backup og meta

Ulcers Sa Bata: Heto Ang Mga Dapat Gawin Ng Mga Magulang

Ulcers Sa Bata: Heto Ang Mga Dapat Gawin Ng Mga Magulang

Naniniwala ang ilang mga tao na ang pagkain ng mga maanghang na pagkain ay humahantong sa mga peptic ulcer; iniisip nila na ang mga taong may mataas na stress na trabaho ay mas vulnerable. Gayunpaman, ito ay mga maling akala. Ang katotohanan ay, ang ulcer ay nangyayari dahil sa Helicobacter pylori at lahat – kahit na mga bata – ay maaaring makaranas nito. Ngunit, ano ang nagiging sanhi ng mga ulcers sa bata?

Peptic Ulcers, Defined

Bago natin pag-usapan kung ano ang nagiging sanhi ng ulcers sa bata, bigyan muna natin ng maikling kahulugan kung ano ang kondisyon: Ang peptic ulcers ay mga bukas na sugat o sugat sa tiyan o duodenum (ang unang bahagi ng maliit na bituka). Gastric ulcer ang ulcer sa lining ng tiyan, habang ang ulcer sa duodenum ay tinatawag na isang duodenal ulcer.

Mga Sintomas ng Ulcer sa Tiyan o Duodenal sa Bata

Ang nakakalito sa mga ulcer ay hindi sila madalas may mga sintomas. Kung meron, ito ay malamang na isang empty feeling o isang “nagngangalit” na sakit sa itaas na tiyan, sa pagitan ng breastbone at ng pusod. Karaniwan ang pananakit sa umaga o sa pagitan ng pagkain.

Less common symptoms ng peptic ulcers sa bata:

  • Belching o burping
  • Pagduduwal at pagsusuka; minsan, ang mga bata ay nagsusuka na may kasamang dugo
  • Mahina ang gana, na maaaring humantong sa pagbaba ng timbang o hindi tumataba
  • Fatigue
  • Bloating
  • Dugo sa dumi

Kung napansin mo ang mga sintomas na ito sa iyong anak, huwag gumawa ng mga home remedy; dalhin siya sa doktor. Maaaring kailanganin nila ang mga gamot para mabawasan ang acid sa tiyan o mga antibiotic para maalis ang H. pylori bacteria.

Ano ang Nagdudulot ng Ulcers sa Bata?

Ang kaalaman sa mga nagiging sanhi ng mga ulcer sa mga bata ay makakatulong na alisin o bawasan ang exposure sa mga trigger. Nasa ibaba ang mga potensyal na dahilan kung bakit nagkakaroon ng peptic ulcers sa bata:

H. pylori infection

Una sa aming listahan ay H. pylori infection. Ang bakterya ay gumagawa ng mga sangkap na nagpapahina sa protective mucus ng iyong anak, na ginagawa itong mas mahina sa mga epekto ng acid. Paniwala ang ilang eksperto na habang ang impeksyon sa H. pylori ay maaaring pinaka karaniwang sanhi ng ulcer sa adults, maaaring ito ay isang factor lamang sa mga bata. Ang mga factor na nagpapataas ng risk ng impeksyon sa H. pylori ay:

  • Nakatira sa isang masikip na lugar
  • Bed-sharing
  • Genetics; Maaaring may mas mataas na risk ang mga Hispanic at African-American na background.

Finally, sinasabi ng mga pag-aaral na ang mga bata na ang mga magulang ay may peptic ulcer ay mas malamang na magkaroon ng mga ulcer, lalo na kung ang ulcer ng magulang ay dahil sa impeksyon ng H. pylori.

Mga gamot

Naniniwala ang mga doktor na mas maraming bata ang nagkakaroon ng gastric ulcer na nauugnay sa gamot. Ayon sa kanila, kahit na moderate use ng Non-steroidal Anti-inflammatory Drugs (NSAIDs) ay maaaring mauwi sa ilang digestive issues tulad ng pagdurugo.

Ang mga karaniwang NSAID ay pwedeng mas madaling masira ang tiyan dahil sa acid ay ibuprofen, naproxen, at aspirin. Tandaan na ang acetaminophen ay hindi humahantong sa isang ulcer; kaya naman isa ito sa mapagpipilian.

Paninigarilyo

Ano ang nagiging sanhi ng ulcers sa bata? Ayon sa mga ulat, ang mga naninigarilyo ay mas malamang na magkaroon ng mga ulcer kaysa sa mga hindi naninigarilyo. Bukod dito, ang habit ay nagpapabagal sa oras ng paggaling at pinatataas ang risk na maulit ang ulcer.

Ang paninigarilyo ay maaaring mas karaniwan sa mga kabataan, ngunit sinasabi ng mga eksperto na ang second-hand smoke ay isa ring factor para sa mga mas bata.

Sakit

Panghuli, ang mga bata na may malalang sakit, malalaking operasyon, at malubhang pagkasunog ay maaaring magkaroon ng mga ulcer dahil sa pisikal na stress. Ang posibilidad na umiinom sila ng mga NSAID ay maaaring muling mangyari.

Paano Pangasiwaan ang mga Ulcer sa Bahay

Tulad ng nabanggit, ang unang hakbang ay dalhin sila sa doktor para malaman kung ano ang nagiging sanhi ng mga ulcers sa bata. Kapag nagrekomenda ang doktor ng plano sa paggamot, maaari mong gawin ang sumusunod sa bahay:

  • Kung ito ay impeksyon sa pylori, siguraduhin na ang iyong anak ay umiinom ng lahat ng kanilang mga antibiotic gaya ng inireseta, kahit na bumuti ang kanyang pakiramdam.
  • Sundin ang kanilang payo na magpalit ng mga gamot; tiyakin din na ang iyong anak ay umiinom ng iniresetang gamot na nagpapababa ng acid.
  • Limitahan ang kanilang mga pagkain na tila nagti-trigger ng kanilang mga sintomas. Ang caffeine ay dapat na iwasan dahil ito ay nagti-trigger ng acid production. Gayunpaman, tandaan na ang isang malusog, balanseng diet ay mahalaga para sa kanilang pagpapagaling.
  • Mag-ingat sa habits na maaaring mag-trigger o magpalala ng kanilang mga ulcer, tulad ng paninigarilyo at pag-inom ng alak.

[embed-health-tool-bmr]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Peptic Ulcers
https://kidshealth.org/en/parents/peptic-ulcers.html
Accessed February 19, 2021

Stomach and Duodenal Ulcers in Children
https://www.urmc.rochester.edu/encyclopedia/content.aspx?ContentTypeID=90&ContentID=P02021
Accessed February 19, 2021

Peptic Ulcers in Children
https://www.childrenshospital.org/conditions-and-treatments/conditions/p/peptic-ulcers-in-children
Accessed February 19, 2021

Peptic Ulcer in Children
https://www.msdmanuals.com/home/children-s-health-issues/digestive-disorders-in-children/peptic-ulcer-in-children
Accessed February 19, 2021

Ulcers in Children
https://www.nationwidechildrens.org/family-resources-education/700childrens/2016/03/ulcers-in-children
Accessed February 19, 2021

Smoking and the Digestive System
https://www.hopkinsmedicine.org/health/conditions-and-diseases/smoking-and-the-digestive-system
Accessed February 19, 2021

Kasalukuyang Version

01/24/2023

Isinulat ni Corazon Marpuri

Narebyung medikal ni Elfred Landas, MD

In-update ni: Corazon Marpuri


Mga Kaugnay na Post

Sanhi Ng Child Obesity, Anu-Ano Nga Ba?

Constipation ng Bata: Mga Remedyo at Gamot


Narebyung medikal ni

Elfred Landas, MD

General Practitioner · Maxicare Primary Care Center


Isinulat ni Corazon Marpuri · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement