backup og meta

Paano magpalaki ng teenager? Alamin dito ang tips at milestones sa adolescence

Paano magpalaki ng teenager? Alamin dito ang tips at milestones sa adolescence

Mahirap magpalaki ng teenager na anak, at bilang isang magulang ayaw mo silang mapahamak o masaktan. Gusto mo silang maging mabuti at matagumpay sa kanilang karera sa buhay. Pero ngayong papunta na sa adolescence ang iyong anak, nagbabago na ang kanilang mga pangangailangan at gusto kaya may pagkakataon na nahihirapan ka sa kanila.

Ayon sa mga eksperto, ang isa sa mahusay na hakbang para maunawaan ang gusto at pinagdadaanan ng anak ay ang pag-alam ng mga yugto ng early adolescence. Malaki ang maitutulong nito upang mas maintindihan mo kung paano magpalaki ng teenager. Kaya naman patuloy na basahin ang artikulong ito para matutunan ang mga mahahalagang impormasyon tungkol sa stages ng early adolescence at paano magpalaki ng teenager.

Paano Magpalaki ng Teenager?

Mga pisikal na pagbabago ng teens

Ang unang bagay na kailangan mong paghandaan ay ang mga pisikal na pagbabagong pagdadaanan nila.

Ang mga batang babae ay magsisimulang lumaki ang mga suso at buhok sa katawan (sa genital area, sa ilalim ng mga braso, at sa mga binti), at makakaranas ng mga pagbabago sa kanilang timbang at taas. Isang taon o dalawa pagkatapos ng mga unang senyales ng puberty, magkakaroon sila ng kanilang regla, kaya ihanda ang mga paksang kailangan mong sabihin sa kanila tungkol sa kanilang unang regla.

Ang mga lalaki naman ay magsisimulang makaranas ng pagtubo ng buhok sa katawan (sa bahagi ng ari, sa mukha, at sa ilalim ng mga braso), pagbabago ng boses, at pagbabago ng timbang at taas. Bukod dito, mapapansin din nila na lumalaki ang kanilang mga testicle at humahaba at lumalaki ang kanilang ari. Malapit na silang magsimulang magkaroon ng erections at maaaring maglabas ng kaunting sperm sa gabi habang natutulog sila (wet dreams). Ang pagbibinata din ang panahon para sa maraming lalaki na sumailalim sa pagtutuli.

Tips:

  • Tulungan silang asahan ang mga pagbabagong ito sa katawan, ngunit mas tumutok sa kanilang mga strengths sa halip na sa mga pisikal na pagbabagong nararanasan nila. Gabayan silang maging mabuti ang tingin sa kanyang sarili.
  • Iwasang magpakita ng awkwardness kapag pinag-uusapan ang kanilang mga concerns. Ito ay hihikayat sa kanila na isipin ang mga potensyal na problema sa kabataan, tulad ng mga acne breakout at isang hindi inaasahang erection.
  • Mag-ingat sa mga palatandaan ng pagkabalisa na pangalawa sa mga pagbabago sa kanilang katawan.

Malamang na ipush nila ang independence

Ang isa pang kapansin-pansing bagay tungkol sa mga milestone ng early adolescence ay ang kanilang pangangailangan para sa awtonomiya. Ang pangangailangang ito ay kadalasang dahilan kung bakit tingin ng maraming tao na ang teenage years ay “rebellious” stage.

Gayunpaman, ang pagiging rebellious ay hindi katangian ng karamihan sa mga kabataan. Ayon sa mga eksperto, sinusubukan lamang ng iyong anak na gawin ang mga bagay nang nag-iisa, kaya tila “humiwalay” sila sa iyo. Heto ang ilang tips kung paano magpalaki ng teenager.

Tips:

  • Tandaan na ang mga kabataan ay maaaring magkaroon ng higit pang mga responsibilidad, kaya okay lang na palawakin ang mga limitasyon na nai-set mo sa ilang bahagi ng kanilang buhay.
  • Magtakda ng mga makatwirang limitasyon at panagutin sa paglabag sa mga rules. Halimbawa, maaari mong hayaan silang magkaroon ng kanilang social media account; gayunpaman, maaari lamang silang magdagdag ng mga taong kilala nila nang personal.
  • Asahan (at tanggapin) na ang mga opinyon ng iyong tinedyer ay maaaring iba sa iyo.

paano magpalaki ng teenager

Maghanda para sa emotional at social changes

Ang early adolescence ay kinabibilangan ng hindi lamang mga pisikal na pagbabago, ngunit emosyonal at panlipunan din. Maaari silang magsimulang magpakita ng matinding damdamin at emosyonal ups and downs. Sa lipunan, maaari nilang hanapin ang kanilang identity.

Dahil dito, maaari silang dumaan sa isang bahagi ng pagkilos nang hindi nag-iisip. Sa paghahanap ng kanyang pagkakakilanlan, maaaring magpasya ang iyong tinedyer na kulayan ang kanyang buhok, magsuot ng hindi kinaugalian na damit, o sumali sa isang bagong grupo ng mga kaibigan.

Bago tumanggi sa kanilang mga desisyon, tandaan na ang iyong tinedyer ay bumubuo pa rin ng kanilang pagkakakilanlan. Natututo pa rin silang makilala ang tama o mali. Bukod dito, nagsisimula pa lang nilang malaman, na ang mga aksyon ay may mga consequences.

Heto ang ilang tips kung paano magpalaki ng teenager.

Tips:

  • Piliin ang iyong mga laban depende sa pagkakataon. Ayon sa mga eksperto, maaaring magandang ideya na hayaan ang iyong anak na gumawa ng hindi nakakapinsala at pansamantalang mga bagay tulad ng paggamit ng nail polish na itim sa kanilang mga kuko. Pag-isipang ipagpaliban muna ang iyong mga argumento sa mga bagay na talagang mahalaga, tulad ng pag-abuso sa alkohol at substance, at mga permanenteng pagbabago sa katawan, tulad ng mga tattoo.
  • Mag-ingat sa mga peligrosong gawi, gaya ng pag-aaway at pagsisinungaling. Maaaring may mga nakababahalang dahilan sa likod ng mga ito.

Magtiwala sa iyong anak at igalang ang kanilang privacy

Marahil, ang pagbibigay ng privacy sa iyong anak ay isa sa pinakamahirap na aspeto ng pagiging magulang ng isang teenager.

Dahil ang mga kabataan ay totoong bata pa, pakiramdam ng ilang mga magulang na dapat may pakialaman sila sa lahat ng bagay.Tandaan na inihahanda mo silang maging matanda. Kaya naman, kailangan mo silang bigyan ng privacy.

Heto ang ilang tips kung paano magpalaki ng teenager.

Tips:

  • Iwasang basahin ang kanilang mga mensahe, e-mail, at text. Gayundin, please huwag makinig sa kanilang mga tawag sa telepono.
  • Siyempre, maaari mong i-invade ang kanilang privacy kung pinaghihinalaan mo na nasa malubhang problema sila.
  • Magtanong lang ng mahahalagang detalye, tulad ng kung saan sila pupunta, kailan sila babalik, kung ano ang kanilang gagawin, at kung sino ang kasama nila.
  • Kausapin sila nang madalas, ngunit huwag itanong ang bawat detalye ng kanilang mga aktibidad.

Teenage Mental Health Crisis: Mga Red Flags na Dapat Abangan

Mag-ingat sa mga health risk

Panghuli, ang maagang pagbibinata ay may kasamang mga potensyal na panganib sa kalusugan, gaya ng paggamit ng alkohol o substance, paninigarilyo, at depresyon.

Mag-ingat sa mga sumusunod na red flags:

  • Poor academic performance
  • Mga problema sa pagtulog
  • Mga nakikitang pagbabago sa pag-uugali at personalidad
  • Pag-uusap at pagbibiro tungkol sa pagpapakamatay
  • Mga palatandaan ng paggamit ng tabako, alak, at droga.
  • Run-ins na may authoritative figures

Mukhang walang katapusan ang listahan ng problema sa teenagers sa simula kung paano magpalaki ng teenager, ngunit maaari pa rin silang maging responsable, communicative, at independent adults sa iyong matiyaga at consistent na paggabay.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

A Parent’s Guide to Surviving the Teen Years
https://kidshealth.org/en/parents/adolescence.html
Accessed January 11, 2020

Common Teenage Problems And Their Solutions
https://www.jbcnschool.edu.in/blog/common-teenage-problems-solutions/
Accessed January 11, 2020

Teenage development: what to expect
https://raisingchildren.net.au/teens/development/understanding-your-teenager/teen-development
Accessed January 11, 2020

Stages of Adolescence
https://www.healthychildren.org/English/ages-stages/teen/Pages/Stages-of-Adolescence.aspx
Accessed January 11, 2020

Young Teens (12-14 years of age)
https://www.cdc.gov/ncbddd/childdevelopment/positiveparenting/adolescence.html
Accessed January 11, 2020

Kasalukuyang Version

09/26/2024

Isinulat ni Corazon Marpuri

Narebyung medikal ni Mike Kenneth Go Doratan, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Kaugnay na Post

Ano Ang Autocratic Parenting, At Paano Ito Ginagawa?


Narebyung medikal ni

Mike Kenneth Go Doratan, MD

General Surgery · The Medical City Ortigas


Isinulat ni Corazon Marpuri · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement