backup og meta

Paano Magdisiplina Ng Bata Nang Walang Pagsigaw o Pagpalo?

Paano Magdisiplina Ng Bata Nang Walang Pagsigaw o Pagpalo?

Ang pag-alam kung paano magdisiplina ng bata na hindi sumisigaw o namamalo ay hindi laging madali. Ito ay totoo lalo na para sa mga magulang na lumaki na nakagawian ang pagpalo o pagsigaw noong bata pa.

Ang problema sa pamamalo at pagsigaw ay nagbibigay lamang ito ng takot sa isang bata. Sa abot ng disiplina, hindi talaga ito epektibo. Hindi rin ito nagtuturo ng kahit anong pangmatagalang aral para sa mga bata. Sa katunayan, ang paghampas at pagsigaw sa iyong anak ay maaaring magparamdam sa kanila ng labis na kahihiyan. Ito ay maaaring humantong sa mga problema sa galit, aggression, gayundin ay maaari silang magkaroon ng hinanakit habang lumalaki. 

Ito ang dahilan kung bakit mahalagang iwasan ng mga magulang ang paggawa ng mga bagay na ito kung gusto nilang mapangalagaang mabuti ang kanilang mga anak.

Paano Magdisiplina Ng Bata Nang Walang Pagsigaw o Pagpalo?

Narito ang 5 bagay na dapat mong tandaan pagdating sa kung paano magdisiplina ng bata:

1. Maging magandang huwaran para sa iyong anak

Una sa lahat, ikaw ang role model ng iyong anak. Nangangahulugan ito na anuman ang mga halimbawang itinakda mo, ibabatay niya ang kanyang mga pag-uugali batay sa iyong ginagawa. Kung gagawa ka ng mga positibong bagay, susunod ang iyong anak. Subalit, kung mayroon kang masamang pag-uugali, malamang, iisipin ng iyong anak na ayos lang ang ganoong pagkilo.

Kailangan mong ipakita ang pag-uugali na gusto mong paunlarin ng iyong anak. Halimbawa, kung gusto mong maging tapat sila, dapat palagi kang maging tapat, lalo na kung nakikita ka ng iyong anak. Kailangan mong maging maingat sa iyong mga salita at kilos, upang ikaw ay maging pinakamahusay na role model para sa iyong anak.

2. Magtakda ng mga limitasyon at maging malinaw tungkol dito

Sumond naman sa listahan kung paano magdisiplina ng bata nang hindi sumisigaw o namamalo ay ang pagtakda ng mga limitasyon at maging malinaw sa mga ito. Kung magtatakda ka ng ilang partikular na panuntunan sa bahay, tiyaking ipaliwanag sa iyong anak kung bakit ipinatupad ang mga nasabing panuntunan.

Halimbawa, sa halip na sabihin sa kanila na huminto na lang sa panonood ng TV, mas mabuting ipaliwanag kung bakit nila ito dapat gawin. Ang pagpapaliwanag sa kanila kung bakit mo itinakda iyon ay nagbibigay-daan sa kanila na maunawaan kung bakit kailangan nilang sundin ang mga ito.

Ito ay isang mahusay na paraan upang ipaunawa sa kanila na ang mga limitasyon ay nariyan nang may dahilan. Hindi lamang ito isang paraan para sa iyo na “i-boss” ang iyong anak.

3. Magbigay ng mga kahihinatnan para sa masamang pag-uugali

Ang isa pang paraan kung paano magdisiplina ng bata nang hindi sumisigaw o namamalo ay ang pagbigay ng mga kahihinatnan para sa masamang pag-uugali. Halimbawa, kung hindi ginawa ng iyong anak ang kanilang mga gawain o takdang-aralin, ang kahihinatnan nito ay iiksi ang kaniyang screen time. O maaari mong hilingin sa kanila na gumawa ng ilang karagdagang gawain sa bahay sa loob ng isang linggo upang mabayaran ang mga gawaing hindi nila nagawa. Maaari mo ring subukan ang “Time Out” o “Face The Wall,” kung saan kailangan nilang gumugol ng ilang minuto upang maging tahimik. Ang tagal ng time out ay maaaring makalkula sa pamamagitan ng pag-multiply ng edad ng bata sa oras. 

Kailangang maging makatotohanan ang mga maiisip na kahihinatnan, at dapat itong magsilbi bilang learning experience upang ipaalam sa iyong anak na hindi nila basta-basta magagawa ang mga bagay ayon sa gusto nila. Gayunpaman, nararapat na tandaan na ang postive reinforcement ay higit na mas mainam pa rin.

4. Hikayatin ang mabuting pag-uugali

Ang pang-apat sa mga paraan kung paano magdisiplina ng bata ay paghihikayat ng mabuting pag-uugali. Kung magbibigay ka ng mga kahihinatnan para sa masamang pag-uugali, nararapat na hikayatin o gantimpalaan din ang mabubuting gawi. Ipinapaalam nito sa iyong anak na ang paggawa ng tama ay may mga positibong epekto. At, ito rin ang maaaring magpadama sa kanila na kinikilala sila.

Laging purihin ang iyong anak kung gumawa siya ng mabuti, at ipaalam sa kanya na pinahahalagahan mo ang kanilang ginagawa. Ito ay nagpapadama sa kanila na nakikita at minamahal sila. Sa gayon ay nahihikayat din siyang gumawa ng higit pang mabuti sa hinaharap.

5. Huwag sumuko

Ang hindi pagsuko ay ang panghuli sa listahan ng kung paano magdisiplina ng bata nang hindi sumisigaw o namamalo. Hindi madali ang pagdidisiplina ng bata lalo na kung makukulit ang mga ito. Ayos lang kung hindi mabilis na natutunan ng iyong anak ang tamang pag-uugali. Maaaring tumagal ng ilang oras ang pagtuturo sa kanya.

Ang mahalaga ay consistent ka, at lagi mong ginagawa ang lahat ng iyong makakaya upang maiwasan ang pananakit o pagsigaw sa iyong anak. Kalaunan, matututunan niya ang tamang pag-uugali basta hindi ka susuko.

Bilang pangwakas, kung ang isang negatibong pag-uugali ng isang bata ay labis na para sa mga magulang, dapat silang kumunsulta sa kanilang pediatrician. Malaki na posibilidad na ito ay mga senyales na mayroong behavioral problem kung ang iyong anak ay mahirap ng kontrolin.

Alamin ang iba pa tungkol sa Pagiging Magulang dito.

[embed-health-tool-vaccination-tool]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

1 How Can Parents Discipline Without Spanking? (for Parents) – Nemours Kidshealth, https://kidshealth.org/en/parents/spanking.html, Accessed September 8, 2021

2 What’s the Best Way to Discipline My Child? – HealthyChildren.org, https://www.healthychildren.org/English/family-life/family-dynamics/communication-discipline/Pages/Disciplining-Your-Child.aspx, Accessed September 8, 2021

3 How To Get Children To Behave Without Hitting Them : Shots – Health News : NPR, https://www.npr.org/sections/health-shots/2014/09/19/349580020/how-to-get-children-to-behave-without-hitting-them, Accessed September 8, 2021

4 Alternatives to Spanking – NIU – Child Development and Family Center, https://www.chhs.niu.edu/child-center/resources/articles/alternatives-to-spanking.shtml, Accessed September 8, 2021

5 Effective discipline for children, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC2719514/, Accessed September 8, 2021

Kasalukuyang Version

10/18/2024

Isinulat ni Fiel Tugade

Narebyung medikal ni Ruben Macapinlac, MD, DPPS

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Ano Ang Mga Hindi Dapat Gawin Sa Harap Ng Bata Bilang Magulang?

5 Sakit Na Maaari Makuha Ng Iyong Anak Kapag Naulanan Sila!


Narebyung medikal ni

Ruben Macapinlac, MD, DPPS

Pediatrics · Philippine Pediatric Society


Isinulat ni Fiel Tugade · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement