backup og meta

Paano Mawala Ang Kuto At Lisa? Heto Ang Ilang Epektibong Paraan

Paano Mawala Ang Kuto At Lisa? Heto Ang Ilang Epektibong Paraan

Ang head lice o kuto ay karaniwan sa mga bata at mga taong nagtatrabaho sa childcare. Bagama’t maraming paraan para tuluyang maalis ang mga kuto sa ulo, mas mainam kung alam ng mga magulang kung paano mapipigilan na magkaroon ng mga ito ang kanilang anak . Narito ang lahat ng kailangan mong malaman kung paano mawala ang kuto at lisa.

Ano ang kuto?

Ang mga kuto ay maliliit na parasitiko na insekto na pumapasok at kumakain ng dugo mula sa anit ng kanilang host. Karaniwan sa mga bata ang infestation na ito, lalo na sa mga pumapasok sa paaralan. Ang mga babaeng kuto ay nangingitlog o nits (lisa) malapit sa anit, kung saan sapat na mainit para sa paglaki ng mga itlog. Itong mga itlog o nits na ito ay madalas na mukhang balakubak dahil maaari silang lumitaw na puti o madilaw-dilaw.

Ang mga kuto sa ulo ay patuloy na kumakalat, anuman ang personal hygiene ng host, at hindi sila nagdudulot ng anumang malubhang problema sa kalusugan. Kaya lang, natagpuan ng isang pag-aaral ang isang link sa pagitan ng talamak na mabibigat na infestation ng kuto at malubhang iron deficiency anemia. Sa mga kaso sa pag-aaral, ang mga karaniwang sanhi ng anemia (tulad ng mabigat na pagdurugo ng regla at pagbubuntis) ay hindi tinanggap.

Mga Palatandaan at Sintomas

Ang mga karaniwang palatandaan at sintomas ng infestation ng kuto ay:

Patuloy na pagkakamot o pangangati. Ang madalas na senyales na maaaring may kuto ang isang tao ay matinding pangangati. Ito ay sanhi ng isang allergic reaction sa kagat ng kuto. Kung unang pagkakataon na magkaroon ng kuto ang iyong anak, maaaring lumitaw ang mga sintomas pagkatapos ng 4 hanggang 6 na linggo ng infestation. Ang iyong anak ay patuloy na magkakamot ng kanyang ulo, leeg, batok, at tainga.

Pakiramdam ng pag-crawl o paggalaw sa anit. Ang mga bata ay may kuto ay kadalasang nagrereklamo tungkol sa gumagapang sa kanilang anit o sa kanilang buhok. Ang mga kuto ay patuloy na gumagalaw para makahanap ng mga bagong lugar kung saan maaari silang sumipsip ng dugo.

Mga sugat o pulang bukol sa ulo, leeg, batok, at tainga. Ang patuloy na pagkamot ay maaaring humantong sa mga sugat at pulang bukol sa mga lugar kung saan kumakain ang mga kuto. Maaaring magkaroon ng impeksyon kung ang mga sugat at ang infestation ay hindi ginagamot.

Hirap sa pagtulog. Ang mga kuto ay naghahanap ng mga feeding spot at mga lugar kung saan maaari silang mangitlog sa gabi. Kung ang iyong anak ay nahihirapang makatulog, maaaring may kuto.

Kuto sa anit at kuto sa hair shaft. Maaaring mahirap makita ang mga kuto sa una dahil sa laki nito. Pero, kung lumaki ang infestation ng kuto, magiging mas madali para sa iyo na makita ang mga insekto sa anit at hibla ng buhok ng iyong anak. Ang mga itlog ng kuto naman ay nasa base ng hair shaft sa itaas lamang ng anit. Sa simula, maaari silang nakahalo sa kulay ng buhok ng iyong anak ngunit lumiliwanag ang kulay habang sila ay napipisa.

Mga Sanhi

Ang life cycle ng isang kuto ay nahahati sa tatlong bahagi:

Stage 1. Ang mga itlog o nits ay tumatagal ng 6 hanggang 9 na araw bago mapisa.

Stage 2. Ang mga Baby lice or nymphs ay ipinanganak. Lumalaki sila pagkatapos ng 9 hanggang 12 araw.

Stage 3. Ang mga adult na kuto ay maaaring mabuhay ng halos isang buwan sa ulo ng isang tao. Karaniwang namamatay ang kuto sa loob ng 24 hanggang 48 oras pagkatapos nitong mahulog mula sa anit ng isang tao. Sa pangkalahatan, ang mga babaeng kuto ay mas malaki kaysa sa mga lalaking kuto at maaaring mangitlog ng 6 na itlog sa isang araw.

Ang mga kuto ay maaaring lumipat mula sa isang tao patungo sa isang tao sa pamamagitan ng malapit na pagdikit sa buhok na pinamumugaran ng kuto. Madalas nagkakakuto ang mga bata dahil kasama nila ang ibang mga bata sa paaralan. Dahil dito, maaari itong kumalat sa bahay kapag ang mga miyembro ng pamilya ay naghihiraman ng mga gamit sa buhok at mga bagay na nauugnay sa ulo:

  • Mga hairbrush o suklay
  • Mga accessory ng buhok tulad ng mga scrunchies at headband
  • Sumbrero at iba pang bagay na tumatakip sa ulo
  • Mga headphone
  • Mga punda, tuwalya, at iba pang personal na bagay na nakadikit sa buhok

Treatment

Mayroong ilang mga paraan kung paano mawala ang kuto at lisa, kabilang ang:

Ang comb method

Sa Pilipinas, ang suklay o suyod na may pinong ngipin ay karaniwang ginagamit para matanggal ang mga kuto. Narito ang gagawin kung paano mawala ang kuto at lisa:

  • Maghanap ng maliwanag na lugar kung saan ikaw at ang iyong anak ay maaaring kumportableng gawin ang extraction.
  • Basain ang buhok ng iyong anak at hatiin ito sa maliliit na seksyon.
  • Simula sa isang seksyon, gamit ang suyod, suklayin mula sa anit hanggang sa dulo ng buhok.
  • Dahan-dahang i-flick o i-tap ang suklay sa isang puting tuwalya o tela upang maalis ang mga lisa, kuto, at mga nits.
  • Ulitin ang prosesong ito para sa lahat ng iba pang mga seksyon.

Ang comb method ay mas epektibo kapag isinabay sa iba pang mga paggamot.

Gamot

Ang isa sa mga pinaka epektibong paraan kung paano mawala ang kuto at lisa ay ang paggamit ng mga gamot. Maaari silang mga medicated shampoo, lotion, at cream, pati na rin ang over-the-counter (OTC) at iniresetang gamot. Ang uri ng gamot na kailangan mo ay depende sa tindi ng infestation at edad ng iyong anak. Kung ang infestation ay nagdudulot ng discomfort sa iyong anak, kumunsulta sa iyong pediatrician para sa reseta. Siguraduhing basahing mabuti ang mga paalala bago magbigay ng gamot sa iyong anak. Kung masyadong marami o masyadong kakaunti na produkto ay maaaring magkaroon ng negatibong epekto.

Pag-iwas

Narito ang mga bagay na maaari mong gawin para masiguro na ang iyong anak at ang buong sambahayan ay walang kuto:

  • Labahan ang mga personal na gamit ng iyong anak tulad ng mga damit, tuwalya, bedsheet, punda, kumot, at mga accessories sa buhok.
  • Maglagay ng mga dry-clean-only na item sa isang bag at panatilihin itong naka-sealed sa loob ng dalawang linggo upang mapatay ang anumang natitirang kuto.
  • I-vacuum ang lahat ng upholstered na kasangkapan.
  • Suriin ang lahat sa bahay kung may kuto.

Key Takeaways

Ang mga kuto ay karaniwang problema sa anit sa mga bata. Kung hindi ginagamot, ang isang kuto ay maaaring lumala at kumalat sa ibang mga tao. Kaya, ang mga magulang ay dapat na masolusyunan kaagad ang infestation at kung paano mawala ang kuto at lisa.
Ito ay para ang kanilang mga anak ay mag-enjoy sa kanilang oras sa paaralan at sa bahay. Bukod sa mga kuto, may iba pang mga infestation na maaaring dala ng iyong anak upang bantayan tulad ng worms.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Severe Iron Deficiency Anemia Associated with Heavy Lice Infestation in a Young Woman  https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC4654199/ Accessed October 8, 2020

Head Lice https://kidshealth.org/en/parents/head-lice.html Accessed October 8, 2020

Head Lice: What Parents Need to Know https://www.healthychildren.org/English/health-issues/conditions/from-insects-animals/Pages/Signs-of-Lice.aspx Accessed October 8, 2020

Head Lice https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/head-lice/diagnosis-treatment/drc-20356186 Accessed October 8, 2020

What are Head Lice? https://www.cdc.gov/parasites/lice/head/gen_info/faqs.html Accessed October 8, 2020

Head Lice in Children https://www.stanfordchildrens.org/en/topic/default?id=lice-90-P01908 Accessed October 8, 2020

Kasalukuyang Version

08/01/2023

Isinulat ni Corazon Marpuri

Narebyung medikal ni Ruben Macapinlac, MD, DPPS

In-update ni: Lorraine Bunag, R.N.


Mga Kaugnay na Post

Paano Maiwasan ang Shaken Baby Syndrome

Alamin ang Komplikasyon ng Kawasaki Disease


Narebyung medikal ni

Ruben Macapinlac, MD, DPPS

Pediatrics · Philippine Pediatric Society


Isinulat ni Corazon Marpuri · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement