backup og meta

8 Stages Ng Psychosocial Development Ayon Kay Erikson

8 Stages Ng Psychosocial Development Ayon Kay Erikson

Isinasaad ng 8 stages ng psychosocial development ni Erik Erikson na ang ating personalidad ay nadedebelop sa magkakasunod na stages. Ang stages na ito ay may mga problema o mga gawain. Ang paraan ng pagkontrol ng mga bata o nakatatanda sa mga problema ay may epekto sa resulta ng kanilang ego. Paano magagamit ng mga magulang ang mga 8 stages ng development sa pagpapalaki ng kanilang anak? Alamin sa artikulong ito.

8 Stages Ng Psychosocial Development Ni Erik Erikson

Ibinatay ni Erik Erikson, isang ego psychologist, ang kanyang teorya sa Psychosexual Theory ni Sigmund Freud. Ayon sa kanya, may 8 stages ng development:

Stage 1 – Trust vs. Mistrust (Birth to 18 Months)

Ayon sa mga ulat, sa yugtong ito, matututuhan ng mga sanggol ang magtiwala sa mundo sa pangkabuoan kung naibibigay nito ang kanilang mga pangunahing pangangailangan.

Kaya naman, lubhang mahalaga ang gampanin ng mga ina o caregiver dahil sila ang magiging pangunahing tagapagbigay ng pangangailangan ng sanggol (pagkain, kaginhawaan ng pakiramdam, at iba pa).

Isang mahalagang gawain sa yugtong ito ay ang pagpapakain.

Stage 2 – Autonomy vs. Shame and Doubt (18 Months to 3 Years)

Sa yugtong ito, magsisimula nang matutuhan ng mga bata ang iba’t ibang mga kasanayan para sa kanilang mga sarili. Hindi man nila ito magawa nang wasto, subalit magsisimula na silang maglakad, magsalita, kumain, pumili ng mga bagay, at iba pa. Maging ang pagsasabi ng “Hindi!” ay kanilang magiging paraan upang maisagawa ang kanilang kagustuhan.

Kung mapangasisiwaan nang mabuti, iminumungkahi ng teoryang ito na matututuhan ng mga bata ang pagiging independent o nagsasarili. Subalit kung sila ay ipinahihiya o pinarurusahan sa paggawa ng mga maling bagay, maaari silang maging mahiyaan o magkaroon ng pagdududa sa kanilang sarili.

Ang mahalagang gawain sa yugtong ito ay ang pagsasanay sa pagdumi o pag-ihi.

Stage 3 – Initiative vs. Guilt (3 to 5 Years)

Sa yugtong ito ng 8 stages ng development, magsisimula na ang mga bata na maging independent, kaya naman sila ay maaaring maging mapilit. Ginagaya nila ang mga nakatatanda at nagsisimula ng mga sitwasyon tulad ng play pretend.

Kung mapangasisiwaan nang mabuti, matutuhan ng mga bata ang kanilang mga kakayahan. Kung hindi makokontrol, maaaring pagdudahan nila ang kanilang sarili o magkaroon ng pag-uugali ng pagiging guilty.

Ang mahalagang gawain sa yugtong ito ay kinabibilangan ng pagdebelop ng independence.

Stage 4 – Industry vs. Inferiority (6 to 12 Years)

Sa yugtong ito, ang mga bata ay madalas nang nasa paaralan. Patuloy nilang sinasanay ang kanilang mga kasanayan at natututo pa ng mga bago. Nakatutulong ito upang madebelop sa kanila ang pagsisikap.

Kung may problema ang mga bata sa kanilang mga kasanayan o kakayahan, maaaring madebelop sa kanila ang pagkakaroon ng mahinang loob.

Mahalaga pa rin ang gampanin ng mga magulang, subalit ang mga kamag-aral, guro, at kapitbahay ay nagiging mahalaga rin. Ang paghikayat sa kanila ay mahalaga sa yugtong ito.

Ang gabay ng mga magulang sa usapin ng mga kaganapan sa paaralan ay mahalaga sa yugtong ito.

Stage 5 – Identity vs Confusion (12 to 18 Years)

Hanggang sa yugtong ito, ang pagdebelop ay kadalasang tungkol sa kung ano ang ginagawa ng mga nakatatanda para sa mga bata. Ngayon, nagiging mahalaga ang ginagawa ng mga bata.

Ang problema o gawain sa yugtong ito ay alamin ang kanilang identidad — humiwalay sa kanilang mga magulang, ibang miyembro ng pamilya, at mga kaibigan. Kung hindi nila magawa ito sa konteksto ng kasarian, relihiyon, politika, o trabaho, maaaring magkaroon sila ng kalituhan sa kanilang gampanin.

Sa yugtong ito, dapat gabayan ng mga magulang ang kanilang mga anak tungkol sa relasyon ng mga ito sa kanilang mga kaibigan.

Stage 6 – Intimacy vs Isolation (18 to 35 or 40 Years)

Ang problema sa yugtong ito ay ang pagkakaroon ng kasiya-siyang mga relasyon sa pamamagitan ng pag-ibig o pakikipagkaibigan. Kung mapangasisiwaan nang mabuti, madedebelop ang malalim na pakikipagpalagayang-loob. Kung hindi naman, maaaring madebelop ang isolation.

Stage 7 – Generativity vs. Stagnation (35 to 55 or 65 Years)

Sa yugtong ito,ang layunin ay ang makalikha ng mga bagay na makatutulong sa lipunan at ang pangangalaga sa mga magulang, anak, kaibigan, at iba pa. Ayon sa 8 stages ng development ay generativity. Kung hindi mapagtatagumpayan ang yugtong ito, maaaring hindi umunlad ang isang tao.

Stage 8 – Ego Integrity vs. Despair (55 or 65 and Up)

Ang huli sa 8 stages ng development ay tungkol sa integridad — pagpapahalaga sa sarili at katuparan. Sa yugtong ito, maaaring tanggapin ng mga tao ang kanyang buhay habang nagninilay-nilay. Kung hindi, maaari silang makaramdam ng kalungkutan.

Key Takeaways

Mahalagang tandaang ang  8 stages ng development ni Erikson ay isang teorya. Bagama’t maaari itong gamitin bilang gabay sa pagpapalaki ng iyong anak, dapat tandaang ang bawat bata ay espesyal. Kung may mga alalahanin tungkol sa pagdebelop ng iyong anak, huwag mag-alinlangang kumonsulta sa pediatrician.

Matuto pa tungkol sa Kalusugan ng Bata dito.

[embed-health-tool-vaccination-tool]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Erik Erikson’s 8 Stages of Psychosocial Development, https://web.cortland.edu/andersmd/erik/sum.html, Accessed May 18, 2022

Erikson’s Stages of Life, https://www.medschool.lsuhsc.edu/medical_education/undergraduate/spm/SPM_100/documents/EriksonsStagesofLife.pdf, Accessed May 18, 2022

Eriksons Stages of Psychosocial Development, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/books/NBK556096/, Accessed May 18, 2022

Erik Erikson’s Psychosocial Theory, https://iastate.pressbooks.pub/parentingfamilydiversity/chapter/erikson/, Accessed May 18, 2022

How does Erikson’s psychosocial theory apply to parents? https://www.researchgate.net/post/How-does-Eriksons-psychosocial-theory-apply-to-parents, Accessed May 18, 2022

Kasalukuyang Version

03/20/2023

Isinulat ni Vincent Sales

Narebyung medikal ni Dexter Macalintal, MD

In-update ni: Vincent Sales


Mga Kaugnay na Post

Parents, Narito Ang Ilang Tips Ngayong Summer Na!

RSV o Respiratory Synctial Virus: Alamin Kung Ano Ang Sakit na Ito


Narebyung medikal ni

Dexter Macalintal, MD

Lifestyle Medicine, Registered Nutritionist Dietitian


Isinulat ni Vincent Sales · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement