backup og meta

Constipation Sa Bata: Kailan Dapat Mag-alala Dito?

Constipation Sa Bata: Kailan Dapat Mag-alala Dito?

Tulad ng mga matatanda, ang mga bata ay maaari ring maging constipated. At habang ang karamihan sa mga kaso ay hindi nakapipinsala at maaaring gamutin sa bahay, ito ay magiging kapaki-pakinabang pa rin para malaman ng mga magulang kung kailan tutungo sa ospital. Kailan dapat mag-alala kapag may cosntipation? 

Ang mga sintomas ng Constipation sa mga Bata 

Ang mga bata ay nakararanas ng constipation kapag mayroon silang madalang na paggalaw ng bituka (mas kaunti sa tatlo sa isang linggo) o matigas, tuyong tae.

Ayon sa Rome 4 Criteria for Functional Constipation in Children, hindi bababa sa dalawa ang mga sintomas na dapat makita sa loob ng isang buwan

  •  Mas mababa sa 2 defecations sa isang linggo 
  •  May history ng labis na pagpapanatili ng tae / dumi 
  •  May histopry ng masakit o matigas na paggalaw ng bituka 
  •  May history ng malalaking tipak ng tae / dumi 
  • Isang episode sa isang linggo ng kawalan ng pagpipigil sa pag-ihi sa ibata na sinanay na sa banyo

Gayunpaman, bago ka mag-alala tungkol sa constipation ng mga bata, mangyaring tandaan na ang bawat isa ay may sariling mga gawi sa banyo.

Ang mga batang sanggol ay maaaring tumae/ dumumi ng ilang beses sa isang araw, depende sa kung mayroon silang breastmilk o formula na gatas. Sa 6 na linggo, maraming mga breastfed na sanggol ay hind pwedeng dumumi araw-araw, ngunit maaari mo pa ring ligtas na sabihin na hindi sila constipated (hangga’t wala silang kahirapan at tuyong tae/ dumi ).

Ang ilang may edad na bata ay maaaring tumae/ dumumi ng higit sa isang beses sa isang araw, ngunit ang iba ay maaaring tumae / dumumi minsan sa iba pang mga araw. Dahil ang bilang ng paggalaw ng bituka ay iba-iba, ipinapayo ng mga eksperto sa mga magulang na tingnan ang sumusunod na palatandaan at sintomas ng constipation sa mga bata

  • Mas madalang na pagtae/ pagdumi 
  • Masakit at Mahirap na pagdaloy ng tae/ dumi 
  • Bloating at sakit sa tiyan 
  • Smay puwersa na pagtae/ pagdumi 
  • Mayroong kaunting dugo sa toilet paper at sa tae/ dumi 
  • Palagiang pagsusuka 
  • Mataas na lagnat 
  • Tenderness ng tiyan 
  • Guarding sa area ng tiyan 
  • Abdominal Distention
  • Jaundice

Paano Gamutin ang Constipation sa Bahay 

Kailan dapat mag-alala sa constipation ng mga bata ? Naghahanap ka ba ng mga natural na laxatives para sa mga bata upang mabawasan ang kanilang constipation? Kung ganoon nga ang kaso, Mainam na malaman ang mga simpleng gawi upang maging maayos ang galaw ng bituka ng mga bata. Ang mga ito ay ang sumusunod:

Bigyan sila ng maraming tubig

Ang unang hakbang ay bigyan sila ng maraming tubig. Ang dami ng mga tubig na kailangan sa mga bata ay iba-iba depende sa kanilang edad at timbang. Tulad ng constipation, pinapayuhan silang magkaroon ng higit pang tubig. .

Karamihan sa mga bata na nag-aaral na ay nangangailangan ng 1.5 hanggang 2 L na tubig sa bawat araw. Ang mas matanda at mas malaking mga bata ay kailangan ng 2 hanggang 3 L ng tubig sa bawat araw.

Patuloy na bigyan sila ng isang high-fiber diet 

Kapag nagsimula kang mag-alala tungkol sa constipation sa mga bata, isipin ang mga pagkaing mataas ang hibla (fiber) at tandaan na itinataguyod nila ang maayos na daloy ng tae/ dumi.

Huwag kalimutang bigyan ang iyong anak ng hindi bababa sa 2 serving ng prutas araw-araw, lalo na ang prutas na may balat, tulad ng papaya, prun, pasas, at plums. Hindi bababa sa 3 serving ng mga gulay sa bawat araw ay mahalaga din. Tulad ng carbohydrates, dapat silang magkaroon ng iba’t ibang whole grain hangga’t maaari.

Isang mabilis na paalala: Kapag nagdadagdag ng fiber na pagkain, gawin ito nang dahan-dahan sa loob ng ilang linggo.

Pakilusin Sila 

Kasama sa mga lunas sa loob ng bahay para sa constipation ay ang pisikal na gawain. Sinasabi ng mga eksperto na ang ehersisyo ay nakatutulong upang kumilos ang mga bituka. .

Kung ang iyong anak ay nahihirapan, hikayatin silang kumilos. Ang kanilang ehersisyo ay hindi kailangang kumplikado. Malaro sa labas, sumakay sa isang bisikleta, o pagsipa ng bola upang maging mabuti ang kanilang kalusugan.

Bigyan sila ng prune juice 

Naghahanap ka ba ng mga natural na laxatives para sa mga bata? Ayon sa mga ulat, ang prune juice ay maaaring gumana para sa ilang mga bata.

Ang mga sanggol na mas matanda kaysa sa 6 na buwan ay maaaring magkaroon ng 2 hanggang 4 onse (ounces) ng prune juice bawat araw, habang ang mas matanda at mas malaking mga bata ay maaaring magkaroon ng higit pa.

Kung hindi nila gusto ang lasa, maaari mong ihalo ang prune juice sa iba pang mga fruit juice tulad ng Apple at Cranberry. Maaari mo ring i-freeze ito upang gumawa ng ice pop.

Itaguyod ang mabuting gut health 

Pinakamainam na magpahinga muna sa potty training hanggang tumigil ang constipation. Ngunit sa sandaling ang kalagayan ay nalunasan na, maaari mong gawin ang sumusunod na hakbang:

  • Himukin ang bata na umupo sa banyo para sa mga 3 hanggang 5 minuto pagkatapos ng almusal, tanghalian, at hapunan. Gabayan sila upang gawin ito kahit na sila ay nakatae na nakadumi na.  
  •  Purihin o gantimpalaan sila sa mabuting pag-uugali tulad ng pagtae/ pagdumi sa banyo o ang pag-upo nila sa banyo (kahit hindi sila natatae/ nadudumi) 
  • Ipaalala at hikayatin ang iyong anak na pumunta sa banyo kung nakararamdam nga pagdumi / pagtae 

At, siyempre, ibsan ang kanilang mga alalahanin at hirap tungkol sa paggamit ng banyo. Ang ilang mga bata ay nag-aalala tungkol sa pagbagsak o masaktan ang kanilang sarili, bigyan sil ng bangko (stool) upang mapahinga ang kanilang mga paa.

Ang isang bangko (stool) ay ginagawang mas komportable ang kanilang pagtae/ pagdumi dahil naka-squat sila nang maayos. 

Kailan dapat mag-alala sa constipation ng bata? 

Sa karamihan ng mga kaso hindi dapat mag-alala tungkol sa constipation ng mga bata. Ngunit maaari rin nilang ipahiwatig ang isang nakapalalim na kalagayan sa kalusugan. Dahil rito, dalhin sila sa doktor kung ang kanilang constipation ay sinamahan ng

  • Dugo sa dumi 
  •  Kakulangan ng gana sa pagkain o hindi kumakain 
  •  Pagbaba ng timbang 
  •  Sakit sa tiyan 
  •  Lagnat 
  •  Sakit sa paggalaw ng bituka 
  •  May bahagi sa bituka na nag-protruding sa puwit
  •  Palagiang pagsusuka 
  • Mataas na lagnat 
  •  Tenderness ng tiyan 
  • Guarding sa area ng tiyan 
  • Abdominal Distention
  • Jaundice

Bilang panghuli, ang isa pang pag-sign para mag-alala tungkol sa constipation ng mga bata ay kung ito ay tumatagal ng higit sa 2 linggo. Siguraduhing bisitahin ang kanilang pediatrician kung ito ay tumatagal nang mahaba.

Matuto nang higit pa tungkol sa mga problema sa digestion dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Treatment for Constipation in Children
https://www.niddk.nih.gov/health-information/digestive-diseases/constipation-children/treatment
Accessed March 3, 2021

Constipation in children
https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/constipation-in-children/symptoms-causes/syc-20354242
Accessed March 3, 2021

Constipation
https://kidshealth.org/en/parents/constipation.html
Accessed March 3, 2021

Constipation
https://www.rch.org.au/kidsinfo/fact_sheets/Constipation/
Accessed March 3, 2021

Constipation in children
https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/constipation-in-children/symptoms-causes/syc-20354242
Accessed March 3, 2021

Kasalukuyang Version

11/23/2023

Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora

Narebyung medikal ni Ruben Macapinlac, MD, DPPS

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Sanhi Ng Child Obesity, Anu-Ano Nga Ba?

Constipation ng Bata: Mga Remedyo at Gamot


Narebyung medikal ni

Ruben Macapinlac, MD, DPPS

Pediatrics · Philippine Pediatric Society


Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement