Napag-alaman mo na magkakaroon ng deworming sa paaralan ng iyong anak. Ngunit, maaaring hindi mo alam kung ano ito at para saan ito. Ibabahagi ng artikulong ito kung ano at paano isinasagawa ang pagpurga sa bata.
Napag-alaman mo na magkakaroon ng deworming sa paaralan ng iyong anak. Ngunit, maaaring hindi mo alam kung ano ito at para saan ito. Ibabahagi ng artikulong ito kung ano at paano isinasagawa ang pagpurga sa bata.
Patuloy ang pagsasagawa ng Department of Health (DOH) ng kanilang nationwide drive para sa pagpurga sa bata. Sa tulong ng mga paaralan at mga local government units, nagbibigay sila ng anti-helminthic drugs tuwing National Deworming Month (NDM). Ito ay isang kampanya na nagaganap dalawang beses sa isang taon, tuwing Enero at Hulyo.
Naaapektuhan ang higit sa isang katlo ng populasyon sa mundo ng mga bulate, partikular na sa mga bata at mahihirap. Ang mga intestinal worms ay mga parasiktikong naninirahan sa loob ng bituka ng tao. Maraming iba’t ibang uri na may iba’t ibang laki, ngunit lahat ay nagdudulot ng sakit. Ang pinakaraniwang uri ay ang roundworm infection sa mga bata.
Maaaring magkaroon ng mga bulate ang mga bata kapag hindi nila sinasadyang makakuha ng mga itlog ng uod sa kanilang mga kamay at nalunok nila. Kadalasan itong nangyayari kapag nilalagay ang mga daliri sa kanilang mga bibig o kakagatin ang kanilang mga kuko pagkatapos makipag-ugnayan sa mga taong may bulate o may worm-infected na alikabok, mga laruan o bed linen.
Walang sintomas ang mas matatandang bata, subalit malaki ang posibilidad na magkaroon ng mga sintomas ang mga mas bata. Ito ay dahil ang kanilang mga bituka ay mas makitid at ang mga uod ay may mas kaunting puwang. Kabilang sa mga posibleng sintomas ang mga sumusunod:
Kung hinaharangan na ng mga bulate ang bituka, maaari itong magdulot sa pagsusuka at sumasakit, kumakalam at matigas na tiyan.
Kapag tumagal, maaaring maging chronic ang impeksyon at humantong sa pagkaapekto ng iba’t ibang aspeto ng paglaki at pag-unlad ng isang bata:
Kung kaya, isinasagawa ang pagpurga sa bata tuwing NDM dahil ang soil trasnmitted helminths ay isang pampublikong problema sa kalusugan.
Anuman ang karaniwang impeksyon sa bulate sa mga school-age na bata ay mabisang magagamot sa pamamagitan ng pagpupurga o deworming. Ang naturang paggamot ay ligtas. Sa katunayan, ligtas din itong inumin ng mga batang walang bulate kanilang katawan.
Isinasagawa ang pagpurga sa bata sa isang simpleng paraan — pagpapainom ng mga deworming tablets. Ang pinakakaraniwang ginagamit na gamot para sa paggamot ay tinatawag na Albendazole o Mebendazole. Ang parehong gamot ay kumikilos sa pamamagitan ng pagtigil sa bulate mula sa paggalaw, na kalaunan ay humahantong sa kamatayan nito.
Walang katotohanan na ang mga naturang medisina ay magdudulot ng paglabas ng mga bulate sa bibig o ilong ng bata. Ang mga ito ay nasa anyo ng flavored chewable tablets na ligtas para sa mga batang higit isang taon. Mabisa ito at isang dose lamang ang kailangan, anuman ang timbang ng bata. Gayunpaman, hangga’t patuloy na pagdumi sa mga tinatawag na open area, ang mga bata ay madaling mahawa muli. Dahil dito, inirerekomenda ng DOH ang pagpurga sa bata dalawang beses sa isang taon.
Ang regular na pagpurga sa bata ay nakatutulong sa mabuting kalusugan at nutrisyon lalo na sa mga patuloy na nag-aaral. Ito ay humahantong sa pagtaas ng enrolment, attendance, at eduactional attainment. Naiiwasan din ang pag-ulit ng mga klase sa bata.
Alamin ng iba pa tungkol sa Kalusugan ng Bata dito.
[embed-health-tool-vaccination-tool]
Disclaimer
Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.
Deworming – How to Reach the Stars, https://www.deped.gov.ph/wp-content/uploads/2019/07/TSA-WinS-Booklet-Deworming-PRINT-20181031.pdf Accessed July 18, 2022
DOH Conducts National Deworming Month to Reinforce Prevention and Control of Soil-Transmitted Helminths, https://doh.gov.ph/node/10545 Accessed July 18, 2022
School Deworming at a glance, https://www.who.int/docs/default-source/ntds/soil-transmitted-helminthiases/school-deworming-at-a-glance-2003.pdf?sfvrsn=a93eff88_4 Accessed July 18, 2022
Roundworm Infection in Children, https://www.stanfordchildrens.org/en/topic/default?id=roundworm-infections-in-children–160-54 Accessed July 18, 2022
Worms, https://raisingchildren.net.au/guides/a-z-health-reference/worms Accessed July 18, 2022
Kasalukuyang Version
08/03/2023
Isinulat ni Fiel Tugade
Narebyung medikal ni Mae Charisse Antalan, MD
In-update ni: Jan Alwyn Batara