backup og meta

Sintomas ng Batang may Sakit, Alamin Dito

Sintomas ng Batang may Sakit, Alamin Dito

Nakababahala para sa mga magulang tuwing hindi maganda ang pakiramdam ng kanilang anak. Kaya nakatutulong na isaisip ang mga karaniwang babala at senyales. Narito ang ilan sa mga karaniwang sintomas ng batang may sakit, at pati mga posibleng sanhi sa likod nito.

Pagkawala ng ganang kumain at pagkapagod

Maaari magsabay ang pagkawala ng gana kumain at pagkapagod. Kapag may sakit ang isang bata, maaaring magmukha silang mahina o pagod at tumanggi ring kumain. Mahalagang malaman din ang pagkakaiba ng maselan kumain at nawalan ng gana kumain. Kung ang iyong anak ang huling nabanggit, maaaring hindi niya galawin kahit pa ang pinakapaborito niyang ulam.

Maraming kondisyon ang maaaring magresulta ng panghihina at pagkawala ng gana kumain, kaya magandang ideya na bantayan ang iba pa nilang mga iniinda.

Case in point: ang mga batang nakararanas ng constipation o trangkaso, maaaring hindi sila ganahan kumain.

sintomas ng batang may sakit

Mahalaga:

Mahalagang dalhin ang isang bata sa doktor kung nagpapakita sila ng hindi pangkaraniwang pagkahilo o pagkapagod, o kaya naman kapag hindi nila mapigilan ang pagkain.

Humingi ng medikal na tulong kapag sumasakit ang tiyan habang kumakain, at kung mapansin ang pagbaba ng timbang o mahinang pagtaas ng timbang nila.

Sakit sa Tainga

Kasama rin sa karaniwang senyales at sintomas ng batang may sakit ang pananakit ng tainga.

Madaling mapansin ang pananakit ng tainga: hindi makapagsalita nang mabuti ang mga bata habang hinahatak ang kanilang tainga na parang nasasaktan o naiirita. Ang mas nakatatandang bata naman ay magrereklamo sa iyo na masakit ang kanilang tainga.

Maraming rason kung bakit masakit ang tainga, ngunit kabilang sa pinakakaraniwan ang middle ear infection (otitis media), masakit na ngipin na umaabot sa panga at tainga, ear pressure mula sa sinus congestion at sipon, at impeksyon sa balat ng ear canal (swimmer’s ear).

Mahalaga:

Kapag nakitang masakit ang tainga ng iyong anak, ibig sabihin lang na kailangan mo silang dalhin sa doktor dahil maaaring kailangan nila ng antibiotic kung isa itong impeksyon.

Ubo, sipon, at sore throat

Hindi natin mapag-uusapan ang mga senyales at sintomas ng batang may sakit nang hindi nababanggit ang ubo, sipon, at sore throat. Hindi lamang ito mga kondisyon sa kalusugan, maaari rin silang konektado sa isa’t isa o maging daan para malaman ang mga natatagong sakit.

Case in point: maaaring magdulot ng ubo at sore throat ang mismong karaniwang sipon. Sinasabi ng mga eksperto, kung may productive cough (may plema) ang iyong anak, posibleng mawala rin ito sa loob ng isang linggo.

Pagkatandaan na habang ang viral infection (sipon at Influenza) ang pinaka karaniwang sanhi ng ubo, sipon, at sore throat, posible rin dito ang bacterial infection. Sa mga pagkakataong iyon, maaaring magrekomenda ng antibiotic therapy ang doktor.

Mahalaga:

Dalhin ang sa doktor ang iyong anak kung:

  • Umuubo ng maraming plema
  • Nagpapakita ng mahirap at kinakapos na paghinga
  • Iniinda ang matinding pananakit ng lalamunan na pumipigil sa kanila na lumunok

Pananakit ng tiyan, pagtatae, at pagsusuka

Susunod sa ating listahan ang mga digestive symptoms tulad ng sakit sa tiyan, pagtatae, at pagsusuka. Karamihan sa mga kaso, malamang at masakit din ang tiyan ng mga bata kapag nagtatae sila.

Maraming kondisyon ang maaaring mag-udyok sa mga digestive symptoms na ito, ngunit ang viral gastroenteritis at food poisoning tulad ng salmonellosis at listeria infection ang pinakakaraniwan.

Mahalaga:

Kung mapansing nagtatae at nagsusuka ang iyong anak, dalhin agad sila sa doktor dahil tumataas ang posibilidad ng dehydration.

Nangangailangan din ng medikal na atensyon ang matinding pananakit ng tiyan o iyong pabalik-balik sa loob ng ilang araw.

Lagnat at panlalamig

Sasang-ayon ang mga magulang na ang lagnat, na minsan sinasabayan din ng panlalamig, ang isa sa pinaka karaniwang senyales at sintomas ng batang may sakit.

Nakalilito ang pagkakaugnay ng mataas na temperatura sa marami pang problema sa kalusugan: mula sa karaniwang sipon, na nawawala sa loob ng ilang araw, hanggang sa bacterial meningitis na mapanganib sa buhay.

Sa kadahilanang ito, dapat bantayan mabuti ng mga magulang ang iba pang mga sintomas na kasabay ng lagnat. Sinasabi sa mga ulat na maaaring tumaas ang temperatura ng mga batang may sumusunod na kondisyon:

  • Trangkaso
  • Dengue fever
  • Sakit sa kamay, paa, at bibig
  • Gastroenteritis
  • Impeksyon sa tainga
  • Bronchitis
  • Urinary tract infection
  • Chickenpox

Mahalaga:

Dapat dalhin sa doktor ang mga sanggol na may lagnat na 38.5 C o mas mataas pa. Nangangailangan din naman ng medikal na atensyon ang mga batang may temperatura na 39 C. Hindi rin dapat balewalain ang tuloy-tuloy na lagnat na tumatagal ng higit pa sa 4 na araw.

Dalhin din kaagad ang mga bata sa doktor kung may iba pang sintomas tulad ng stiff neck, matinding pananakit ng tiyan, pantal, at hirap na paghinga.

Sakit ng ulo

Isa ang sakit ng ulo sa mga karaniwang senyales at sintomas ng batang may sakit, at tulad ng karamihan sa mga kaso ng pananakit ng ulo ng mga nasa hustong gulang, kadalasang hindi rin ito dapat ikabahala.

Tandaan: maaaring makaranas din ang mga bata ng maraming klase ng pananakit ng ulo tulad ng nararanasan ng mga nasa hustong gulang, tulad ng tension headache, migraine, at congestion headache.

Mahalaga:

Dalhin kaagad ang iyong anak sa doktor kung iniinda nila ang matinding pananakit ng ulo, lalo na kung may iba pang sintomas tulad ng mga problema sa paningin, pagkalito, at stiff neck. Tawagan din ang kanilang pediatrician kung nangyayari ang mga sumusunod na sakit ng ulo:

  • Nangyari pagkatapos ng injury sa ulo
  • Patuloy na bumabalik o lumalala
  • Nangyayari araw-araw

Pantal

At sa wakas, narito naman ang pantal sa balat.

Karaniwang hindi rason ng pag-aalala ang mga pantal kung nangyari ito dahil sa simpleng kagat ng lamok o dahil sa init. Gayunpaman, maaari rin silang maging sanhi ng mga kondisyon sa balat tulad ng eczema o allergy sa pollen, pagkain, o mga gamot.

Mahalaga:

Nangangailangan ng medikal na atensyon ang iyong anak para sa pantal nila sa balat kung:

  • May kasama itong iba pang sintomas tulad ng pamamaga sa mga kamay at mukha o hirap sa paghinga
  • Nilalagnat din sila
  • Namamaga ito, nagbibitak, o nagtutubig
  • Kasama dito ang mga mata, loob ng kanilang bibig, o bahagi ng ari

Key Takeaways

Iwasang gamutin ang iyong anak gamit ang mga over-the-counter na gamot kung hindi sigurado sa kanilang kondisyon. Ang pagdala sa kanila sa doktor ang pinakamabuting gawin kung may sakit ang iyong anak. Sa ganitong paraan, makatatanggap sila ng tamang diagnosis at naaangkop na treatment.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

When to worry about a child’s stomachache, according to experts
https://www.choc.org/news/when-to-worry-about-a-childs-stomachache-according-to-experts/#:~:text=Poston%20says%20that%20any%20stomachache,other%20causes%2C%E2%80%9D%20she%20says.
Accessed February 4, 2021

When to Worry About a Child’s Fever
https://www.sutterhealth.org/health/childrens-health/when-to-worry-about-a-childs-fever#:~:text=In%20babies%20and%20children%20older,lasts%20four%20days%20or%20more.
Accessed February 4, 2021

Does my child need treatment for their rash?
https://intermountainhealthcare.org/blogs/topics/pediatrics/2018/05/does-my-child-need-treatment-for-their-rash/#:~:text=If%20the%20rash%20doesn’t,out%20more%20serious%20medical%20conditions.
Accessed February 4, 2021

Headaches: When to Call the Pediatrician
https://www.healthychildren.org/English/health-issues/conditions/head-neck-nervous-system/Pages/Headaches-When-to-Call-the-Pediatrician.aspx
Accessed February 4, 2021

Children’s health issues and concerns
https://www.qld.gov.au/health/children/school-age/common-issues
Accessed February 4, 2021

8 common children’s health problems
https://www.cbhs.com.au/mind-and-body/blog/8-common-children-s-health-problems
Accessed February 4, 2021

10 Common Childhood Illnesses and Their Treatments
https://www.healthychildren.org/English/health-issues/conditions/treatments/Pages/10-Common-Childhood-Illnesses-and-Their-Treatments.aspx
Accessed February 4, 2021

Kasalukuyang Version

04/13/2023

Isinulat ni Daniel de Guzman

Narebyung medikal ni Regina Victoria Boyles, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Mga Sanhi Ng Lagnat At Iba Pang Posibleng Mga Kondisyon

Ano ang Sanhi ng Sipon sa Bata at Kailan Ito Dapat Ipag-alala ng Magulang?


Narebyung medikal ni

Regina Victoria Boyles, MD

Pediatrics


Isinulat ni Daniel de Guzman · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement