Tinatawag na hydrocephalus sa mga sanggol ang isang kondisyon kung saan ipinanganak ang sanggol ng may sobrang fluid sa utak. Karaniwang sanhi ito ng mga kondisyon tulad ng spina bifida, mumps, rubella, German measles, at mga impeksyong maaaring nakuha ng isang ina habang nagbubuntis.
Sa kasamaang palad, nagdudulot ng permanenteng brain damage ang hydrocephalus sa mga sanggol o congenital hydrocephalus. Maaari din itong magsanhi ng ilang komplikasyon na pangmatagalan tulad ng learning disabilities at mga isyu sa physical coordination.
Sa US, isa hanggang dalawa sa bawat 1,000 na sanggol ang ipinanganak na may hydrocephaly at ang pinakamadalas na dahilan ng operasyon sa utak ng mga bata.
Ano ang mga senyales ng hydrocephalus sa mga sanggol?
Sa mga sanggol, mapapansin kaagad ng mga magulang ang mga pisikal na pagbabago sa circumference ng ulo ng anak. Dahil sa fluid build-up, nag-i-stretch at lumalaki ang mga buto sa bungo, na humahantong sa abnormal na paglaki ng ulo.
Bukod sa hitsura, maaaring magpakita ng mga sumusunod na palatandaan at sintomas ang sanggol.
- Nakaumbok na fontanel
- Nakikita at kitang-kita ang mga ugat sa anit
- Mga seizure
- Dagdag pa sa paglaki ng ulo nila, maaaring nakaumbok/nakausli ang mga mata ng sanggol
- Hindi nila magawang tumingala
- Mas iritable kaysa karaniwan
- Matining na pag-iyak
- Hindi nakakakain o nakakapit nang maayos
- Pagsusuka
- Tila hindi ganap na alerto o matamlay
- Hindi nila naaabot ang developmental milestones sa tamang panahon
Maaaring sanhi ng iba pang mga kondisyon ang mga nabanggit na sintomas kaya pinakamabuti na komunsulta sa iyong pediatrician para sa anumang mga alalahanin.
Ano ang maaaring sanhi ng hydrocephalus?
Tinatawag na “tubig sa utak” ang hydrocephalus noon. Ngunit hindi talaga ito sobrang tubig na nakapalibot sa utak, ngunit cerebrospinal fluid (CSF).
Maraming dahilan kung bakit naglalabas ng ganitong fluid ang utak at narito ang ilan sa mga pinakamahalaga:
- Maaaring kumilos ang CSF bilang proteksyon sa utak laban mga sa potensyal na nakapipinsala.
- Nakatatanggal ito ng mga dumi na nasa loob ng utak.
- May kakayahan din ang CSF na magbigay ng sustansya sa utak na kailangan nito upang gumana nang maayos.
Gumagawa ang utak ng bagong batch ng fluid sa bawat araw, nasa isang pint ang dami. Natatanggal din ang mga lumang fluid mula sa loob ng utak at napupunta sa mga daluyan ng dugo.
Gayunpaman, kung nagambala o biglang nahinto ang cycle o prosesong ito, posibleng maipon ang CSF levels sa utak. Nagdudulot ito ng maraming pressure sa utak.
Ano ang mangyayari sa mga sanggol na may hydrocephalus?
Maraming sanhi ng hydrocephalus sa mga sanggol:
- Maaaring ipinanganak na mayroon nito ang iyong anak
- Maaaring komplikasyon ito ng early o premature birth
- Nangyayari din ito dahil sa impeksyon o meningitis
- Maaari ding mangyari ito dahil sa mga komplikasyon mula sa tumor sa utak
- Mayroon ding mga kaso kung saan hindi alam ang dahilan nito
Karaniwang sinusuri ang hydrocephaly sa pamamagitan ng pagsukat sa laki ng ulo ng isang sanggol sa pamamagitan ng ultrasound scan, CT scan, at MRI scan.
Kung hindi magagamot, lalaki lalo ang ulo ng bata, mas dadami ang pressure sa kanyang utak. Dahil dito, maaabala nito ang proseso ng paglaki at development ng iyong anak. Kabilang sa mga malubhang kaso ng hydrocephalus ang pagkakaroon ng brain damage at mga problema sa paningin.
Available treatment
Naglalayong mabawasan ng treatment ang pressure sa utak sa pamamagitan ng pag-alis ng CSF. Ginagawa ito sa pamamagitan ng paggamit ng isang mahabang silicone tube na ipinapasok sa ventricles sa oras ng operasyon. Pagtapos, inaalis nito ang CSF patungo sa direksyon ng tiyan o maaari rin sa puso. Posible ring kontrolin ang rate ng drainage.
May iba’t ibang paraan ng treatment, depende sa kalubhaan at sa kondisyon ng bata. Pinakamainam na talakayin ang mga ipinag-aalala sa iyong doktor upang mas maunawaan ang mga panganib at paraan ng pangangasiwa dito.
Ano ang mga panganib?
Hindi lang delikado ang hindi paggamot sa hydrocephalus, ngunit lubha rin itong nakamamatay.
Ang maagang diagnosis ang pinakamahusay na paraan para matugunan ang kondisyong ito. Dalhin ang iyong anak sa mga regular checkup sa iyong doktor. Dagdag pa dito, higit na makatutulong sa mas malaking tsansa ng paggaling ang mabilis na treatment.
Kahit na mukhang mahirap ang paggaling mula sa hydrocephalus – dahil direktang nakakaapekto ito sa utak – ang operasyon, therapy, at mga intervention, maaari silang makatulong sa bata na gumaling. Makasisiguro na magagawa nilang mamuhay nang masaya at normal tulad ng ibang bata. Samakatuwid, agad na kumuha ng treatment at huwag mag-atubiling makipag-ugnayan sa iyong doktor.
Matuto pa tungkol sa Child Health Issues dito.