backup og meta

Pagkain para Lumakas ang Buto ni Baby, Alamin Dito

Pagkain para Lumakas ang Buto ni Baby, Alamin Dito

Kapag iniisip ng mga magulang ang pagpapalakas ng kalusugan ng kanilang anak, hindi natin madalas naiisip ang tungkol sa pagpapalaki ng malusog na buto. Gayunpaman, ang malusog na buto ay mahalaga upang matulungan ang iyong anak na mag-develop sa aspektong pisikal at mental.

Sa malakas na mga buto, sila ay makagagawa ng iba’t ibang porma ng laro na makatutulong upang mapalakas ang kanilang katawan at isipan. Karagdagan, ang matibay na balangkas na ito ay nagsusulong ng balanse at makaiiwas sa mga pagkabali at pagkarupok ng mga buto kinalaunan sa sa pagtanda. Mula sa mga nabanggit, ano ang ilang pagkain para lumakas ang buto ni baby?

Bakit mahalaga na magkaroon ng malakas na buto sa pagkabata?

Bago natin ilista ang mga pagkain para lumakas ang mga buto, pag-usapan muna natin bakit mahalaga na magkaroon ng malusog na mga buto habang bata pa.

Ang mga buto kung saan itnuturing na balangkas ng katawan ng bata ay isang buhay na tissues. Makokonsidera mo itong “banko” kung saan “nagde-deposit at nagwi-withdraw ng bone tissues.” Ayon sa mga eksperto, ang mga babae ay nakakamit ang 90% ng kanilang peak bone mass (kung ang mga buto ay may maximum density at lakas) sa edad na 18. At ang mga lalaki ay sa edad na 20. Kaya’t ang oras bago ang panahon na ito kahit na sa murang edad pa lamang ay pinakamainam na panahon upang mamuhunan sa malusog na mga buto.

Pagkain para Lumakas ang Buto ni Baby

Sa pangkalahatan, maaari mong matulungan ang iyong anak na palakasin ang mga buto sa pamamagitan ng ehersisyo at pagkain ng masusustansyang pagkain. Habang sila ay sanggol, hindi ka makagagawa ng maraming ehersisyo, maliban na lamang sa tulungan silang mag-stretch at mag-explore kung kaya nila.

Upang palakasin ang kanilang mga buto sa pamamagitan ng pagkunsumo ng masusustansyang pagkain, maaari kang magbigay ng mga pagkain na mayaman sa calcium at bitamina D. Ang calcium ay nakatutulong sa bata na magkaroon ng malakas na buto. Ang bitamina D naman ay nakatutulong sa pag-absorb ng calcium.

Pagkaing mayaman sa calcium:

  • Dairy products tulad ng gatas at keso
  • Green leafy vegetables tulad ng broccoli at repolyo
  • Tofu
  • Mani
  • Fortified na tinapay at juice
  • Isda na maaaring kainin ang mga buto tulad ng sardinas

Pagkain na mayaman sa bitamina D

  • Oily fish tulad ng salmon at tuna
  • Itlog
  • Fortified powdered milk

pagkain para lumakas ang buto

Tandaan

Siguraduhin na ihanda ang mga pagkain nang maayos. Kung ang iyong baby ay nagsimula na sa weaning o nagsisimula ng kumain ng solid na pagkain, hiwain ang mga pagkain sa maliliit na piraso at palambutin ito upang madaling manguya. Maliban sa mga pagkain para lumakas ang buto ng baby, alalahanin ang mga ito:

Kausapin ang iyong doktor tungkol sa tamang serving para sa edad

Sa pangkalahatan, ang mga baby na mas bata pa sa 6 na buwan ay kailangan ng 200 mg ng calcium kada araw, habang ang mga baby na 6 hanggang 11 buwan na edad ay kailangan ng 260 mg kada araw. Habang nasa konsultasyon, sasabihin ng iyong doktor ang tungkol sa inirekomendang serving ng pagkain na napili para sa pagpapalakas ng buto.

Palitan ang mga pangkaraniwang pagkain ng bersyon na mataas sa calcium

Halimbawa, kung binibigyan mo sila ng fruit juice paminsan-minsan, pumili ng brand na may fortified na calcium. Siguraduhin na mag-ingat tungkol sa mataas na nilalaman na asukal.

Ang mga baby ay natural na at-risk sa kakulangan ng bitamina D

Lahat ng mga baby simula pa noong isilang hanggang 12 buwan ay may banta sa kakulangan ng bitamina D, kung sila man ay eksklusibo o parsyal na pinapasuso. Ang mga baby na kumokonsumo nang higit sa 500 ml ng infant formula kada araw ay maaaring hindi magkaroon ng banta kung ang formula ay may bitamina D. Dahil sa rason na ito, mahalaga na kausapin ang doktor ng iyong baby tungkol sa bitamina D supplementation.

Mag-ingat sa exposure sa sinag ng araw

Ngayon nagtataka ka siguro: hindi ba’t ang sinag ng araw ay mainam na pinagmumulan ng bitamina D? Bakit hindi ko pwedeng paarawan nang saglit ang aking baby?

Ang American Academy of Pediatrics (AAP) ay hindi nirerekomenda ang exposure sa sinag ng araw sa pagkuha ng bitamina D. Binigyang-diin nila na ang mga baby na mas bata sa 6 na buwan ay hindi dapat nagkakaroon ng direktang sinag ng araw hangga’t maaari. Gayundin, huwag maglagay ng sunscreen sa kanilang balat.

Kung sila ay tumuntong na ng 6 na buwan, maaari mong kausapin ang iyong doktor sa akmang sunscreen lotion o cream.

Hikayatin ang iyong baby na mag-ehersisyo

Gaya ng nabanggit kanina, ang ehersisyo ay nakatutulong na magkaroon ng malakas na mga buto. Kaya’t sa pagbibigay mo sa iyong baby ng mga pagkain na mayaman sa calcium para sa buto at bitamina D supplementation, ikonsidera ang mga sumusunod na gawain na pampalakas:

  • Para sa mga baby na hindi pa naglalakad, hikayatin sila na maglaro nang aktibo sa lapag.
  • Para sa mga baby na naglalakad, hayaan silang maglaro ng pisikal na gawain nang 3 oras. Huwag mag-alala; hindi nila kailangan na ikonsumo ang buong 3 oras — maaari mong hatiin ang oras sa buong araw. Isama ang simple at nakapagpapalakas ng buto na gawain tulad ng pag-akyat at pagtalon.

Matuto pa tungkol sa Nutrisyon ng Baby dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Kids and Their Bones: A Guide for Parents
https://www.bones.nih.gov/health-info/bone/bone-health/juvenile
December 27, 2020

Strong Bones for You and Your Baby
https://www.health.ny.gov/publications/1992/index.htm
December 28, 2020

3 Ways to Build Strong Bones
https://kidshealth.org/en/parents/strong-bones.html
December 28, 2020

Food for healthy bones
https://www.nhs.uk/live-well/healthy-body/food-for-strong-bones/
December 28, 2020

Calcium
https://kidshealth.org/en/parents/calcium.html#:~:text=Babies%20get%20their%20calcium%20from,mg%20of%20calcium%20a%20day.
December 28, 2020

Sun Exposure in Children: Balancing the Benefits and Harms
https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC7001416/#:~:text=In%20fact%2C%20the%20American%20Academy,sunlight%20as%20much%20as%20possible.%E2%80%9D
December 28, 2020

Sun Safety for Children and Babies
https://www.childrenshospitaloakland.org/main/sun-safety-for-children.aspx#:~:text=Infants%20under%206%20months%20of,covers%20the%20arms%20and%20legs.
December 28, 2020

Boost your child’s bone health
https://www.bartlettgrouppractice.co.uk/syndication/live-well/healthy-body/bone-health-in-children
December 28, 2020

Kasalukuyang Version

03/28/2023

Isinulat ni Jerra Mae Dacara

Narebyung medikal ni Mae Charisse Antalan, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Mga Brand ng Baby Food na Mabibili ng mga Magulang

Alamin: Mga Pagkain para sa Baby-led Weaning


Narebyung medikal ni

Mae Charisse Antalan, MD

General Practitioner


Isinulat ni Jerra Mae Dacara · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement