backup og meta

Safety tips sa bahay para sa mga preschoolers

Safety tips sa bahay para sa mga preschoolers

Ang preschooler stage ay kung kelan ang bata ay nagiging mas mausisa sa mga nasa paligid. Sa ganitong edad, gusto nilang mag-explore at tingnan ang mga kakaibang bagay kahit saan sa loob ng bahay. Kaya naman napakahalaga na sundin ang mga safety tips sa bahay para sa preschoolers.

Bakit mahalaga ang home safety?

Mahalagang laging ligtas ang bahay para sa mga bata para iwas aksidente. Kasabihan nga “ prevention is better than cure”. Kaya ang safety tips sa bahay ay mas mainam kumpara sa pagharap sa anumang uri ng aksidente o panganib.

Ang safety sa tahanan ay hindi lamang para iligtas ang iyong mga anak mula sa mga panganib, ito rin ay para  matiyak na ang iyong mga anak ay mag-e-enjoy at masaya sa isang ligtas na kapaligiran.

Ang mga maliliit na pasa at gasgas ay isang natural na bahagi ng pagkabata, tulad ng maliliit na peklat na makukuha ng mga bata.

Isang preventive measure kung meron kang safe na tahanan para maiwasan ang anumang malubha at nakamamatay na aksidente.

Childhood accidents at safety tips sa bahay

Hindi maitatanggi na ang mga preschooler na edad 3 hanggang 5 ay prone sa mga minor at malalaking aksidente. Ito ay dahil nasa tuktok sila ng pagkamausisa, pati na rin ang kanilang kalikutan.

Narito ang mga karaniwang aksidente sa bahay na maaaring maranasan ng iyong preschooler at kung paano mo ito maiiwasan:

Pagkahulog

Ang pagkahulog ay common na aksidente ng mga preschooler. Nasa stage na sila ng kanilang pagkabata kung saan exciting sa kanila ang tumakbo at umakyat sa lahat ng oras.

Dahil isa na silang pro sa kalikutan, maaaring mawalan sila ng balanse. Maaari rin na hindi nila alam na ang nasa paligid ay maaaring magresulta sa pagkahulog. Narito ang mga safety tips sa bahay na maaari mong sundin:

  • Maglagay ng mga safety gate o mga harang sa itaas at ibaba ng hagdanan. Ang pagdaragdag nito sa iyong mga safety tips para sa mga preschooler sa bahay ay iwas aksidente sa pagkahulog sa hagdan.
  • Ipaayos ang mga harang sa bintana lalo sa mga bintanang naka-install sa mga itaas na palapag ng bahay. Ang mga window guards ay sapat na matibay at ligtas sa bata kahit na subukan niyang umakyat dito.

Gayundin, mas ligtas ang pagkakaroon ng mga single hung window kung mayroon maliliit na bata sa bahay. Ang ganitong uri ng window ay mabubuksan lamang sa pamamagitan ng paggalaw ng sash (window frame) pataas at pababa, na hindi magagalaw ng bata.

Heto pa ang ilang tips:

  • Ang mga pinto na patungo sa garahe o basement ay dapat laging nakasara.
  • Palaging bantayang mabuti kapag ang iyong preschooler ay umaakyat sa ibabaw ng mga kasangkapan at iba pang matataas na lugar sa bahay.
  • Ang mga furniture, tulad ng higaan ng iyong anak, ay dapat ilagay sa malayo sa bintana. Hindi ito mabubuksan o makakaakyat kapag hindi nasusubaybayan.
  • Ayusin ang mga cord na nakapalibot sa sahig ng bahay.
  • Maglagay ng hindi madulas na basahan sa banyo at mga carpet grip sa ilalim ng mga madulas na carpet.
  • Palaging panatilihing tuyo ang sahig, lalo na ang porcelain tile o marble floor. Bukod sa pagkahulog sa matataas na lugar, ang pagbagsak sa madulas na ibabaw ay maaari ding maging sanhi ng pinakamalubhang pinsala.

Choking

Kahit na mas okay kumain ang mga preschooler kumpara sa mga batang 2 taong gulang pababa, maaari silang mas madaling mabulunan dahil mahilig silang magsubo ng iba’t ibang bagay sa kanilang mga bibig. Upang maiwasan ang mabulunan, kailangan mong:

  • Siguraduhin na ang pagkain ng iyong anak ay hiwa-hiwain kasing para sa madaling pagnguya at paglunok.
  • Ang mga batang may edad na 4 pababa ay hindi dapat bigyan ng mga nakaka-choke na pagkain tulad ng mga mani, buong ubas, popcorn, hotdog, at matitigas na gooey kendi, kung walang nag-aalaga.
  • Bumili ng mga laruang angkop sa edad. Ang mga laruan na may maliit na trinkets sa mga ito ay hindi dapat para sa mga preschooler dahil madalas silang magsubo ng mga bagay sa kanilang mga bibig.
  • Itago ang maliliit na bagay tulad ng mga barya, butones, clip, alahas, at iba pang iba’t ibang bagay sa hindi maaabot ng iyong anak.

Pagkasakal

Ang mga maliliit na bata na madalas na naglalaro ng mga kurtina, mga lubid, at iba pang mga bagay na nakasabit ay maaaring maging biktima ng pagkakasakal. Upang maiwasan ang pagkasakal, mahalagang:

  • Panatilihing nakatago ang mga kurtina, nakasabit na mga lubid, mga blind chain at mga dekorasyon. Pipigilan nito ang mga bata na maglaro sa paligid ng mga bagay na ito at hindi sinasadyang masakal ang kanilang mga sarili.
  • Iwasang bigyan ang iyong mga preschooler ng mga bagay na magagamit nila sa pagtali sa kanilang leeg tulad ng mga laso at mga string.

Pagkalason

Bukod sa mabulunan, ang pagkalason ay isa ring nakamamatay na aksidente. Ito ay karaniwang nangyayari dahil madalas magsubo ng kung anu-ano ang mga preschooler.

Ang mga safety tips sa bahay ay maaaring makatulong na maiwasang mangyari ang pagkalason:

  • Mag-imbak ng mga panlaba at panlinis na produkto, mga gamot, toiletry, at baterya sa mga cabinet na hindi naa-access ng mga bata.
  • Tingnan ang mga expired na pagkain sa pantry o refrigerator dahil ang mga preschooler ay laging gustong maghanap ng pagkain.
  • Maaaring magdulot din ng pagkalason ang mga halaman—kaya naman kailangan ang masusing pagsasaliksik bago bumili ng mga halaman.

Electrical Shock

Ang electric shock ay karaniwan sa maliliit na bata dahil palagi silang mahilig humipo ng mga bagay na bago sa kanila. Hindi nila alam ang panganib kapag humahawak ng mga bagong bagay. Para maiwasan ang electric shocks:

  • Gumamit ng mga plastic socket cover sa hindi nagagamit na mga saksakan ng kuryente upang maiwasan ng bata  na itusok ito gamit ang kaniyang maliliit na daliri.
  • Itago ang lahat ng appliances sa hindi maabot ng iyong mga anak dahil may short circuit ang ilang appliances habang ginagamit, na maaaring magdulot ng electric shock.
  • Ang mga de-koryenteng bagay sa banyo, tulad ng mga hair straightener at blow dryer ay dapat na itago kaagad pagkatapos gamitin.

Ang nakamamatay na electric shock ay nangyayari kapag ang mga nakasaksak na appliances ay nahulog sa tubig. Mapanganib din ang paghawak ng mga appliances na basa ang mga kamay o habang nasa tubig.

Pagkalunod

Dahil napakaaktibo ng mga preschooler, karaniwan din ang pagkalunod sa edad na ito. Narito ang mga safety tips sa bahay para sa mga preschooler para maiwasan ang pagkalunod:

  • Kung mayroon kang bathtub, huwag iwanan ang iyong anak nang walang nag-aalaga kapag naliligo.
  • Huwag kailanman mag-iwan ng malaking balde ng tubig na walang takip. Maaaring isipin ng mga preschooler na abutin ang isang bagay sa balde, na maaaring maging sanhi ng pagkahulog nila.
  • Kapag nagsasanay sa toilet training, huwag iwanan ang iyong anak nang walang kasama dahil maaaring aksidenteng mahulog sila sa palikuran.

Mga Paso at Apoy

Ang mga paso at sunog ay dalawa sa mga pinakakaraniwang aksidente kung saan ang mga bata ay maaaring mamatay o malagay isang kritikal na kondisyon. Ito ang maaari mong gawin upang maiwasan ang mga aksidenteng ito na mangyari:

Pagkapaso

  • Ilagay ang lahat ng maiinit na inumin at pagkain pati na rin ang mga kagamitan sa pagluluto sa isang malayong lugar. Siguraduhing hindi ito naaabot o nalalapitan ng mga bata.
  • Huwag magluto o uminom ng maiinit na inumin habang hawak ang isang preschooler dahil sila ay masyadong aktibo.
  • Kapag nagluluto, ilayo ang mga kaldero at hawakan ng kawali mula sa kinatatayuan mo habang nagluluto ka. Kapag ang mga preschooler ay tumatakbo sa kusina, maaaring hindi nila sinasadyang tumabi sa kawali o kaldero na nagiging sanhi ng pagbuhos ng laman nito sa kanila.
  • Hintaying lumamig ang pagkain ng iyong anak bago ito ibigay sa kanila.

Apoy

  • Ilayo ang mga nasusunog na materyales mula sa apoy o mga kagamitan o bagay na umiinit.
  • Itago ang posporo at lighter sa mga lugar na hindi maabot.
  • Suriin at ayusin ang mga kable ng bahay.
  • Maghanda ng mga pamatay ng apoy sa iba’t ibang lugar ng iyong tahanan kung sakaling magkaroon ng sunog.
  • Malaking tulong din ang mga smoke detector sa pagpigil sa mga malalang aksidente na maganap.

Sa mga emergency cases, pinakamainam kung ang mga magulang ay mahusay na sanay sa first aid at CPR. Makakatulong ito sa kanila na magbigay ng agarang medical aid sa kanilang mga anak. Palaging tandaan na tawagan ang iyong lokal na emergency hotline para sa mabilis na atensyong medikal.

Key Takeaways

Bilang mga magulang, gusto mo ng lahat na mabuti para sa iyong mga anak. Kaya naman sinusubukan mong mabigyan sila ng komportable at ligtas na tahanan. Gayunpaman, hindi mo kailangang labis na protektahan sila mula sa pagkakasakit, dahil ito ay isang normal na bahagi ng kanilang paglaki.
Ang pagkakaroon ng safety tips sa bahay para sa mga preschooler sa lahat ng oras ay sapat na upang mapanatiling ligtas ang iyong mga anak.
Tandaan na laging bantayan ang iyong mga anak at turuan o paalalahanan sila na maging maingat sa kanilang paligid habang pinangangalagaan pa rin ang kanilang pagka mausisa.

[embed-health-tool-vaccination-tool]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Making Your Home Safe For Your Children  https://wa.kaiserpermanente.org/healthAndWellness/index.jhtml?item=%2Fcommon%2FhealthAndWellness%2Fchildren%2FparentingChild%2FhomeSafe.html Accessed July 3, 2020

Making Your Home Safe For Children https://www.saintlukeskc.org/health-library/making-your-home-safe-children# Accessed July 3, 2020

10 Way to Keep Your Family Safe https://www.stanfordchildrens.org/en/topic/default?id=10-ways-to-keep-your-family-safe-1-2331 Accessed July 3, 2020

Guidelines for Keeping you Child Safe at Home https://www.chla.org/blog/safety-tips/guidelines-keeping-your-child-safe-home Accessed July 3, 2020

Fall Safety for Kids: How to Prevent Falls https://www.mayoclinic.org/healthy-lifestyle/infant-and-toddler-health/in-depth/child-safety/art-20046124 Accessed July 3, 2020

Choking Prevention for Children https://www.health.ny.gov/prevention/injury_prevention/choking_prevention_for_children.htm Accessed July 3, 2020

Poisoning Prevention in the Home https://www.sahealth.sa.gov.au/wps/wcm/connect/public+content/sa+health+internet/healthy+living/protecting+your+health/your+home/poisoning+prevention+in+the+home Accessed July 3, 2020

Water Safety: Protect your Child from Drowning https://www.mayoclinic.org/healthy-lifestyle/infant-and-toddler-health/in-depth/child-safety/art-20044744 Accessed July 3, 2020

Burn Safety: Protect your Child from Burns https://www.mayoclinic.org/healthy-lifestyle/infant-and-toddler-health/in-depth/child-safety/art-20044027 Accessed July 1, 2020

 

Kasalukuyang Version

01/22/2023

Isinulat ni Corazon Marpuri

Narebyung medikal ni John Paul Abrina, MD

In-update ni: Lornalyn Austria


Mga Kaugnay na Post

Ano Ang Mga Hindi Dapat Gawin Sa Harap Ng Bata Bilang Magulang?

5 Sakit Na Maaari Makuha Ng Iyong Anak Kapag Naulanan Sila!


Narebyung medikal ni

John Paul Abrina, MD

Oncology · Davao Doctors Hospital


Isinulat ni Corazon Marpuri · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement