backup og meta

Epekto ng Chichirya sa Bata: Maaari bang Maapektuhan ang Kanilang Ugali?

Epekto ng Chichirya sa Bata: Maaari bang Maapektuhan ang Kanilang Ugali?

Epekto ng chichirya at pagbabago ng pag-uugali? May koneksyon ba ito? Ang pagkapagod, pagkabagot, at galit ay resulta ng hindi magandang pag-uugali. Ito rin ay pareho sa mga bata. Gayunpaman, may isa pang rason na maaaring humantong sa masamang pag-uugali sa mga bata. Ang uri ng pagkain na kinakain ng mga bata ay maaari ding makadagdag sa kanilang maling pag-uugali. Kinokonsidera ang junk food na may sala at ang hindi pagkain nito ay potensyal na paraan upang mabawasan ang tiyak na uri ng ugali. 

Maaaring maging kasabik-sabik ang mga hindi masustansyang pagkain dahil sa maraming mga rason kabilang na ang convenience at lasa. Para sa mga bata na hindi laging alam ang sanhi ng kanilang pag-uugali sa pagkain, ang chichirya para sa kanila ay masarap. Ang matatamis na pagkain ay kadalasan na iniuugnay sa problema sa pag-uugali sa mga bata, ngunit ang iba ring hindi masustansyang sangkap sa pagkain ay responsable rito. Halimbawa ng mga sangkap na ito ay ang artificial colors at preservatives na nabibilang sa pagkain bilang hindi masustansya.

Chichirya at Pagbabago ng Ugali

Epekto ng Chichirya sa Bata at ang Koneksyon sa Pag-uugali

Kung ang mga bata ay nakatikim na ng mga pagkain na nakokompromiso ang saturated sugar at fats, nagiging addicted sila sa lasa at nagke-crave sa mas marami pa. Sa katunayan, ang simpleng carbohydrates tulad ng candy, soda, desserts, at puting tinapay ay nakakapag-stimulate ng parte ng utak na nakaugnay sa rewards at satisfaction.

Sa simula na kumain ang mga bata ng chichirya, magugustuhan nila ang lasa at texture, na nags-stimulate ng tiyak na parte ng utak. Ito ay humahantong sa release ng ‘mabuting pakiramdam’ na kemikal mula sa utak na nakapagdaragdag ng kaligayahan. Ang ilan sa mga kemikal na ito ay dopamine, oxytocin, serotonin, at endorphins. Ito ang dahilan bakit nagiging addicted ang mga bata sa chichirya, na mas nanaisin pa ang mga ito kaysa sa prutas at gulay.

Hindi Masustansyang Pagkain at Koneksyon nito sa Hyperactivity

Kinatatakot ng mga magulang ang mataas na sugar. May ugnayan sa pagitan ng pagkonsumo ng sugar at ang hindi makontrol na pag-uugali. Ang mga chichirya at mga pagkain na mataas ang nilalaman na sugar ay nakapagpapabawas ng lebel ng enerhiya. Maging ang abilidad na magpokus sa mahabang panahon ay nababawasan din . Ang mga sugar na makikita sa soda, desserts at puting tinapay ay nakararating nang mabilis sa bloodstream, na humahantong sa mabilis na pagtaas ng blood sugar. Ito ay maaaring magresulta sa pagtaas ng aktibidad ng mga bata. Ang soda, sa partikular ay maaari ding magresulta ng hindi pagpopokus at wala sa konsentrasyon.

Chichirya at ang Koneksyon sa Agresyon

May epekto ng chichirya sa mga bata na laging kumakain nito. Sila ay mas agresibo kaysa sa kanilang mga kaibigan may mas malusog na diet.

Ang sarbey mula sa Boston Youth Survey ay nagpakita ng koneksyon sa pagitan ng matatamis na inumin at agression. Sinasabi rito na ang mga bata na umiinom ng mga matatamis na sodas ay prone sa bayolenteng pag-uugali, kaysa sa ibang mga bata.

Chichirya at ang Koneksyon nito sa Konsentrasyon at Enerhiya

Mahalaga rin ang mga pisikal na gawain sa mga bata sa lahat ng mag edad para sa kanilang holistikong paglaki at paglago. Ang palagiang pagkain ng chichirya ay hindi nagbibigay ng nararapat na nutrisyon sa mga bata na kailangan nila para sa sapat na enerhiya sa pisikal na gawain. Ang kakulangan sa pisikal na gawain ay nakasasama sa kanilang pisikal at mental na pangangatawan. Maaari din itong mag-isolate ng bata mula sa kritikal na social development.

[embed-health-tool-bmi]

Hindi Masustansyang Pagkain at Koneksyon nito sa Self-Confidence at Depression

Ang self-esteem at confidence sa sarili ay partikular na mahalaga para sa paglaki ng mga bata. Maaaring maimpluwensyahan ang kanilang mga murang isipan, na maapektuhan sila sadya man o hindi.

Ang mga hindi masustansyang pagkain ay hindi mabuti para sa pisikal na paglago ng bata, na nakikita sa mga sintomas tulad ng hindi malusog na pagdagdag ng timbang, problema sa self-esteem at iba pa. Magreresulta ang mababang self-esteem sa mga consequences tulad ng depresyon, na karaniwang mapanganib na epekto sa mga bata. Ito rin ay makaaapekto sa paglaki at development maging ang kakayahan ng bata sa paaralan at social relationship. Maaari itong magdulot ng pagpapatiwakal.

Ang regular na pagkain ng chichirya ay hindi dapat gawin. Lalo na at may matibay na ugnayan ito sa pagitan ng pagbabago ng ugali. Gayunpaman, hindi ibig sabihin nito na dapat tuluyang ilayo ang mga bata rito. Ang permanenteng pagpigil sa mga bata sa pagkain ng chichirya ay magreresulta na lalong nanaisin ito. Maghahanap sila ng paraan upang makakain nito nang hindi mo nalalaman. Gayunpaman, kailangan lang na minsan lang sila kumain nito bilang appreciation sa mga magandang  bagay na ginagawa nila o maging pagkain para sa weekend outing.

Matuto pa tungkol sa Kalusugan ng Bata dito.

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot. 

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Junk food and children’s behaviour/https://theworkingparent.com/food-articles/junk-food-and-childrens-behaviour/#.XcUqNJozZPY/Accessed on 07/11/2019

Junk food and behaviour/https://sites.psu.edu/siowfa15/2015/10/01/junk-food-and-behavior/Accessed on 07/11/2019

How junk food affects children/https://healthyeating.sfgate.com/junk-food-affects-children-5985.html/Accessed on 07/11/2019

How fast food affects children’s health/https://www.news-medical.net/health/How-Fast-Food-Affects-Childrens-Health.aspx/Accessed on 07/11/2019

The Effects of Junk Food on Bad Behaviour in Children/https://healthyeating.sfgate.com/junk-food-affects-children-5985.html/Accessed on 07/11/2019

Kasalukuyang Version

12/13/2024

Isinulat ni Jerra Mae Dacara

Narebyung medikal ni Mia Dacumos, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Mga Dapat Malaman Tungkol Sa Eating Disorder Ng Bata

Pagpupuri ng Bata: Mayroon Bang Tama o Maling Paraan Ba Nito?


Narebyung medikal ni

Mia Dacumos, MD

Nephrology · Makati Medical Center


Isinulat ni Jerra Mae Dacara · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement