backup og meta

Sintomas ng Kakulangan sa Nutrisyon ng Bata, Alamin Dito!

Sintomas ng Kakulangan sa Nutrisyon ng Bata, Alamin Dito!

Maaaring humantong sa masamang epekto ang pagiging kulang sa nutrisyon. Kaya naman, mahalaga para sa lahat na malaman ang sintomas ng kakulangan sa nutrisyon ng bata. Upang maiwasan ang anumang uri ng komplikasyon na pwedeng maranasan ng mga bata.

Ang kakulangan ng nutrisyon ay maaaring magresulta ng pagkawala ng taba at kalamnan.  Pwede rin silang makaranas ng pagtaas ng risk sa mga sakit, pagbaba ng stamina at pagkakaroon ng hindi magandang epekto sa mental health. Para sa kadahilanang ito, ang pag-alam sa mga sintomas ng kakulangan sa nutrisyon ng bata ay mahalaga. Sa artikulong ito, pag-uusapan natin ang tungkol sa mga indicators ng isang undernourished na bata.

Mga isyu sa taas at timbang

Isa sa mga pinaka-kapansin-pansing palatandaan ng kakulangan sa nutrisyon ng bata ay ang pagkakaroon ng isyu sa kanilang taas at timbang.

Ayon sa World Health Organization (WHO), may ilang sub-form ang undernutrition. Kabilang ang underweight, stunting, at wasting:

  • Stunting. Ito ay nangyayari kapag ang bata ay may maikling taas para sa kanilang edad. Ang mga ulat ay nagsasabi na ang pagkabansot ay pumipigil sa mga bata na maabot ang kanilang physical at cognitive milestones.
  • Wasting. Nangyayari ito sa mga bata na may mababang timbang para sa kanilang taas. Sinasabi na ang matinding uri ng pagbaba ng timbang na ito ay kadalasang nagaganap sa bata na walang sapat na pagkain sa mahabang panahon. Gayunpaman, pwede rin itong mangyari sa bata na may mga pang matagalang sakit na siyang nagdudulot ng pagbaba ng timbang.
  • Underweight. Ang kulang sa timbang ay nangangahulugan ng mababang timbang para sa edad. Makikita na ang mga batang kulang sa timbang ay pwedeng mabansot.

Dagdag pa rito, ang early undernutrition ay hindi humahantong sa severe stunting o wasting. Dahil ang unang bagay na mapapansin ng mga magulang ay ang pagpayat, o hindi pagtaba ng kanilang anak.

Para gawing mas madali para sa’yo na subaybayan ang taas at timbang ng iyong anak. Gumamit ng isang talaan o tsart ng kanilang paglaki. Pwedeng makita doon kung sila ay lumalaki o tumataba ayon sa kanilang edad.

Sintomas ng Kakulangan sa Nutrisyon ng Bata: Kakulangan ng enerhiya

Ang isa pang maliwanag na senyales ng undernutrition ay ang kakulangan ng enerhiya. Dahil madalas, ang mga bata ay makikitang masigla. Sa katunayan, maraming mga magulang ang nahihirapang patahimikin ang kanilang mga anak. Lalo na kung nasa panahon sila ng pagiging mausisa at mapaglaro.

Gayunpaman, ang kakulangan sa nutrisyon sa mga bata ay nagreresulta ng pagkakaroon ng hindi sapat na calories at nutrients para mapanatili ang kanilang stamina na malakas. Kaya nagmumukha silang mahina at pagod. Maaari mo ring mapansin na mas matagal silang natutulog.

Maraming mga paraan para makita ang mga senyales ng undernourishment. Ngunit ang karaniwan na mapapansin sa mga batang ito ay hindi na sila naglalaro tulad ng dati.

Sintomas ng Kakulangan sa Nutrisyon ng Bata: Absenteeism dahil sa madalas na mga karamdaman

Ang isa pang senyales na ang iyong anak na sila ay kulang sa nutrisyon (o malapit nang maging isa) ay ang kanilang school performance.

Pwede mong mapansin na ang kanilang mga marka ng pagsusulit ay mas mababa, o sila ay bumabagsak. Kahit pa sa mga subjects na pinakapaborito nila. Ang guro ay maaari ring magpadala sa’yo ng isang tala tungkol sa pagbaba ng kanilang academic performance.

Masasabi na ang hindi nila pagpasok sa paaralan dahil sa sakit, ang sanhi ng pagbaba ng kanilang marka. Tandaan na ang kakulangan sa nutrisyon ay pwedeng maging dahilan nito. Sapagkat, humihina ang paglaban ng kanilang immune system sa mga impeksyon at sakit, tulad ng mga sakit sa pagtatae. Mayroon din makabuluhang koneksyon ang kanilang kalusugan sa bilis ng kanilang paggaling at panahon ng pag hilom ng sugat sa katawan.

Iba pang mga sintomas ng kakulangan sa nutrisyon ng bata

Ang mga batang kulang sa nutrisyon ay pwede ring magpakita ng iba pang mga palatandaan, kabilang ang:

  • Malutong o manipis na buhok
  • Tuyong balat
  • Pagkairita
  • Mga bitak sa kuko
  • Pagbabalat ng balat
  • Namamaga o manas na paa’t kamay
  • Kawalan ng kakayahang panatilihing mainit-init ang sarili

Paano Makakatulong ang mga Magulang

Ang pag gamot at tugon para sa undernutrition ay depende sa kung gaano ito kalubha. Halimbawa, ang severe wasting ay pwedeng maging banta sa buhay. Dahil kadalasan, ang mga bata ito ay walang lakas na kumain. Para magamot ito, ipapa-admit ng doktor ang bata sa ospital at bibigyan sila ng intravenous o tube feeding.

Gayunpaman, kung maaga nating makita ang mga palatandaan ng undernutrition. Malamang na maiiwasan natin ang isang matinding kaso. Pwedeng payuhan ka ng doktor na:

Subaybayan ang diyeta ng iyong anak

Ang pagtiyak na ang mga bata ay kumakain ng mga tamang uri ng pagkain sa tamang oras ay pumipigil sa kakulangan sa nutrisyon. Ibig sabihin ng “tamang uri”, kumakain sila ng iba’t ibang pagkain, tulad ng mga prutas at gulay, whole grains, lean meat, at dairy. Habang ang “tamang oras” naman ay tumutukoy sa kadalasang kumain. Ito rin ay nangangahulugan ng 3 main meals, at pagkain sa pagitan nito kasama ang healthy snacks.

Isa pang mapaghamong bahagi para sa mga magulang — ay kapag ang kanilang mga anak ay ayaw kumain. Iba-iba ang mga dahilan nito: pwedeng picky eaters sila, o nakakaranas ng pagkawala ng gana sa pagkain o problema sa kalusugan, kung saan, ito ang pumipigil sa kanila na makakain (mga problema sa ngipin, hirap sa paglunok, atbp.)

Itugma ang kanilang caloric intake sa kanilang mga pangangailangan

Ang isa pang posibilidad kung bakit kulang sa sustansya ang mga bata — ay dahil kaunti ang kanilang calories na kinakain.

Tandaan na ang mga bata ay patuloy na lumalaki. Sila rin ay physically active. Kung humingi man sila ng pagkain pa sa oras na katatapos lang ng pagpapakain sa kanila, maaaring indikasyon ito na baka nagugutom pa sila.

[embed-health-tool-child-growth-chart]

Bigyan sila ng vitamin supplements

At panghuli, para maiwasan ang micronutrient deficiency. Pwedeng bigyan ng doktor ang iyong anak ng vitamin supplements. Maaaring hikayatin ka rin nila na pumili ng fortified foods hangga’t maaari.

Matuto pa tungkol sa Childhood Malnutrition dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Malnutrition
https://www.who.int/news-room/fact-sheets/detail/malnutrition#:~:text=forms%20of%20malnutrition-,Undernutrition,vulnerable%20to%20disease%20and%20death.
Accessed February 10, 2021

Undernutrition
https://www.msdmanuals.com/home/disorders-of-nutrition/undernutrition/undernutrition
Accessed February 10, 2021

Malnutrition
https://www.hopkinsmedicine.org/health/conditions-and-diseases/malnutrition
Accessed February 10, 2021

Treatment -Malnutrition
https://www.nhs.uk/conditions/malnutrition/treatment/
Accessed February 10, 2021

Hunger and Malnutrition
https://www.hopkinsallchildrens.org/Patients-Families/Health-Library/HealthDocNew/Hunger-and-Malnutrition
Accessed February 10, 2021

Kasalukuyang Version

04/13/2023

Isinulat ni Lornalyn Austria

Narebyung medikal ni Regina Victoria Boyles, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Uri Ng Malnutrisyon, Anu-Ano Ang Mga Ito?

Ano ang Kwashiorkor, Paano Ito Nagagamot, at Paano Maiiwasan?


Narebyung medikal ni

Regina Victoria Boyles, MD

Pediatrics


Isinulat ni Lornalyn Austria · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement