backup og meta

Alamin: Benepisyo ng Pediatric Telemedicine

Alamin: Benepisyo ng Pediatric Telemedicine

Ang telemedicine ay ang paggamit ng teknolohiya ng impormasyon at komunikasyon para magkaroon ng access sa healthcare. Bilang resulta, lumawak ito sa specialized fields, kung saan isa ang pediatric telemedicine. Noong 1970s, ang terminong “telemedicine” ay nabuo, sa kabila ng kumpiyansa nito sa teknolohiya. Kapaki-pakinabang ang benepisyo ng pediatric telemedicine sa rural areas at mga lugar na kulang sa serbisyo, tulad ng nasa developing countries. 

Mahalagang factor ang distansya sa telemedicine. Habang ang COVID-19 ang dahilan kung bakit ang mga tao ay napipilitang manatili sa kanilang mga bahay, ito rin ang dahilan kung bakit ang telemedicine ay nangunguna ngayon. Lalo na sa isang airborne virus, ang pagpunta sa mga klinika at ospital ay maaaring hindi mabuti para sa iyong anak. Tumutulong ang Telemedicine na mapabuti ang mga resulta ng pasyente sa pamamagitan ng access sa healthcare services at medical information. Isa rin itong tool na madaling gamitin para sa mga magulang at guardians na work from home o walang kakayahang pisikal na bisitahin ang klinika ng doktor.    

Ang doktor ng iyong anak

Ang isang bagay na mahirap sa pediatric telemedicine ay ang paghahanap ng tamang doktor para sa anak mo. Ito ay dapat isa sa iyong mga prayoridad lalo na kung ikaw ay new parent. Sa katunayan, dapat kang magsimulang maghanap tatlong buwan bago ka manganak. Humingi ng mga rekomendasyon mula sa mga kamag-anak, kaibigan, kasamahan, kapitbahay, at iba pang mga doktor. Maaari mo ring tingnan ang isang family physician, na hindi lamang nangangalaga sa mga bata kundi mga pasyente sa lahat ng edad. Gayunpaman, dahil ang mga pediatrician ay dalubhasa sa mga bata, malamang na magkaroon sila ng mas malalim na pag-unawa sa kanilang pangkalahatang mga pangangailangan sa kalusugan.  

Mga benepisyo ng pediatric telemedicine

Maliban sa malinaw na benepisyo ng mas kaunting pagkakalantad sa COVID-19, ang telemedicine ay sumikat sa mga nakaraang taon. Bilang resulta, napabuti sa mga bata ang healthcare access, mas mahusay na pamamahala ng sakit at wastong pag-monitor ng health conditions.

Nalaman sa isang pag-aaral na naipakita ng pandemya kung gaano nakakatulong ang telemedicine para sa mga pasyente na hindi gaanong nabibigyang pansin. Ang isa pang pag-aaral ay nagsiwalat na ang mga serbisyo ng telemedicine ay kasing ganda o mas mahusay pa kaysa sa face-to-face visits.

Bilang karagdagan, naniniwala ang mga eksperto na mas mahusay ang mga bata kapag pinapayagan silang manatili sa mga pamilyar na kapaligiran kasama ang kanilang mga pamilya at mga support system.

Mahahalagang bagay na dapat abangan sa pediatric telemedicine

Ano ang benepisyo ng pediatric telemedicine? Tulad ng maraming bagay, hindi lahat ng pediatric telehealth provider ay pare-pareho. 

Narito ang listahan ng mga bagay na dapat tandaan:

  • Hindi maaaring palitan ng telemedicine providers ang iyong pediatrician. Gayunpaman, dapat silang magtulungan upang mapangalagaan ang iyong anak ng mahusay.
  • Ang mga provider ay dapat may karanasan sa paggamot sa mga bata. Ang mga pediatric telemedicine ng provider ay dapat may pagsasanay sa mga problema at paggamot sa kalusugan ng bata.
  • Dapat pribado ang mga konsultasyon. Dapat makita ng pasyente at provider ang isa’t isa. Ngunit hangga’t maaari, huwag isama ang ibang mga tao na hindi direktang kasangkot sa konsultasyon.
  • Dapat may kasamang adult. Ang mga magulang ang pangunahing responsable para sa kapakanan ng mga anak. Sa kabilang banda, dapat hikayatin ng mga magulang ang mga kabataan na magkaroon ng mas aktibong papel sa kanilang pangangalagang pangkalusugan.

Iba pang dapat tandaan:

  • Dapat mag-follow up ang mga provider sa iyo at sa pediatrician. Kung ang provider at pediatrician ay hindi iisang tao, ang una ay dapat magbigay sa doktor ng impormasyon tungkol sa pagbisita, kasama ang anumang inirerekomendang follow-up.
  • Ang mga kagamitan ay dapat na angkop para sa bata. Sa pediatric telemedicine, ang mga espesyal na camera, device, at health monitoring equipment ay dapat na magagamit para sa mga bata. Ang mga taong humahawak sa kagamitan ay dapat magkaroon ng ilang antas ng pagsasanay upang magamit ito nang maayos. Kumunsulta sa doktor tungkol sa kung anong mga tool ang kailangan mo at kung paano sila makakarating sa iyong tahanan. Ito ay para sa benepisyo ng pediatric telemedicine.
  • Ang telehealth providers ay dapat gumawa ng mga test/pagsusuri. Dapat suriin o gawin ng provider ang tests sa iyong anak bago magreseta ng anumang gamot. Maaaring bigyan ka ng iyong pediatrician ng test procedure referrals.
  • Dapat sabihin ng providers kung kailangan ang face-to-face visit. Dapat malaman ng iyong provider kung ang iyong anak ay nangangailangan ng mas malalim na pagsusuri. Ito ay kung ang bata ay lubhang may sakit para gamutin sa pamamagitan ng telemedicine consultations.

Key takeaway

Napatunayan ang benepisyo ng pediatric telemedicine. Ito ay isang mahalagang tool sa pangangalagang pangkalusugan sa panahon ng pandemya. Iminungkahi ng mga pag-aaral na magiging mas mahusay ang pagpapabuti ng pag-access nito at pagiging sulit sa gastos. Sa hinaharap, dapat suriin ng mga eksperto kung anong mga aspeto ang nagbibigay sa mga bata ng pantay na access sa de-kalidad na pangangalaga.

Matuto pa tungkol sa Child Health dito.

[embed-health-tool-bmi]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Telemedicine: opportunities and developments in Member States: report on the second global survey on eHealth 2009, https://www.who.int/goe/publications/goe_telemedicine_2010.pdf. Accessed 14 Mar 2022

Choosing a Pediatrician for Your New Baby, https://kidshealth.org/en/parents/find-ped.html. Accessed 14 Mar 2022

Telemedicine in Pediatrics: Systematic Review of Randomized Controlled Trials, https://doi.org/10.2196/22696. Accessed 14 Mar 2022

Pediatric Telehealth in the COVID-19 Pandemic Era and Beyond, https://doi.org/10.1542/peds.2020-047795. Accessed 14 Mar 2022

Telehealth Services Start With Your Pediatrician, https://www.healthychildren.org/English/family-life/health-management/Pages/Telehealth-Services-for-Children.aspx. Accessed 14 Mar 2022

Kasalukuyang Version

11/20/2022

Isinulat ni Corazon Marpuri

Narebyung medikal ni Dexter Macalintal, MD

In-update ni: Corazon Marpuri


Mga Kaugnay na Post

Parents, Narito Ang Ilang Tips Ngayong Summer Na!

RSV o Respiratory Synctial Virus: Alamin Kung Ano Ang Sakit na Ito


Narebyung medikal ni

Dexter Macalintal, MD

Lifestyle Medicine, Registered Nutritionist Dietitian


Isinulat ni Corazon Marpuri · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement