backup og meta

Ano Ang Sanhi Ng Mabagal Na Paglaki Ng Bata?

Ano Ang Sanhi Ng Mabagal Na Paglaki Ng Bata?

Ang timbang at tangkad ay senyales ng paglaki at pagdebelop ng isang bata. Ito ay dahil ang tangkad ng bata ay isang salik na tanda ng pagkabansot at tanda rin kung ang bata ay may sapat na nutrisyon. Ngunit ano ang stunting o pagkabansot, at bakit mabagal lumaki ang ibang bata? Alamin sa artikulong ito.

bakit mabagal lumaki ang ibang bata

Ano Ang Stunting o Pagkabansot?

Ang pagkabansot ay isang kondisyong nailalarawan kung ang taas o tangkad ng isang bata ay mas mababa sa angkop sa kanyang edad. Sa madaling salita, ang pagkabansot ay isang kondisyon kung saan ang mga bata ay nakakaranas ng mga karamdaman sa paglaki. Ito ay nagiging sanhi upang ang kanilang katawan ay maging mas maikli kaysa sa kanilang mga kaedad. At ito ay kadalasang sanhi ng mga kakulangan sa nutrisyon.

Marami ang hindi nakaaalam na ang pagiging maliliit ng isang bata ay isang senyales ng talamak na mga problema sa nutrisyon sa paglaki ng katawan. Gayunpaman, mahalagang tandaang ang pagiging maliit ng isang bata ay hindi nangangahulugan ng pagiging bansot.

Nabibilang ang mga bata sa kategorya ng pagiging bansot kung ang kanilang tangkad o taas sa kanilang edad ay nagpapakita ng numerong mas mababa sa -2 standard deviations (SD). Kung nararanasan ito ng mga batang may edad 2 pababa, mahalagang may gawin kaugnay nito sa lalong madaling panahon.

Karaniwang gumagamit ang child growth chart (GPA) mula sa World Health Organization (WHO) sa pagsusuri sa nutritional status na may standard deviation.

Ang tangkad ng mga bata na mababa sa normal na standards ay resulta ng malnutrisyon na tumatagal sa mahabang panahon.

Ito ay nagiging hadlang sa pagtangkad ng bata, na nagreresulta ng pagiging bansot.

Gayunpaman, ang mga batang may maikling katawan ay hindi tunay na nakararanas ng pagkabansot. Ang kondisyong ito ay nangyayari lamang kung ang kulang ang nutritional intake ng bata araw-araw, na nakaaapekto sa pagdebelop ng kanyang tangkad.

bakit mabagal lumaki ang ibang bata

Bakit Mabagal Lumaki Ang Ibang Bata?

Ang problemang ito sa kalusugan ay bunga ng iba’t ibang salik na nangyari sa nakaraan. Kabilang sa mga salik na ito ay:

  • Mababang nutritional intake
  • Paulit-ulit na impeksyong may mga nakahahawang sakit at maging ang mga parasitic infestation
  • Premature na pagkasilang
  • Mababang timbang pagkapanganak
  • Kung ang bata ay mayroon ng malubhang sakit, tulad ng congenital heart disease

Ang kondisyong ito ng bata na kulang sa nutrition intake ay kadalasang hindi lamang nangyayari matapos ipanganak. Maaaring mangyari ito habang nasa sinapupunan pa lamang.

Narito ang dalawang pangunahing salik na nagiging sanhi kung bakit mabagal lumaki ang ibang bata.

1. Kakulang Sa Nutrisyon Habang Nagbubuntis

Bakit mabagal lumaki ang ibang bata? Ayon sa WHO, humigit-kumulang 20% ​​ng pagkabansot ay nangyari habang nasa sinapupunan pa ang sanggol.

Nangyayari ito kung ang ina ay hindi kumakain ng mga masusustansyang pagkain sa habang nagbubuntis. Kung kaya ang fetus ay hindi nakakukuha ng sapat na sustansyang kinakailangan nito upang ganap na madebelop.

Kalaunan, bumabagal ang paglaki ng sanggol sa sinapupunan, at nagpapatuloy ito kahit na pagkatapos maipanganak. Samakatuwid, mahalagang matugunan ang iba’t ibang mahahalagang sustansya sa panahon ng pagbubuntis.

[embed-health-tool-child-growth-chart]

2. Hindi Sapat Na Nutrisyon

Dagdag pa, ang kondisyong ito ay maaari ding mangyari dulot ng hindi sapat na pagkain para sa mga batang wala pang 2 taong gulang. Kabilang dito ang hindi naaangkop na posisyon sa pagpapasuso, hindi pagbibigay ng eksklusibong pagpapasuso, at mababang kalidad ng pagkain.

Maraming mga teorya ang nagsasabing ang kakulangan ng pagkain ay maaari ding isa sa mga pangunahing salik na nagiging sanhi ng pagkabansot. Bilang partikular, ito ay ang kakulangan ng mga pagkaing naglalaman ng protina at mineral (zinc at iron) noong mga bata pa.

Ang pagkabansot ay maaaring magsimula kung ang bata ay 3 buwang gulang. Ang proseso ng pagdebelop na ito ay unti-unting nagsisimulang bumabagal sa pagsapit ng bata sa 3 taon gulang

Matapos nito, ang bata ay maaaring patuloy na lumaki, kahit na sa mas mabagal kumpara sa kanyang mga ka-edad.

Bukod pa rito, may kaunting pagkakaiba sa kung paano nadedebelop ang mga batang may edad na 2-3 at ang mga batang higit 3 taong gulang.

Sa mga batang wala pang 2-3 taong gulang, ang mababang sukat ng taas para sa age chart ay maaaring maglarawan sa patuloy na proseso ng pagkabansot. Samantala, sa mga batang mas matanda sa edad na ito, ang kondisyong ito ay indikasyon ng pagkakaroon ng problema sa paglaki ng bata.

Matuto pa tungkol sa Kalusugan ng Bata dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Stunting in a nutshell, https://www.who.int/nutrition/healthygrowthproj_stunted_videos/en/, Accessed March 10, 2020

Moderate malnutrition, https://www.who.int/nutrition/topics/moderate_malnutrition/en/, Accessed March 10, 2020

Kasalukuyang Version

08/15/2024

Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora

Narebyung medikal ni Regina Victoria Boyles, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Parents, Narito Ang Ilang Tips Ngayong Summer Na!

RSV o Respiratory Synctial Virus: Alamin Kung Ano Ang Sakit na Ito


Narebyung medikal ni

Regina Victoria Boyles, MD

Pediatrics


Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement