Maraming napatunayang benepisyo ang pagpapasuso. Para sa mga baby, kasama sa nakukuha nilang benepisyo ang pagkakaroon ng kumpletong nutrisyon at passive immunity. Habang para sa mga ina, nakatutulong ang pagpapasuso sa bonding at maaari maging natural na paraan para maiwasan ang pagbubuntis (kilala rin bilang lactational amenorrhea). Ngunit minsan mayroong hindi magandang resulta ang pagpapasuso, lalo na ang pagkakaroon ng nipple discomfort at pagbibitak ng balat. Sa mabuting banda, maaari itong gamitan ng nipple cream para sa pagpapasuso. Ngunit paano gamitin ang nipple cream?
Bago bumili, alamin muna kung anong mga sangkap ang angkop at ligtas para sa iyo at sa iyong baby.
Kailangan Ba Ang Nipple Cream Sa Pagpapasuso?
Bagamat natural ang pagpapasuso, nangangailangan pa rin ng skill at masanay dito. Maraming bagay ang maaaring makaapekto sa kaginhawaan ng isang ina habang nagpapasuso, kabilang dito ang posisyon ng ina, ang posisyon ng baby, kung paano kumapit ang baby, at maraming pang iba.
Maaaring mas makaranas ang mga babaeng may problema sa dry skin o eczema ng iba pang problema sa balat palibot ng nipple.
Kung magsimula makaranas ng pananakit ng nipple o pagbitak nito, ang paglipat sa kabilang suso o paggamit ng breast pump ang dalawang solusyon para dito. Ngunit kung masakit ang parehong nipple o may pagdurugo dito, panahon na para subukan ang nipple cream sa pagpapasuso. Paano gamitin ang nipple cream?
Hindi nangangahulugan na kailangan tumigil sa pagpapasuso kung magbitak ang balat o magdugo ang nipple, ngunit kinakailangan gumawa ng paraan para maayos ito.
Mga Sangkap Na Dapat Iwasan Sa Mga Nipple Cream Para Sa Pagpapasuso
Fragrances
Sa tuwing bibili ng nipple cream para sa pagpapasuso, mahalagang tandaan na para sa therapeutic na dahilan ang hinahanap imbis na para sa cosmetic.
Pagdating sa iba pang uri ng skin care product at makeup, pinakamabuting iwasan ang mga naglalaman ng artipisyal at iba pang pabango. Maaaring mabango ang mga ito ngunit hindi ito nagbibigay ng magandang lasa. Maaaring makahadlang ito sa maayos na pagpapasuso sa iyong baby.
Samakatuwid, kung mayroong sensitibong balat o maselan na baby, marapat na hindi gumamit ng sangkap na ito.
Steroids
Karaniwang inirerekomenda ang mga mahihinang topical steroid na tulad ng hydrocortisone para sa makati o irritated na balat. Para sa mga may mas matinding eczema o dermatitis, maaaring magreseta ang mga doktor ng mas matapang na corticosteroids.
Karaniwang mabilis pumasok sa balat ang mga cream na naglalaman ng steroid at hindi masyadong matapang para magdulot ng anumang masamang epekto para sa batang sumususo.
Ngunit nagsasanhi ng manipis at maselang balat ang sobrang paggamit ng ganitong uri ng cream, na nagpapalala sa mga nipple crack at damage. Gumamit lamang ng epektibo at hindi matapang na cream na ito sa mga kinakailangang lugar. Iwasan ang direktang paglalagay nito sa nipple at areola, dahil mas sensitibo ang mga ito.
Retinoids
Isang vitamin A-derivatives na kadalasang sangkap sa maraming produkto para sa anti-aging ang retinoids. Bukod sa pagpapakinis ng wrinkle, nakatutulong din ito sa skin discoloration at stretch marks. Maaaring subukan ng ilang kababaihan na gamitin ang kanilang mga facial product bilang alternatibong nipple cream para sa pagpapasuso, matapos ang payo ng doktor.
Habang nagbubuntis, matinding ipinagbabawal ang mga retinoid dahil kilala silang sanhi ng depekto sa panganganak.
Ngunit paano naman sa mga batang sumususo?
Kahit na wala na sa sinapupunan ang mga baby na sumususo, maaari pa rin silang makaranas ng mga negatibong epekto ng retinoid sa breastmilk at sa mga produktong pinapahid sa balat. Sa madaling sabi, huwag magbigay ng retinoids sa mga bagong silang at mga bata.
Thick Emollients
Maaaring kasalungat sa ating kaalaman ngunit kapag pumipili ng nipple cream para sa pagpapasuso, mas maraming magandang dulot ang mas kaunti.
Hindi tulad ng mga lighter cream, mas matagal na nananatili sa balat ang mga ointment at mas mahirap itong matanggal.
Ginawa ang mga ito upang maging occlusive, nangangahulugan na hinaharangan nila ang balat. Matagal ito nananatili sa balat ngunit nahaharangan din nila ang pasok ng tubig at hangin.
Maaaring gamitin ang mga emollients tulad ng petroleum o petrolatum jelly at iba pang oil. Ngunit magpahid lamang nang kaunti o paminsan-minsan. Hindi mo gugustuhin masobrahan ang moisture sa balat na nagbibitak, dahil maaari itong maging lugar para tubuan ng mga bakterya.
Tulad ng ibang mga produkto, dapat punasan at linisin ang breast at bahagi ng nipple bago magpasuso ng baby.
Povidone Iodine
Bagamat hindi kasama sa mga binebentang nipple cream para sa pagpapasuso ang povidone iodine, maaari pa ring matukso ang ilang kababaihan na gamitin ito.
Nabibili over-the-counter ang povidone iodine bilang topical antiseptic. Maraming tao ang may bote nito sa kanilang mga medicine cabinet o first aid kit. Maaari kasi itong gamitin para sa maliliit na sugat.
Kung makakain ng iodine ang isang baby, nanggaling man sa balat ng ina or sa breastmilk, maaari itong makaapekto sa kanilang thyroid function. Samakatuwid, pinakamabuting iwasan ang paggamit ng povidone iodine sa paligid ng breast o pumili ng mas magandang alternatibo pamalit dito.
Key Takeaways
Sa kabuuan, hindi laging madali ang pagpili ng tamang nipple cream para sa pagpapasuso. Mayroong dalawang bagay na dapat isaalang-alang: kaginhawahan ng ina at kalusugan ng kanyang anak.
Gayunpaman, dapat iwasan ng mga nanay ang paggamit ng iba pang mga produkto at topical medication (ipinapahid sa balat) sa suso at nipple nang hindi inaaprubahan ng doktor.
Bukod pa rito, dapat palaging isagawa ng mga ina ang wastong kalinisan sa katawan at pangkalahatang pangangalaga sa balat. Mainam na produkto ang mga mild soap at light lotion para mapanatili ang mabuting kalusugan ng balat. Makatutulong din ito upang maiwasan ang pagkatuyo nito.
Matuto pa tungkol sa Pag-Aalaga Pagkatapos Manganak dito.
[embed-health-tool-ovulation]