Ang weaning o pag-awat ay ang oras kung kailan ang baby ay hindi na aasa sa gatas ng ina o formula milk para sa kanyang pagkain. Ibig sabihin din nito na ang weaning ay magsisimula sa sandaling pakainin mo ang iyong baby ng solid food. Ayon sa kaugalian, ang mga magulang at tagapag-alaga ng baby ay nagpapakain ng pureed o dinurog na pagkain. Ngayon, ayon sa mga eksperto na ang pagkain para sa baby-led weaning ay maraming pakinabang. Ano ang baby-led weaning, at paano mo mapipili ang pinakamainam na solid food para sa iyong baby?
Tradisyonal vs. Baby-led weaning
Tulad ng nabanggit kanina, ang tradisyunal na pag-awat ay ang pagpapakain ng pureed o dinurog na pagkain. Maaari silang pumili kung sila mismo ang maghahanda o bibili ng naka-pack na pagkain sa market.
Ang bentahe ng traditional weaning ay nakikita ng tagapag-alaga kung gaano karami ang kinakain ng bata at mas mababa ang tyansa na mabulunan.
Sa kabilang banda, ang ibig sabihin ng baby-led weaning ay hahayaan mo ang baby mo kumain ng sarili. Maaari mo itong magawa sa pamamagitan ng paglalagay ng mga pira-pirasong pagkain sa harap niya. Pagkatapos, hahayaan mo siyang kunin ang pagkain at isubo ito.
Ayon sa mga eksperto, isa sa mga benepisyo ng pagkain para sa baby-led weaning, ay napapahusay ang motor skills ng mga bata. Ito ay dahil kailangan nilang mag-explore gamit ang kanilang mga kamay at bibig. Bukod pa rito, hinihikayat sila ng pagkain para sa baby-led weaning na ngumunguya muna ng pagkain bago lunukin. Samantala, kabaligtaran ang nangyayari sa tradisyonal na pag-awat.
Ang tamang oras upang simulan ang pag-awat
Karaniwan, maaari mong simulan ang weaning sa oras na umabot na sa 6 na buwan ang iyong baby. Gayunpaman, siguruhing tingnan ang mga sumusunod na palatandaan na handa na sila:
- Nakakaupo nang tuwid at naka-steady ang ulo.
- Nilulunok ang pagkain sa halip na iluwa ito.
- Coordinated ang kanyang mga mata, kamay, at bibig upang makuha niya ang pagkain at isubo ito sa kanyang bibig.
Panghuli, tandaan na ang baby mo ay makakakuha pa rin ng nutrisyon mula sa gatas ng ina o formula milk sa panahon ng weaning. Ito ang dahilan kung bakit, ayon sa mga ulat, hindi mo kailangang mag-alala tungkol sa kung gaano karami ang kanyang kinakain.
Ang goal ay upang masanay sila sa pagkilos ng pagnguya at ang lasa at texture ng iba’t ibang pagkain.
Mga pagkain para sa baby-led weaning
Pwede kang magsimula ng pagpapakain sa iyong baby ng mga pira-pirasong malambot ng nilutong gulay. Upang bigyan ka ng ideya, heto ang listahan:
Mga gulay
- Broccoli
- Cauliflower
- Spinach
- Carrots
- Cabbage
- Pumpkin
- Sweet corn
- Cucumber
- Eggplant
Mga prutas
Pwede mong bigyan ang baby mo ng mga prutas bilang finger foods. Hugasan ang mga prutas at alisin ang anumang matigas na balat. Bukod dito, dapat na lutuin ang anumang matigas na prutas upang lumambot muna ang mga ito.
- Avocado
- Banana
- Orange
- Apple
- Pineapple
- Papaya
- Melon
- Peach
Mga Protina
Upang bigyan ang baby mo ng protina, tingnan ang mga sumusunod na pagkain. Lutuin ang mga ito at hiwain o pira-pirasuhin.
- Manok
- Karne ng baka
- Baboy
- Isda (walang buto)
- Tofu
Starches
At para sa carbohydrates, subukang ihanda ang mga sumusunod na pagkain:
Reminders
Kapag naghahanda ng pagkain para sa baby-led weaning, siguruhin na ang mga piraso, o tipak ng mga pagkain ay maaaring “hawakan” o i-grip.
Pinakamahalaga, huwag iwanan ang iyong baby. Siguraduhing panoorin siyang kumakain at tiyakin na hindi siya mabulunan.
Bukod pa rito, magbigay ng pagkain para sa baby-led weaning na maaaring magdulot ng allergic reaction nang paisa-isa. Ang mga halimbawa ng mga pagkaing ito ay:
- Gatas ng baka
- Itlog
- Mga pagkaing may gluten, tulad ng wheat
- Nuts and peanuts
- Shellfish
- Isda
- Soya
Dagdag pa rito, iwasan ang pagbibigay ng honey hanggang sila ay 1 taong gulang dahil maaari itong magdulot ng food poisoning.
Key Takeaway
Tandaan na walang mahirap at mabilis na tuntunin pagdating sa pagkain para sa baby-led weaning. Maaari mong gamitin ang tradisyunal na diskarte, ang baby-led method, o pagsamahin ang dalawa. Ang mahalaga ay nakukuha ng iyong sanggol ang lahat ng nutrients na kailangan niya para sa kanyang malusog na paglaki at pag-unlad.
Matuto pa tungkol sa Baby Nutrition dito.
[embed-health-tool-bmi]