backup og meta

Pinagkaiba Ng Malnourished At Undernourished, Ano Nga Ba?

Pinagkaiba Ng Malnourished At Undernourished, Ano Nga Ba?

Minsan, ginagamit natin ang mga salitang “malnourished” at “undernourished” upang ilarawan ang isang bata na may maliit na pangangatawan para sa kanilang edad at may mas mababang timbang kaysa sa normal. At habang nauugnay ang dalawang salita sa isa’t isa, mayroon pa ring pagkakaiba sa pagitan ng dalawa. Pag-uusapan natin dito ang pinagkaiba ng malnourished at undernourished na mga bata.

[embed-health-tool-child-growth-chart]

Ang Pinagkaiba Ng Malnourished At Undernourished Na Mga Bata

Karaniwang hindi balanese ang diet ang mga batang malnourished, o mga batang nakararanas ng malnutrisyon. Maaaring dahilan ang kakulangan ng calories at nutrients, o sobra namang pagkonsumo ng mga ito.

Dahil dito, maaaring ituring na malnourished ang mga batang sobra kung kumain na nagiging overweight o obese. Gayundin, malnourished ding ituring ang mga batang kulang sa timbang at walang sapat na protein at caloric consumption.

Malnutrisyon sa mga bata: Ang lahat ng kailangan malaman

Kapansin-pansing nangyayari din ang malnutrisyon sa mga batang may normal na timbang na nagkukulang sa vitamins at minerals sa kanilang diet. Tinatawag ang kondisyon na ito na micronutrient deficiency.

Ngayon, isang uri ng malnutrisyon ang undernutrition. Nangyayari ito kapag hindi sapat ang protein at calories na nakukuha ng mga bata; kaya hindi nakagugulat kung nagpapakita rin sila ng mga senyales ng micronutrient deficiencies.

Karamihan sa mga kaso, nagiging malnourished ang mga batang mayroon lamang kakaunti o wala talagang pagkain dahil sa suliranin sa pera. Gayunpaman, maaari ding mangyari ang undernutrition sa mga batang may mga kondisyong nakasasagabal sa kanilang normal na nutrient absorption.

Paano Matutukoy Ang Undernutrition At Malnutrition Sa Mga Bata

Matapos masagot ang tanong na, “Ano ang pinagkaiba ng malnourished at undernourished na mga bata?” pag-usapan naman natin ang pagtukoy sa mga senyales nito.

Narito ang mga paunang sensyales ng undernutrition:

  • Pagkapagod; Karaniwang walang lakas na maglaro o magsagawa ng iba pang pisikal na gawain ang mga batang kulang sa nutrisyon.
  • Mga pagbabago sa pag-uugali. Nagpapakita minsan ang mga bata ng pagkayamot, pagkabalisa, at hindi pangkaraniwang mabagal na pagkilos.
  • Hindi lumalaki o tumataba gaya ng inaasahan.

Kapag nagpatuloy pa ang undernutrition, maaari silang magpakita ng iba pang mga senyales tulad ng:

  • Kawalan ng kakayahang makaramdam ng init
  • Matagal na pagpapagaling ng sugat
  • Madalas na pagkakasakit at nangangailangan ng mas maraming oras para gumaling
  • Nabawasan ang ganang kumain

At higit sa lahat, maaari silang magpakita ng iba pang mga senyales na nagpapahiwatig ng micronutrient deficiencies tulad ng night blindness, pananakit ng mga kasukasuan at malalambot na buto, pagdurugo ng gilagid, madaling magkaroon ng pasa, at pagtaas ng sensitivity sa liwanag o ilaw.

Kung malnourished ang isang bata dahil marami silang kinakaing calories, maaari silang maging overweight o obese. Ang pinakamalinaw na senyales, sa kasong ito, makikita na labis ang timbang ng bata.

Ano Ang Maaaring Gawin Ng Magulang?

Ano ang maaaring gawin kung makita ang mga senyales ng undernutrition o malnutrition sa mga bata? Makatutulong ang mga sumusunod na tip:

1. Dalhin Ang Anak Sa Doktor

Karaniwang hindi na mahalaga ang pinagkaiba ng malnourished at undernourished na mga bata – kung makita ang mga senyales na nabanggit sa itaas, ang dapat na unang gawin ay dalhin sa doktor ang iyong anak.

Susuriin ng pediatrician kung normal ang tangkad at timbang ng iyong anak para sa kanilang edad. Bukod dito, titingnan din nila ang tamang Body Mass Index ng bata, tinutukoy nito kung malapit na o nasa underweight o overweight na kategorya ang bata.

Higit pa rito, mas masusuri ng mga pediatrician ang iba pang mga senyales at posibleng sanhi ng malnutrisyon.

pinagkaiba ng malnourished at undernourished

2. Baguhin Ang Diet At Paraan Ng Pagkain

Kung matukoy ng doktor na ang hindi balanseng diet ang nagdudulot ng malnutrisyon sa iyong anak, makipag-ugnayan sa kanila tungkol sa pagbabago ng diet.

Karaniwang naglalaman ang isang healthy at balanseng diet ng:

  • Iba’t ibang pagkain mula sa lahat ng food group: mga prutas at gulay, whole grains, mga pagkaing may protina, at mga dairy product. Makakatulong din kung isasama ang healthy fats sa kanilang diet.
  • Masustansyang meryenda sa pagitan ng takdang oras ng pagkain
  • Mga masustansyang inumin; bilang panimula, maaaring mangailangan ng mga masustansyang inumin na may mataas na calories ang mga batang kulang sa nutrisyon 

Para sa mga batang sobra sa timbang, makatutulong sa kanila ang masusustansyang pagkain at pagkontrol sa dami ng kinakain. Makatutulong din sa pagpapababa ng kanilang timbang ang pagtuturo sa kanila ng tamang paraan ng at pag uugali sa pagkain, tulad ng hindi pagkain kung hindi pa takdang oras ng kainan.

[embed-health-tool-bmi]

3. Subukan Ang Mga Vitamin Supplement

Upang gamutin ang anumang micronutrient deficiency ng mga bata, maaaring magrekomenda ng vitamin supplement ang mga doktor. Bukod dito, makatutulong din ang pagpili ng mga “fortified” food para sa iyong anak dahil naglalaman ang mga ito ng iba’t ibang vitamins at minerals.

Key Takeaways

Maaaring malaki ang pinagkaiba ng malnourished at undernourished na mga bata, ngunit nananatiling pareho ang kailangang gawin: maagapan ito. Dahil kung hindi ito gagamutin, maaaring magdulot ito ng maraming masamang epekto sa paglaki at development ng isang bata.

Matuto pa tungkol sa Malnutrisyon dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Malnutrition and Undernutrition
https://www.sciencedirect.com/science/article/abs/pii/S1357303906004786#:~:text=Malnutrition%20refers%20to%20all%20deviations,status%2C%20but%20also%20implies%20underfeeding.
Accessed February 10, 2021

Undernutrition
https://www.msdmanuals.com/home/disorders-of-nutrition/undernutrition/undernutrition
Accessed February 10, 2021

Malnutrition
https://www.who.int/news-room/fact-sheets/detail/malnutrition
Accessed February 10, 2021

Malnutrition
https://www.hopkinsmedicine.org/health/conditions-and-diseases/malnutrition
Accessed February 10, 2021

Treatment -Malnutrition
https://www.nhs.uk/conditions/malnutrition/treatment/
Accessed February 10, 2021

Kasalukuyang Version

06/24/2023

Isinulat ni Daniel de Guzman

Narebyung medikal ni Regina Victoria Boyles, MD

In-update ni: Regina Victoria Boyles


Mga Kaugnay na Post

Uri Ng Malnutrisyon, Anu-Ano Ang Mga Ito?

Ano ang Kwashiorkor, Paano Ito Nagagamot, at Paano Maiiwasan?


Narebyung medikal ni

Regina Victoria Boyles, MD

Pediatrics


Isinulat ni Daniel de Guzman · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement