Matapos matutunan kung paano pasusuhin ang kanilang mga sanggol, ang ilang mga ina ay humihingi ng karagdagang payo mula sa ibang mga ina kung paano paramihin ang gatas. May nagsasabi na nakakaapekto ang kinakain sa produksyon ng gatas. Narinig mo na ba kung ano ang galactagogues? Ano ang mga ito at paano nila madadagdagan ang suplay ng gatas ng ina? Alamin dito.
Karaniwang malaking alalahanin ng mga bagong nanay ang produksyon ng gatas. May ilang mga ina na maaaring may problema sa paggawa ng gatas dahil sa maling posisyon at pagpapasuso. Ang ilan naman ay maaaring hindi sigurado kung may sapat na gatas para sa kanilang sanggol. Bagamat karamihan sa mga ina ay may sapat na dami ng gatas, ang ilan ay gustong malaman kung paano paramihin ang gatas sa pamamagitan ng galactagogues.
Ano ang Galactogogues?
Ang mga galactogogues ay tumutukoy sa anumang sangkap– herbs, pagkain, mga gamot– na nag-uudyok sa produksyon ng gatas. Ito ay upang mabigyan ng kailangang nutrients ang mga sanggol.
Prolactin ang hormone na responsable para sa sapat na supply ng gatas. Sa pamamagitan ng nipple stimulation, lumalabas ang prolactin. Ang paglabas ng gatas, na kilala bilang letdown reflex — ang pagpapalabas ng gatas na na-trigger ng latching — ay kinokontrol ng isa pang hormone na tinatawag na oxytocin. Dahil sa mga hormone na ito, ang katawan ng ina ay nakagagawa ng eksaktong dami ng gatas na kailangan ng kanilang sanggol.
May mga pagkakataon na ang produksyon ng gatas ay maaaring maging problema. Pagkatapos ng premature delivery, ang supply ng gatas ay kadalasang limitado na tumatagal lang ng ilang linggo. Ilang pag-aaral din ang nagpakita ng kaugnayan ng paninigarilyo sa pagbaba ng produksyon ng gatas. Ang mga naninigarilyong nanay ay malamang na makitang mas maagang bumaba ang supply ng gatas.
Dahil sa mga problemang ito at iba pa, maaaring sulit na tingnan ang mga galactogogue para sa mga paraan kung paano paramihin ang gatas ng ina.
Paano Paramihin ang Gatas ng Ina sa Pamamagitan ng Galactogogues: Natural Herbs
Ang herbs ay una sa listahan kung paano paramihin ang gatas sa pamamagitan ng galactogogues.
Fenugreek
Fenugreek marahil ang pinakakaraniwan sa lahat ng mabisang herbal supplement na maaaring makatulong kung paano paramihin ang gatas ng ina.
Para sa daily dose ng herb na ito, inirerekomenda ang 3.5-6 gramo, depende sa payo ng iyong doktor.
Kapag umiinom ng fenugreek, napansin ng ilang kababaihan na sila ay amoy ng maple syrup. Ang mga sensitibo sa naturang amoy ay maaaring magkaroon ng mga contraction o allergic reactions dito. Samakatuwid, ang mga buntis, o ang mga allergic sa mani o soybeans, ay dapat na iwasan ang pag-inom ng fenugreek.
Maaari mong ihinto ang paggamit ng herb na ito kapag naabot na sa sapat ng suplay ng gatas. Ngunit, maaari itong magamit nang ligtas sa mahabang panahon.
Goat’s Rue
Ang Goat’s Rue, o Galega officinalis, ay mabisang galactogogue na mahusay na gumagana sa iba pang herbs sa listahang ito. Dahil ito ay nakakalason sa sariwang anyo nito, gumamit lamang ng commercially prepared na mga tuyong dahon na lisensyado ng FDA para sa tsaa o mga kapsula.
Blessed Thistle
Sa loob ng daan-daang taon, ang halaman na ito ay ginamit bilang gamot sa maraming kultura. Dahil dito, maaaring ito ang sagot para sa iyo kung paano paramihin ang gatas ng ina. Ito ay pinaka-epektibo kapag isinama sa fenugreek.
Available ang blessed thistle bilang kapsula o tsaa at dapat inumin ng tatlong beses bawat araw.
Alfalfa
Ang Alfafa ay isa pang uri ng pea na may mild effect sa suplay ng gatas. Ito ay dahil maaari itong mag-bind sa mga receptor ng estrogen. Maaari din itong isama sa fenugreek, tulad ng iba pang uri ng herbs. Ang mga sprout nito ay may kaaya-ayang lasa, nutty, kasama ang ilang health benefits.
Maaaring nasa iba’t ibang anyo ang herb na ito tulad ng pills o tablets. Maaari mo ring gamitin ang mga halamang ito upang mag-brew ng tsaa. Dahil ang mga epekto nito sa galactogogue ay naroroon pa rin sa form na ito.
Paano Paramihin ang Gatas sa pamamagitan ng Galactogogues: Drugs at Medications
Bukod sa natural at organic herbs na makakatulong sa iyo sa milk production, may ilang medications na gumagana bilang galactogogues.
Ang ilan ay may pharmacologic effects sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa mga receptor ng dopamine, na humahantong sa mas mataas na prolactin levels. Kaya tumaas ang supply ng gatas.
Metoclopramide
Ang gamot na ito ay ginagamit upang gamutin ang pagduduwal at pagsusuka. Ipinakita ng clinical studies na ang isang dose ng 10 milligrams tatlong beses bawat araw ay nagpapataas ng prolactin levels. Kaya ito ay nakakatulong paramihin ang gatas. Gayunpaman, maaari itong magdulot ng extrapyramidal side effect tulad ng panginginig at mabagal na shuffling movements, pati na rin ang depresyon.
Domperidone
Ginagamit ng mga tao ang gamot na ito upang gamutin ang dyspepsia pagkatapos kumain, reflux esophagitis, at pagsusuka sa pamamagitan ng pagpapabilis ng pag-alis ng laman ng tiyan. Ito ay magagamit din bilang isang over-the-counter na paggamot para sa after-meal bloating. Ang karaniwang dose ay 10 milligrams tatlong beses bawat araw.
Mas gusto ng ilan ang metoclopramide dahil sa napatunayang pagiging epektibo at kaligtasan nito sa mga kababaihan at mga sanggol. Ngunit ang Domperidone ay itinuturing ding ligtas dahil HINDI ito tumatawid sa blood brain barrier. Pumapasok ito sa gatas ng ina sa mas mababang sukat kaysa sa metoclopramide, na nagpapababa ng panganib ng toxicity sa ina at sanggol. Kaya ito ay potensyal na magandang opsyon.
Key Takeaways
Bagama’t hindi dapat maging isyu ang supply ng breastmilk hangga’t patuloy ka sa pagpapasuso, ang galactogogues ay maaaring makatulong sa breastfeeding mothers kung paano paramihin ang gatas. Bago uminom ng alinman sa mga herb na ito o supplements para sa lactation, importanteng kumunsulta muna sa iyong doktor. Ang ilang mga tao ay maaaring magkaroon ng allergic reactions sa mga herb o mga gamot.
Matuto nang higit pa tungkol sa Pagpapasuso dito.
[embed-health-tool-bmi]