhesus (Rh) at ABO blood group incompatibilities ay isang incompatibility kung saan ang dugo ng ina ay O at ang dugo ng sanggol ay A o B o ang Rh factor ng dugo ng ina ay positibo at ang RH factor ng sanggol ay negatibo. Nagiging sanhi ito ng mga antibodies ng ina sa pag-atake sa mga red blood cell ng sanggol.
Impeksyon
Ang isang sanggol ay maaaring nalantad sa isang viral infection bago, habang, o pagkatapos ng kapanganakan at ang ilan sa mga virus na ito, tulad ng hepatitis at rubella, ay maaaring magdulot ng pamamaga sa atay ng sanggol. Dahil dito, hindi gumana ng maayos ang atay ng sanggol, na nagiging sanhi ng ano ang yellow baby.
Cephalohematoma
Ang Cephalohematoma ay ang akumulasyon ng dugo o pagdurugo sa ilalim ng anit na sanhi ng mahirap na panganganak. Ang pasa ay maaaring magpataas ng mga antas ng bilirubin sa daluyan ng dugo na nagiging sanhi ng paninilaw ng balat ng sanggol.
Galactosemia
Ang sanggol ay maaaring ipanganak na may isang bihirang sakit na mga katawan ay walang sapat na enzyme na maaaring magsira ng galactose, isang asukal sa gatas. Ang mataas na level ng galactose sa mga sanggol ay maaaring magdulot ng pinsala sa atay na kadalasang nagiging jaundice.
Key Takeaways
Ang infant jaundice o yellow baby ay isang pangkaraniwang kondisyon sa mga bagong silang. Sa maraming mga kaso, ito ay hindi nakakapinsala ngunit mayroon ding ilang mga pagkakataon na ang jaundice ay sanhi ng isang malubhang kondisyon.
Karaniwan, ang mga bagong silang ay magkakaroon ng jaundice dahil ang atay ay hindi sapat na nabuo upang maalis ang bilirubin, ang pigment na nagdudulot ng dilaw na kulay.
Ngunit may ilang kundisyon kung ano ang yellow baby na nagdudulot ng jaundice na medyo malubha tulad ng abnormalidad sa dugo o pinsala sa atay. Pinakamainam na ipasuri ang sanggol kung may discoloration sa kanilang balat at mga mata.