Laging gumamit ng positive reinforcement sa pagdidisiplina upang mahikayat ang mabuting ugali ng bata. Sa lahat ng sistema ng gantimpala sa mga bata, ito ay napatunayan na mas epektibo kaysa sa iba.
Maging Isang Mabuting Halimbawa
Ang mga bata ay mahusay sa panggagaya. Sinusunod nila ang kanilang nakikita o naririnig, at dahil ang mga magulang ang lagi nilang nakikita, madalas na ginagaya nila ang ugali ng kanilang Nanay at Tatay. Kaya’t ang mga laging nagbabasa ay kadalasan ay nagpapalaki ng mga batang mahilig magbasa, o ang mga sporty na magulang ay nagkakaroon ng mga athletic na anak.
Kung nais mong malaman paano mo mahihikayat ang mabuting pag-uugali sa mga bata, ikaw bilang halimbawa ang pinaka mainam kaysa sa kahit na anong sermon. Kapag nais mo silang matulog nang maaga, kailangan mong matulog din nang maaga. Kung nais mo silang kumain ng mga gulay, kailangan mong ipakita sa kanila na ikaw ay kumakain din ng mga gulay.
“Gawin mo ang sinasabi ko, hindi sa kung anong ginagawa ko,” ay kadalasang hindi gumagana. Ang mga bata ay laging susundin kung ano ang iyong ginagawa, kaya’t mainam na siguraduhin na ikaw ay nagtatakda ng magandang halimbawa.
Gantimpalaan ang Magandang Pag-uugali
Mayroong iba’t ibang sistema sa gantimpala para sa mga bata na naaayon sa kanilang edad. Kung magagawa ang mga ito, ang paghikayat ng mabuting pag-uugali sa iyong mga anak ay magiging madali.
Para sa mga toddlers at preschoolers, maaari kang gumamit ng sticker method na mayroong smiley at sad na mga mukha. Kung nakakuha sila ng tiyak na bilang ng smileys o sad na mukha, makakukuha sila ng alinman sa gantimpala, o ipapaliwanag nila ano ang nangyari sa panahon na iyon.
Mga komento
Ibahagi ang iyong mga iniisip
Maging una sa pagpapaalam sa Hello Doctor ng iyong iniisip!
Sumali sa amin o Mag-log in para makasali sa pag-uusap