Karaniwan na sa mga bata na magreklamo sa kanilang mga magulang tungkol sa sakit ng ulo. Kung natanong mo ang sarili, bakit madalas sumakit ang ulo ng anak ko?, pakiusap na basahin ang artikulong ito.
Sakit ng Ulo Ng Bata: Mangangamba ba ako?
Tulad ng matatanda, ang mga bata rin ay nakararanas ng lahat ng sakit ng ulo. Nagrereklamo sila sa migraines, tension headaches, cluster headaches, o sakit ng ulo dahil sa nasal congestion. Kadalasan ng sakit ng ulo sa mga bata ay nawawala rin ng ilang oras at hindi dapat ipangamba.
Ngunit, ang anak mo ba ay madalas na sumakit ang ulo? Kung iyon ang kaso, mainam na tingnan natin maigi kung ano ang sanhi nito. Ito ay sa kadahilanan na ang pabalik-balik na sakit sa ulo ay maaaring humantong sa problema sa routine at pag-uugali ng iyong anak.
Karaniwang Sanhi ng Sakit sa Ulo ng Bata
Kung ang iyong bulinggit ay nagrereklamo na masakit ang ulo nila, ikonsidera ang mga sumusunod na posibleng nagtri-trigger:
1. Head Injury
Mga magulang, kung ang inyong anak ay bigla na lamang nagreklamo ng sakit sa ulo, magandang ideya na tanungin kung nauntog ba sila nang malakas o aksidenteng nabagsakan ang ulo.
Ito ay sa kadahilanan na ang kahit na anong trauma ay nagtri-trigger ng sakit sa ulo. At habang ang karaniwang mga injury ay minor, pinaka mainam pa rin na matignan ng doktor ito.
2. Pangunahing Sakit sa Ulo
Ang mga pangunahing sakit sa ulo o hindi nakaugnay sa mga pangkalusugang kondisyon ay may tatlong uri: migraine, tension, headaches, at cluster headaches.
Hindi pa rin alam ang eksaktong sanhi ng pangunahing sakit sa ulo, ngunit kadalasan ito ay nagreresulta sa paglaki ng blood vessels, tight muscles, o pagbabago sa nerve signals.
3. Stress
Ang mga bata ay na-i-stress din, at ang stress ay maaaring maging sanhi ng pangunahing sakit sa ulo. Kung ang iyong anak ay nakararamdam ng anxious, pangamba, depressed, o pagod mentally, maaaring makaranas sila ng sakit sa ulo. Kahit na ang sobrang pagkasabik ay maaaring mag-trigger ng sakit sa ulo.
Ang pabalik-balik na sakit sa ulo sa mga bata ay dahil sila ay laging nakararanas ng stress.
4. Labis na Konsumo ng Tiyak na Pagkain
Ang anak mo ba ay madalas na sumasakit ang ulo? Kung ito ang nangyayari, isipin ang diet.
Sinasabi ng pag-uulat na ang nitrates, isang karaniwang preservatives na makikita sa cured at inihaw na karne tulad ng sausages, bacon, at bologna, ay nagiging sanhi ng sakit sa ulo. Gayundin, ang mga pagkain na may monosodium glutamate (MSG) ay maaaring mag-trigger din ng sakit sa ulo.
5. Kulang sa Tulog
Ang batang nahihirapan na matulog at laging tulog ay nakararanas din ng sakit sa ulo.
Kaya’t kung palagi silang nagrereklamo sa sakit ng ulo, tingnan ang ibang indikasyon na hindi sila nakakukuha ng sapat na tulog, tulad ng eyebags at laging inaantok o pagod.
6. Sobrang Oras sa Screen
At panghuli, huwag din nating kalimutan ang ang sobrang paggamit ng screen devices ay humahantong sa pagkapagod ng mata, kakulangan sa sirkulasyon, at exhaustion – lahat ng ito ay nagreresulta sa sakit sa ulo.
Hangga’t maaari, sundin ang mga nirekomendang screen time para sa mga bata. Karagdagan, paalalahanan sila na laging iayos ang postura at laging magpahinga upang maiwasan ang eye strain.
Paghingi ng Medikal na Tulong
Katulad ng nabanggit kanina, ang mga sakit sa ulo sa mga bata ay hindi karaniwan na pinangangambahan.
Gayunpaman, kung ito ay nakaaabala na sa kanilang araw-araw na gawain, o kung palagi silang nagrereklamo sa sakit ng ulo (dalawa o higit sa isang linggo), mainam na dalhin na sila sa doktor. Sa ganung paraan, matutukoy mo ang sanhi ng sakit sa ulo, at makatatanggap ang anak mo ng naaayon na interbensyon.
Karagdagan, humingi rin ng medikal na tulong kung ang iyong anak ay:
- Nakararanas ng sakit sa ulo habang umuubo, bumabahing, straining, o tumatakbo
- May ibang mga sintomas, tulad ng sensitivity sa ilaw o tunog, pagkalito, sakit sa tenga o sakit sa mata
- Nagrereklamo na lalong sumasakit ang ulo nila
- Gumigising mula sa pagkakatulog dahil sa sobrang sakit sa ulo
Panghuli, agad na dalhin sila sa doktor kung:
- May malalang sakit sa ulo na may sintomas na pagsusuka, dobleng paningin, confusion
- Sobrang antukin o mahirap gisingin
- May lagnat at stiff neck
Pag-iingat sa Paggamit ng Pain Relievers
Labis na hindi hinihikayat ng mga doktor ang bumase sa mga gamot sa paglunas ng sakit sa ulo sa mga bata. Ang isang dose ay maaaring maging ayos na sila, ngunit ang pagbibigay ng 3 doses kada linggo ay maaaring maging sanhi ng sakit sa ulo dahil sa labis na paggamit ng gamot .
Kung binibigyan mo ang iyong anak ng gamot tulad ng acetaminophen o ibuprofen na higit sa tatlong beses kada linggo, mainam na konsultahin ang pediatrician.
Matuto pa tungkol sa Pangangalaga ng Bata rito.